Kara's POV
Tamad na binuksan ko ang aking mga mata nang maramdaman ko ang paggalaw ng aking katabi.
She's now awake.
Instead of getting out of her bed, she stay lying beside me while facing the ceiling kaya imbis na ipahalata na gising na ako ay mas lalo ko lang s'yang niyakap.
"Good morning." She muttered when she face and caressed my hair. Maingat na pinatakan n'ya ng magaang halik ang aking noo na aking ikinangiti.
"Good morning." I greeted back.
"Come up. We need to fetch your mother and sister." Namamaos pa na bigkas niya na ikinakunot ng aking noo.
"I thought mamaya pang lunch?"
"We'll eat breakfast with them. Laine texted me last night."
Kahit medyo inaantok pa ay humiwalay na ako sakan'ya at umupo sa kama. Mahina pa akong humikab bago s'ya balingan ng tingin.
"Bakit feeling ko mas kapamilya ka pa nila kaysa sa'kin? Ni hindi nga ako tinetext ng mga 'yon para lang samahan silang kumain ng umagahan." I ranted but she just smile.
"They're my family, too." She shrugged and brush her hair. "Thanks to you."
Mayabang na itinuro ko ang aking sarili saka ngumiti ng malawak. "Sabi ko naman kasi sa'yo, eh, maganda talaga ako sa buhay kaya kung ako sa'yo payagan mo nalang akong sagutin ka."
She chuckled and shook her head.
Ayaw n'ya talagang sagutin ko s'ya, punyawa.
Magb'birthday na ako't lahat pero nanliligaw pa rin s'ya. Ngayon nga ay andito kami sa bahay n'ya dahil ginabi kami ng shoot kagabi tapos dumaan pa kami sa condo n'ya para icheck ang lilipatan namin.
Lilipat kami ngayon kasi doon ako magb'birthday. Ayoko na mag-celebrate sa bahay namin ngayon dahil last year ay may nagsaksakan doon noong mga nalasing.
"Val," tawag ko sakan'ya na ngayon ay prenteng pinaglalaruan ang cellphone n'ya sa kamay.
Pansin ko talagang lagi n'yang ginagawa 'yon. Ginagawa n'yang fidget spinner ang phone n'ya tapos ang galing n'ya pang magpaikot ng ballpen sa kamay.
Naks.
Talented fingers.
Ang haba kaya ng daliri n'ya tapos ang ganda pa ng kamay. Feeling ko may routine din 'tong ginagawa sa kamay n'ya dahil ang lambot at kinis talaga.
Dahil nga palagi na kaming magkasama lately ay hindi talaga maiiwasan na matulog kaming magkasama. Tulad nalang kagabi, tabi ulit kami. Ilang beses na namin 'tong nagagawa pero hindi pa rin s'ya pumapalya sa pagpapaalam sa nanay ko.
Siguradong bago s'ya tumabi sa akin ay magpapaalam muna s'ya kay Mama o kaya ay itetext n'ya. Kapag pumayag palang ang nanay ko ay saka lang s'ya tatabi sa akin.
Like damn, may ganito pa palang tao ngayon?
"Yes?"
I roamed my eyes around her humble abode pero hindi ko talagang maiwasang magtaka dahil wala na ang painting na hinahanap ko.
"Yung painting na itinanong ko sa'yo dati noong una mo 'kong dinala dito, nasaan na 'yon? Hindi ko na 'yon nakikita, ah."
She furrowed her brows and unconsciously throw her head at the supposed to be place of the painting I was talking about na ngayon ay blangko na pero hindi naman nakabawas sa ayos ng bahay n'ya.
Kahit bahay n'ya ang ganda.
"I already asked someone to remove it." She answered.
"Why?"
![](https://img.wattpad.com/cover/301092808-288-k648246.jpg)
BINABASA MO ANG
Lights Off
Romansa"I don't care who the fvck you are in front of the media. I just want you alone tonight. . .in my bed."