Kara's POV
"Tanginang magjowa 'to, oo." Pikong saad ni Heather habang iritadong inihahampas ang isang walang laman na watter bottle sa hita ata n'ya.
Nasa backseat kaming tatlo nina Dooey tapos nasa unahan si Migo at Scoby. Naglalandian pa ang mga gaga kaya inis na inis si Heather.
I mentally chuckled.
Porque walang nanglalambing, eh.
"Hoy mamaya na kayo maglandian!" Bulyaw n'ya sa magsyota na nagsusubuan ng fries.
Naaaninag ko pa rin sila kasi hindi naman totally na nakasara ang mga mata ko.
"Tumahimik ka d'yan, Heather. Susungalngalin ko talaga 'yang bunganga mo kapag hindi ka tumigil."
I grinned playfully upon hearing Scoby's statements. Kahit hindi ko sila nakikita ng maayos at sigurado akong matalim na tiningnan n'ya si Heather na natahimik na. For sure yumakap nalang sa isang pig na plushie n'ya 'yon.
I wonder kung saan n'ya nakuha 'yan dahil nang sunduin namin s'ya sa bahay nila ay bitbit n'ya na 'yan at yakap yakap.
Dapat ay kami lang ni Heather ang pupuntang Intramuros ngayon dahil kami lang naman ang may shoot doon pero heto at sama sama na naman kaming lima. Hindi na nga nagsi-attend ang mga 'to sa mga lakad nila sa universities at sumama nalang para sa birthday ni Vito.
Sasakyan nga rin pala ng kumag na 'yon ang gamit namin ngayon. Ipinahiram n'ya muna kay Migo para naman daw may magamit kami.
"Sino ba ang naghost kaya parang araw araw nireregla? 'Yung bigla nalang iniwan tapos hindi na nagparamdam? Sino 'yon, 'by? Kilala mo?" Asar ni Migo habang nakatigil ang sasakyan dahil nagpapa-gas ata s'ya.
A mischievous grin slightly formed on my lips habang nakasandal ang ulo ko kay Dooey na natutulog sa aking balikat.
"Hindi ko kilala 'yon pero parang Heather ata ang pangalan."
"Tangina tigilan n'yo 'ko." Madiing bigkas ni Heather at pabalang na hinampas ang upuan ata n'ya.
I don't know if they knew na gising ako o hindi dahil hindi ako nadadamay sa usapan nila. For sure kasi ay idadawit ni Heather ang pangalan ko kung alam n'ya so baka hindi nga.
Better.
"Hillaris 'yon, beh. Khaeliys Hillaris. Alam mo ba kung gaano kataas 'yon?" I heard Scoby asked with a playful tone.
Heather hissed, "Oo. 5'5 lang naman ang height no'n."
"Tinamaan talaga ang gaga." Doo whispered na palihim kong ikinangiti dahil gising na pala s'ya.
"Akala ko ka-height ko lang s'ya." Scoby added na mabilis na ikinareklamo noong dalawa.
"Sorry to wake you up from your dreams pero 5 flat ka lang, ate." Pakikisali ni Doo kaya kahit ayaw ko pa ay napamulat ako ng mga mata.
I adjusted the position of my head and scratch my eyes. Sandaling kumurap-kurap ako bago sila tingnan isa isa.
Parang lugmok na bata si Heather na iniwan ng magulang sa mall dahil nakataas ang mga paa n'ya at nakayakap sa tuhod at sa baboy. Ang sama pa ng tingin n'ya sa magsyota na hindi na s'ya pinapansin.
Kanina pa kasi ang init ng ulo ng babaeng 'yan, eh. Hindi ko alam kung bad days lang ba n'ya o apektado pa rin s'ya sa pagkawala ni Eli.
Sinabi ko naman na sakan'ya before na kasama ni Qionne si Haeliy at baka may inaayos lang pero sabi n'ya ay nag-away daw sila. She's afraid na baka hindi na bumalik si Eli kaya halos tumambling ang gaga mahanap lang.
BINABASA MO ANG
Lights Off
Romansa"I don't care who the fvck you are in front of the media. I just want you alone tonight. . .in my bed."