Chapter 17

18.7K 779 1.5K
                                    

Kara's POV

Tulalang nanonood ako ng paggawa ng porn---ay tanga popcorn.

'Yong pop make it drop don't stop ah-ah~

Charot. Mema lang.

Taragis kasi ni Qionne ang tagal sa banyo. Kakagising lang naming dalawa and I think lunch time na. Nauna na s'yang maligo kasi kanina pa ako wala sa sarili at hindi makausap ng maayos.

I'm thinking about her statements earlier. Diba sabi n'ya don't make her bend instead, make her fall? Diba ayan ang sinabi n'ya? Mali lang 'yong pagkakasunod-sunod ng words pero ayan 'yon.

Naisip ko lang kasi paano ko 'yon magagawa kung ayaw ko namang mangyari ang ganoong process? I don't want someone to fall in love with me just because I make them love me. Gusto ko volunteer or kusa lang talaga. 'Yong walang reason na maiisip kasi one day, magigising kana lang na mahal mo na 'ko.

Ganern. Unconditional love.

That's what I want.

Ayoko no'ng tipong kapag tinanong kung bakit nahulog ang isasagot ay because she made me fall for her blah blah blah.

Sperm n'yo indigo.

Kaya naman napagdesisyonan kong hindi ko ip'pursue ang sinabi ni Qionne dahil bahala s'ya d'yan.

Basta gusto ko s'ya. Periodt.

I never ask her to like me back and if she would ever do edi welcome to my life. Sa'yo na 'ko. Saktan mo 'ko kahit 10 times wanhandred milyon pa.

Gusto kita tapos gusto mo 'ko edi masaya ang mundo nating dalawa.

And one more thing nga pala. Isa sa reason kung bakit ayaw ko ring ipilit ang sinabi ni Val kanina ay dahil may hunch pa rin ako na babalik ang ex n'ya.

She love him too much at ayokong kapag dumating s'ya ay ako ang magmumukhang sagabal sakanilang dalawa.

No way.

Ano 'yon story 'to ng buhay ko tapos ako ang kontrabida? Ulol. Ililibing ko ng buhay ang lahat ng part ng alphabet kapag nangyari 'yon.

I might like Valentine or maybe more than that but I won't let myself dive on this emotion. Ayokong ipagpilitan ang sarili ko sa taong hindi pa tapos magmahal ng iba.

Baka kasi confuse lang s'ya dahil palaging ako ang nakakasama at nangungulit sakan'ya pero what if bumalik si Ael? What if he comes back when we're getting along and our bond is stronger than before but Qionne is still in love with him?

Ayoko nga.

Baka ikamatay ko 'yon.

I fear the pain love will brings and I really fear the fact that it will break me whole.

My father left my mother. Ang una't huling kwento ni Mama sa tatay ko ay tungkol sa nangyari sakanila. Masyado pa akong bata noon.

She said that they love each other but in this world, love ain't enough to stay with the other person you're in love with.

Maraming pwedeng maging conflicts at aabot sa punto na hindi na kaya na mahal n'yo lang ang isa't isa.

Matapos malaman 'yong story nila ay hindi na ako nagtanong pa tungkol sa tatay ko. Napalaki naman ako ni Mama mag-isa at okay na sa'kin 'yon.

I don't need him.

I don't need anyone else to love me because my family and friends are already enough.

Kasi aminin ko man o hindi ay ang unang dahilan kung bakit ako natakot sumubok sa love ay dahil sa ginawa ng tatay ko.

He's my first heartbreak.

Lights OffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon