-Chapter 04-

397 12 3
                                    

Four

"Tables have turned"

I loathe Ash. I'm sure of that, but my hatred for him is not yet enough to deny his perfect features.

Pinagmasdan ko ang familiar na 'pinkish purple' niyang buhok. It suits him really well. Naka t-shirt lang siya at simple jeans, pero bakit hanggang sa kadulu-duluhan ng kalamnan ko tumatalab ang epekto niya?

Kung ang dating Fierce ang nasa kinatatayuan ko ngayon: that Fierce's jaw probably dropped the moment she saw his portrait on the hall of famers, then his looks in person would be enough for her to swallow all the saliva left in her mouth. That's how handsome he is. Hindi ko maitatanggi 'yun. Kahit na nanggaling ako ng abroad, he's still the most handsome guy I've ever met.

"You know him?"

Umiling ako.

"No, Dad. I just met him several years ago, but I never had any encounter with him after that, right?"

Laglag pa rin ang panga niya. Siguro ay hindi pa rin sya nakakarecover sa gulat. Mabilis din ang paghinga niya. Dahil siguro iyon sa kaba. That's a thing I've discovered nung naging kami. I smirked.

"Right?"Pag-uulit ko.

Marahan siyang tumango. Cat got your tongue, eh?

"Tamang-tama, Dawn." Pinandilatan ko ng mata si Dad. "I mean," He cleared his throat. "Fierce," sabay tingin sakin. "You know, she will be handling the company soon, but before that, I want her to work first as the company's official designer."

Napatingin kaming lahat sa kanya.

"Why don't we try it first with Ash? What do you think?"

My subconscious smiled.

"Good Idea!"

Things were going according to my plan. I never thought na magiging ganito kadali ma-involve ulit kay Ash.

Tumingin ako kina Chance at AJ na pailing-iling na nakatayo malapit sa pinto. Habang si Ash naman ay umurong na ata ang dila at hindi na nakapagsalita.

"Ash? Wala ka naman sigurong mairereklamo diba? You just messed up with your former designer."

"AND Don't you dare mess up with my daughter. You know what I'm capable of, Valdez. Wag mo akong susubukan."

May pagbabanta sa boses ni dad.

"Of course, chairman." Yun ata ang pinakaunang beses na narinig ko ang boses niya simula nung umapak ako sa opisinang ito.

Kung gaano siya kalaki sa billboard na pinagmamasdan ko kanina sa highway ng Cyrea, ganun naman ang ikinaliit niya ngayon.

Tables have turned. Tapos na ang larong ginawa mo, Ash. Ako naman. I've set my traps. Ikaw na ang bahalang kumawala sa mga 'yon. At Sisiguraduhin kong walang tutulong sa'yo. You'll suffer. Alone.

Ipinagpaalam ako ni Manager Perez kay Daddy. Kailangan na daw kasing mapag-usapan ang idedesign kong suit kay Ash.

"Anong klaseng suit ba ang gusto mo, Ash?" Sabi ko habang pinagmamasdan ang mga paintings sa loob ng opisina ni Manager Perez. Iniwan niya kami dito at may aasikasuhin lang siya. Sus! If I know, natatakot lang siya at baka may malaman ako at isumbong ko siya kay daddy.

"Kahit ano. Ikaw na lang mag-decide." Pautal-utal niyang sagot. Napataas ang kilay ko.

Humarap ako sakanya at ngumiti. "Okay." Nanlaki ang mga mata niya.

Gulat na gulat siya sa mga inaasta ko.

"Sukatan na kita, ah?"

Naglakad ako papunta sa tabi niya at yumuko para hanapin ang measuring tape sa loob ng bag ko.

Broken TrustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon