-Chapter 18-

280 4 0
                                    

Eighteen

"I Like You"

"What's wrong with you? Bakit ka ba sunod ng sunod sakin?" Masungit na tanong ni Emerald kay Ezra.

"I told you, I want to know more about you." Walang kakurap-kurap na sabi niya.

I scoffed.

I learned from my dad, not too long ago, that I shouldn't believe a guy if he talks smoothly around me from the start because if he likes me, he should be a little nervous around me.

Honestly, that is one of the best advice anyone has given me. High five, dad!

"For what? Para saktan mo rin ako tulad ng ginawa mo sa buong populasyon ng mga babae dito sa paaralang 'to?" Napahinto siya at nakita ko ang pag-igting ng panga niya bago niya ako sinundang muli. Buti nga sa'yo. Akala mo siguro ay mapipikot mo ako tulad ng ibang babae dito 'no? Puwes hintayin mong pumuti ang uwak!

"You know that isn't my intention."

"Talaga? Paano mo naman nalaman ang alam ko? Wag pakialamero at wag na wag mo akong masundan-sundan!" Banta ko sakanya. Nakita kong kinuyom niya ang kanyang kamay at bumilis ang kanyang paghinga.

Hindi ka niya sasaktan Emerald, bilisan mo ang paglalakad! Sigaw ng isip ko.

"This stupid prick never knows how to stop."

Kung bibilangin ko ay siguro ay nasa dalawang linggo na simula nung iniabot saakin ng librarian ng note mula kay Ezra. Hindi ko naman inakalang seseryohin niya ang pakikipag-usap sakin. Scratch that, hindi siya seryoso. Gusto lang niya akong mapabilang sa mga trophies niya. Hindi ako tanga! I'm not gonna spread my legs for him!

Nakakapangilabot ang mga kakornihang ginagawa niya para makuha ang atensyon ko nitong mga nakaraang araw. Iniisip ko pa lang ang mga ito ay tumitindig na ang mga balahibo ko sa katawan.

"Come on, Emerald. I just wanna talk to you. You don't have to frustrate me." Malambing na pagkakasabi niya.

Hinaplos niya ang braso ko at nagulat siya sa bigla kong pagharap.

Tinaas ko ang kilay ko at napatingin ako sa kamay niya na nakahawak pa rin sa braso ko. Inadjust ko ang salamin ko para makita ko siya ng maayos. Nagulat siya ng napangiti ako at hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa braso ko.

Dahan-dahan ko itong tinanggal pagkatapos ay mabilis kong sinuntok ang kanyang mukha.

I just punched Ezra Stone in the face!

Feeling ko kahit mga instestines ko ay sumasayaw sa tuwa sa ginawa ko sakanya.

"Fucking shit!" Malutong na mura niya pagharap niya sakin. Duguan ang ilong niya at naramdaman kong naghigh five ang puso ko at ang utak ko. Fudge, tuwang-tuwa sila!

"Wag kang lalapit sakin! Naiintindihan mo? Mas malala pa dyan ang kayang gawin ng mga tauhan ng papa ko kapag hindi mo ako tinantanan. Go fuck somebody else!" Nag-igting ang panga niya. Kitang-kita ko kung paano namuo ang galit sa kanyang mata habang pinupunasan niya ng dugo sa kanyang ilong.

Ay tanga, ginalit mo pa. Gago ka talaga, Emerald. Now, run for your life. Hindi na ako nagdalawang isip pa at nagmartsa palabas ng hallway na linalakaran ko. Good job, Emerald! You've won the most idiotic move award.

"Cut," sigaw ni direk. "Thirty minutes break muna tayo."

"Oh fuck, man!" Natatawang sigaw ni Bench nang makita niya si Ash na nakahilata sa couch habang pinupunasan ang duguang ilong. Nagpapanic si Jason habang dala-dala ang first-aid kit na galing sa trailer ni Ash.

Broken TrustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon