Chapter 16

19.5K 899 1.2K
                                    

Kara's POV

Tahimik na nakamasid ako sa harapan naming dalawa ni Val habang kinakain si Snoopy.

Masarap pala s'ya.

"You really like ice cream?" She asked out of nowhere while eating donuts.

I nod my head and scooped my ice cream na Snoopy ang design. Malay ko ba kung saan 'to nakuha ni Qionne basta matapos naming mag-usap ay may tinigilan s'yang isang convenience store ata tapos pagbalik n'ya ay may mga dala na s'yang pagkain.

Tapos ngayon ay andito ulit kami sa gilid ng dagat at nakaupo sa may hood ng kotse niya.

Tingin ko ay nasa private beach kami dahil walang katao-tao at mukhang malayo-layo rin sa city. Ewan ko ba sa kasama ko. Kung saan saan n'ya nalang ako dinadala.

"Ice cream is my comfort food lalo na kapag mint chocolate at cookies and cream ang flavor."

It's true tho. Kapag may problema talaga ako ay kumakain ako ng ice cream tapos maiisip ko nalang na nakagawa na ako ng solusyon para malutas 'yon.

Ice cream at churros lang at mabubuhay na ako.

"Who's your comfort person?" She asked out of a sudden. Napatigil ako sa pagsubo ng kinakain ko at nilingon siya pero nakatingin lamang ito sa kawalan.

"Scoby." Simpleng sagot ko.

That girl is my best friend as what I've said before. S'ya talaga ang pinakaclose ko sa group namin. Close ko rin naman 'yong iba pero kay Scoby talaga ako tumatakbo kapag magb'breakdown ako sa sobrang daming problema tapos hindi ko na kaya.

Then after that, I'll just find myself being surrounded with them and lending a help to fix every problem I had. Hindi ko nga alam ang gagawin ko kung wala ang mga kupal na 'yon sa buhay ko.

Sa financial problem palang namin ng pamilya ko ay susuko na talaga ang aking katawan lalo na noong malala pa ang sakit ni Mama. I need to maintain her meds dahil mabilis humina ang tibok ng puso n'ya.

I remember myself looking for a job when I was just 5 years old. Bata pa noon si Lai tapos kulang ang sinusweldo ni Mama. Halos ginugol ko lahat ng oras ko sa part time jobs noong bata ako. Laman ako ng palengke no'n, eh. Naging helper din ako sa isang mayamang pamilya no'n pero hindi rin ako nagtagal kasi napakataray noong anak nila na kasumpa-sumpa naman ng mukha.

They're making their helpers a slave as if our life depends on them. Nakalimutan ko na sila kasi sobrang bata ko pa no'n.

Pero huling balita ko namatay daw yung buong pamilya.

Ah, ewan.

"Ikaw?" This time, I chose to speak and break the uneven silence. "Who's your comfort person?"

She heaved a sly smile.

"Myself."

My lips parted for a while bago ko isinapak sa aking bibig ang ice cream spoon ko.

Dapat talaga tumatahimik nalang ako minsan. Kung ano ano nalang ang naitatanong ko sakan'ya.

"Why not Haeliy? Jackus?" I asked again dahil naumpisahan ko na rin naman kaya tatapusin ko na.

Galing ko.

"Eli and I were not close before. While Jackus, he's busy building his career and name in the industry he thinks he fits in." She bit her lower lip and shook her head in awe. "I can't also run to other people and simply seek for help. Everyone's busy on their own life. . .and I have myself. Isn't it enough for me to continue?"

Tumango-tango ako bago humilig sa balikat n'ya.

She's the type of person who will never rely to the people surrounding her. She prefer to keep her battles alone with the thought of she will become a burden if ever she ask somebody's help.

Lights OffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon