Chapter 1

48.9K 1.1K 1.1K
                                    

Kara's POV

"Let's call it a day, everyone! Pack up na." Isang malakas na anunsyo ng isa sa staff namin ngayon sa set.

My manager immediately handed me a towel after I stand up and remove my hands off of my partner.

"Kara." Migo, my co-freelance model, called my name in a low tone.

I turned my gazes on him only to see how he lowkey flexed his well-built body.

Bahagyang napangiwi ako sakan'yang ginawa dahil sa totoo lang, yuck.

I'm not into boys and I'm not into girls instead.

I'm into snakes.

Gapangan kami gano'n.

Chariz! Hindi ako ahas. Mas magaling ako manglingkis do'n.

"Yes?" Nakangiting tanong ko kahit na medyo binabash ko s'ya sa utak ko. Mabait naman kasi 'yan kahit medyo mahangin pero ako hindi.

Hindi ako mabait, nanampal ako ng walang dahilan.

"I wanna ask if you're free tonight? It's my birthday and I want to invite you." Alanganing ngumiti ito sa akin na ikinangisi ko.

"Then?"

"Pwede ka ba mamaya? Okay lang naman kung may gagawin ka kasi sino ba naman ako para samahan mo mag-celebrate. Dapat talaga ipinunas nalang ako sa kumot---"

"Hayop ka, Migo." Putol ko sakan'ya bago mag-umpisang maglakad pabalik sa dressing room ko dahil medyo nilalamig na ako.

Nasa beach kasi kami ngayon para ishoot ang isang swimwear collection. Walang hiyang 'yan, February palang pero summer na agad. Pero mas ayos na rin atleast may trabaho ako.

"Pero ano nga? Sama ka mamaya?" Pangungulit n'ya matapos harangan ang pinto ng akmang bubuksan ko ito.

I rolled my eyes on him before folding my arms across my chest.

"Saan ba gaganapin?"

His eyes twinkle for a moment bago ito parang tangang ngumiti. "Sa kabilang resort lang. Beach party na may konting landian at walwal."

Tumango-tango ako sakan'yang sinabi bago ngumiti ng mapang-asar. Tinapik-tapik ko pa ang balikat niya saka matamang iwinawagayway ang kamay ko.

"Sige, next life." Saad ko saka siya itinulak paalis sa may pinto dahil napakalaki niyang sagabal.

Nang makapasok ako sa loob ng dressing room ay agad akong nagpalit ng casual clothes dahil masyadong malamig ngayon. It's nearly 5 pm at dahil nga malapit kami sa tabing-dagat ay ang lakas ng hangin.

"Hoy--"

"Tarantado, anong ginagawa mo d'yan?!" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Migo habang nakahawak sa may dibdib ko dahil nang makalabas ako sa dressing room ay siya agad ang bumungad sa akin dahil nakaupo ito sa tapat ng pintuan na parang isang palaka.

Jusko, hayop ang lalakeng 'to.

"Sama kana, please? Palagi mo nalang akong tinatanggihan. Wala na ba talagang natitirang kahit isang katiting na awa d'yan sa puso mo? Minahal mo rin naman ako." Pagdadrama niya na ikinairap ko.

Migo sadboi era.

Ang sarap sungalngalin sa ngalangala. Ayaw ko sa feeling broken na sadboi dahil mga mukha namang tanga.

Hindi ko nga alam kung bakit puro nalang sad boy ang nanliligaw sa'kin---except Migo. Hindi 'yan literal na sadboi, umaarte lang 'yan dahil alam niyang nabubwisit ako sa gano'n.

Lights OffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon