Chapter 35

14.1K 429 302
                                    

Kara's POV

May distansya man sa aming dalawa ay hindi ko mapigilang hindi siya pakinggan. Nasa balcony siya ngayon ng kwarto niya. Thank God hindi niya ini-lock ang pinto kaya nakapasok ako.

Titingnan ko lang naman sana kung okay lang ba siya pero heto, I found myself na nakasandal sa pader at hinihintay matapos ang pag-uusap nila ng kung sino.

One week after niyang makalabas sa hospital ay ni minsan hindi namin napag-usapan ang bagay na 'yon. I acted like nothing happened kaya siguro hindi niya rin ma-bring up ulit.

"Give me some time," she murmured.

Hindi niya talaga mapapansin ang presensya ko dahil nakatalikod siya sa aking direksyon at masyadong abala.

"I-i can't leave her," muli na namang nabasag ang boses niya na ikinamulat ko. Agad na umayos ako ng tayo at minasdan kung paano niya ikinuyom ang kaniyang kaliwang kamay. "You don't understand. I can't leave Kayleigh like this. She needs me."

Wala sa sariling napakurap-kurap ako bago dahan-dahang naglakad papunta sa pintuan para lumabas.

No.

I can't take hearing their conversation.

"Si Kara na lang ang mayroon ako."

I harshly place my knuckles against my chest nang maramdaman ko ang pamumuo ng luha sa aking mga mata.

Ilang beses ko na siyang naririnig na may kausap. Hindi ko alam kung sino pero sigurado akong hindi 'yon parte ng trabaho niya. Hindi niya rin naman ako napupuna dahil simula nang makalabas kami sa hospital ay parang nawala ang kalahating porsyento ng atensyon at pagaka-alerto niya. Para bang lagi nalang siyang may malalim na iniisip.

Mabibilis ang mga hakbang na pumunta ako sa kusina at kumuha ng isang baso ng tubig. I can feel my phone vibrating pero hindi ko na lamang ito pinansin. I proceeded to look for something I can cook for our dinner.

I can't leave her.

Muli na namang pumapasok sa isip ko ang boses niya na pilit kong iniiwasan. For once, I hate hearing her voice full of misery and heart breaks dahil pakiramdam ko, ako ang dahilan kung bakit siya nagkakaganon. Tama naman diba? Kaya hindi siya makaalis ay dahil sa akin.

I can't leave Kayleigh like this.

Mapait akong napangiti.

She told me that she's giving me a choice pero parang ang kapalit naman non ay ang pagkawala ng karapatan niyang pumili ngayon. Hindi niya nga ako iniiwan pero pansin ko naman na sa aming dalawa, mas nahihirapan na siya.

She needs me.

Unti-unting pumatak ang luha sa aking mga mata.

For once, I found someone that I can depend on with my vulnerability. Kayang-kaya ko ipakita lahat ng ako sakaniya. Kaya kong sabihin ang kahit na ano na hindi ko magawa sa mga kaibigan at sa pamilya ko.

Kay Qionne ko lang nagawang sabihin na ayoko na, na pagod na ako, na hindi ko na kaya dahil pagdating sa iba palaging dapat ay kaya ko dahil sa akin sila umaasa. Kasi alam ko, e. Alam kong kahit na anong gawin ko ay hindi niya ako magagawang husgahan. That behind all of my shortcomings, she will come around to make me feel like I'm valid and loved.

Si Kara na lang ang mayroon ako.

I'm not supposed to say this pero sa tingin ko ay hindi na maramdaman na andito pa ako para sa sarili ko...kaya paano pa para sakaniya? With that whole week, I've witnessed how she struggles to smile. I've witnessed her swollen eyes. Iyong mga ngiti niya noon sa akin, ibang-iba kumpara ngayon na para bang pagod na pagod siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 13 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lights OffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon