Kara's POV
I was busy designing in Scoby's iPad para sa isang subject namin habang nakaupo sa cafeteria.
Break time namin ngayon ni Scoby kaya dito muna kami tumambay dahil na rin andito ang jowa n'ya. Nagsabay-sabay kasi ang breaks namin ngayong sem pero mamaya pa makakasunod si Dooey at Heather.
Busy si Heather sa basketball team n'ya tapos si Doo ay sa Music club. Ewan ko kung anong pinaghahandaan nila basta ang alam ko ay gutom na ako.
Palagi na nga lang akong gutom lately kaya naisip ko baka nabuntis ako ni Qionne---charot!
Walang hiyang 'yon naging multo na naman. After our Baguio trip ay sumunod daw 'yon sa kapatid n'ya at kay Jackus sa ibang bansa. Pinapunta lang ako sa office n'ya ni Miss Tiana para sa passport ko na hindi ko alam kung paano nila na-process agad.
Stress eating lang habang iniisip ko kung bakit ayaw ko sa sadboi pero g kapag sadgirl na si Qionne Valentine.
Pero hindi naman s'ya sadgirl 'di ba? Ayaw nga no'n ng jowa at sa mga tao kaya sige, ako nalang.
Tatanggapin kong maging sadgurl ng bukal sa puso pero dapat sadboi din ang ex n'ya para may valid reason na kapag sinampal ko.
"Hoy, Kayleigh Raesh, tulala kana naman." Pukaw ni Scoby sa atensyon ko matapos nilang ilapag ng jowa n'ya ang mga pagkain.
Minsan talaga gustong gusto ko maging third wheel ng dalawang 'to kasi kahit iniinggit nila ako ay binubusog naman. Noong hindi pa kasi sila legal ay ako lagi ang buntot nila tapos habang kumakain ako ay naglalandian na sila sa unahan ko pero kapag may nakakita sakanila ay agad akong humaharang sa gitna.
Ang bait ko kayang kaibigan noon pero ngayon hindi na kasi ayaw ko ng maging third wheel nila. Ayokong pati sa paggawa ng milagro ay kasama nila ako.
"Hala gago si Miss Qionne ba 'yon?"
My eyes widen.
"Nasaan?" Agad na tanong ko at muntik pang mahulog ang iPad ni Scoby kung hindi ko lang agad nasalo.
I looked around but there's no Qionne.
"Mga tarantadong 'to!" Malakas na singhal ko sa magjowang ngayon ay tumatawa.
Trip na naman nilang mang-asar porque gusto nilang aminin ko na crush ko si Qionne. Hayop kasi talaga si Dooey simula't sapol. Simula nang makabalik kami galing Baguio ay ipinagpipilitan ng crush ko daw ang babaeng 'yon.
Napakakulit kasi ng lahi n'ya. Hindi ko naman itinatangging gusto ko ang babaeng 'yon pero gustong sa'kin manggaling.
Bumabawi lang 'yon sa ginawa ko sakan'ya noon na hindi ko s'ya tinigilan hangga't hindi n'ya inaamin na crush n'ya ako.
Alam kong crush n'ya ako dati. Sabi pa nga ni Scoby ako raw ang dahilan kung bakit bumaliko ang kapatid n'ya eh hindi nga kami nag-uusap ni Doo dati kasi takot s'ya sa'kin pero crush naman pala ako.
Ako lang 'to.
Pero hindi nagkaroon ng kung ano sa pagitan naming dalawa. As in wala talaga. Nasa straight era pa ako that time ---- naging straight ba talaga ako?
Noon kasi ay bihira talaga akong magkacrush. Siguro dahil na rin focus ako masyado sa pag-aaral at sa mga ginagawa ko para kumita. Para ngang hindi ako nagkacrush ng sobra noong junior high school days, eh.
"Kayleigh---"
"Shut up." Putol ko sa magjowa saka muling itinuon ang atensyon sa iPad.
Bibili na talaga ako ng sarili kong iPad next month. Nag-iipon lang talaga ako kasi nasira 'yong akin noong vacation.
BINABASA MO ANG
Lights Off
Romance"I don't care who the fvck you are in front of the media. I just want you alone tonight. . .in my bed."