Chapter 3

21.8K 881 984
                                    

Kara's POV

The silence is too overwhelming.

Ang tanging naririnig ko lang ay ang mahinang tugtog mula sa stereo at maliban doon ay wala na.

Hindi ko nga rinig ang ingay mula sa labas pwera nalang kung may bubusinang sasakyan.

Hayop kasi si Jackus, eh.

Ipinagtulakan n'ya ako paalis nang akmang aalis na si Tyong kanina. Ang sabi n'ya ay si Qionne na raw ang bahalang magsabi ng deal dahil siya naman daw ang may kailangan sa'kin.

"Uhm," I started as I cleared my throat. "Hello?" I awkwardly said to get her attention.

Seryosong nilingon n'ya ako at tinitigan dahil nakatigil naman ang sasakyan n'ya dahil sa traffic.

"What?"

Mahinang tumikhim lang ako at kinagat ang aking pang-ibabang labi.

Kung hindi lang talaga maganda ang babaeng 'to ay ang sarap n'yang ihagis sa Jupiter dahil sobrang attitude na n'ya.

Konting tawag, iritado agad.

Parang ako. Konting lingon n'ya lang, luhod agad.

"Ano nga po palang offer ang sinasabi ni J-jackus?" Pagtatanong ko at bahagya pang nautal nang sambitin ko ang pangalan ni bakla.

Bigla kasing tumaas ang kilay niya at nanunubok na tinitigan ako.

"You call him on his name?" She asked that made me nod. "Are you perhaps is his trainee or anything related to his job?"

Umiling-iling ako sa sinabi niya at inayos ang upo ko dahil bumaba ang mga mata n'ya sa ayos ng pagkakaupo ko.

Masarap kaya umupo sa passenger seat na parang barako. Mas comfy kapag gano'n. Walang pakialaman. Choice ko 'to, bahala kayo.

"Kagabi lang po kami nagkakilala ni Jackus. Akala ko kasi waiter s'ya sa resort." Nagkibit-balikat ako at saka siya bigyan ng isang ngiti.

I don't know why she's looking intently at my face but I just let her.

Baka kasi ina-admire n'ya lang ang ganda ko.

"He own that."

"Ha?"

She formally stare at me before looking back at the road. "Nevermind."

Kunot ang noo na tiningnan ko siya pero hindi na s'ya muling tumingin sa gawi ko hanggang sa namalayan ko nalang na nasa isang parking lot na kami.

"My driver will take you home." She stated before removing her seatbelt.

She was about to get her bag at the backseat when I caught her hand and intertwine it with mine. Isang matamis na ngiti ang ibinigay ko sakan'ya pero diretso lamang ang tingin niya sa aking mga mata.

"Let go."

"Ayoko." Pagmamatigas ko na may konting pang-aasar.

Simpleng tiningnan n'ya lamang ang kamay naming magkasiklop saka siya muling bumalik sa pagkakaupo ng maayos.

"Aalis kana?" I asked. She nod without looking at my side. "Paano ako? Palagi mo nalang akong iniiwan. Isn't it really worth even a single shot? Palagi ka nalang umaalis, ah. Hindi mo man lang ba iniisip ang mararamdaman ko at ng mga anak natin?!"

Naguguluhang lumingon ito sa akin na tila nakakita s'ya ng baliw. Halos matawa pa ako sa naging reaksyon niya because her forehead's furrowing while her lips are pressed against one another.

"You need a proper medication, kiddo." She stated before pulling her hand out of my grip.

"Maka-kiddo ka sa'kin akala mo naman ang bata bata ko pa, ah! Mag-21 na kaya ako." Ismid ko pero tanging isang tingin lamang ang kan'yang iginawad pabalik.

Lights OffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon