Kara's POV
"GO HEATHER PUTANGINA KA!!" Malakas na sigaw ni Dooey habang pinapakilala ang mga player.
Nasa loob na kami ng court at malapit lang kami sa bleachers dahil nagpareserve si Heather ng seats. Dapat talaga ay sa bleachers kami kaso ayaw ni Haeliy dahil baka raw matamaan s'ya ng bola.
First game hype and the championship will always hits different. Ngayon nga ay punong-puno ang basketball court pero nanggigigil talaga ako sa mga tingin nang tingin sa pwesto namin.
Noong una chill pa ako dahil akala ko si Vito ang pinagtitinginan nila pero nang mapansin kong naka-mask na at saklob 'yong isa ay nasigurado kong si Qionne ang pakay nila. Ang karamihan pa namang nakatingin sakan'ya ay mga cheerleaders at ilang varsity ng football.
Even the faculties!
Punyawaers break it down yow.
"Hoy, hindi ka pa ba aalis?" Mahinang tanong ko kay Vito na enjoy na enjoy manood sa mga players na nagwawarm-up.
Itong taong 'to akala mo walang nangyaring sagutan sakanila ni Val kanina kasi ang chill n'ya ngayon habang nakatuon ang mga kamay sa upuan at nakatingin sa una.
As if namang hindi ko nakita kanina kung paano rumihistro ang takot n'ya sa sinabi ni Val. Mabilis lang n'ya 'yong itinago hanggang sa mag-aya na sa loob si Heather to lessen the tension na rin.
"Bakit mo 'ko pinapaalis? Hindi ko naman kayo pinapakialaman ng Qionne mo." Simpleng tugon n'ya pero may kalakasang hinampas ko lang ang kan'yang hita.
Ito ang dahilan kung bakit kanina pa walang imik si Tyong. Pero kung sabagay hindi ko rin naman s'ya pinapansin kaya fair lang.
Ngayon nga ay nasa gitna nila akong dalawa pero hindi ko talaga pinapansin ang nasa kaliwa ko.
Manigas s'ya.
Bakit ba kasi andito 'to? Oo alam kong hinahanap ko s'ya pero bakit s'ya umuwi ng Pilipinas? Dapat do'n nalang s'ya sa Singapore at uminom ng wine kasama si Noah na mukhang hayop na pinaglihi sa poop.
Yung inis ko sa lalaking 'yon mas mataas pa sa pride ko kaya asa nalang s'ya na titino ako kung magkakausap kaming dalawa.
"Ang init-init tapos naka-jacket ka?" I asked as a matter of fact to Vito that's still wearing his denim jacket.
Mapaglarong lumingon ito sa akin pero alam kong tumagos ang tingin n'ya sa kaliwa ko kung nasaan si Val kasabay nang pag-akbay n'ya.
"Ikaw talaga. Dapat sinabi mo nalang na gusto mo ng jacket ko kasi ibibigay ko naman sa'yo. Tsaka alam kong mainit pero mas hot ka." He teases but I just snort and tried to remove his left arm around my shoulder pero mas binigatan n'ya lamang.
"Vito, alis kasi!" Mahinang reklamo ko pero mas ikinulong n'ya lang ako sa kamay n'ya.
Halos yumakap na s'ya sa balikat ko na pilit kong tinatanggal dahil bukod sa ang daming nakatingin sa amin, ramdam ko na rin ang galit ng nasa kaliwa ko.
Pero bakit s'ya magagalit 'di ba? Doon s'ya sa Noah n'ya punyetang 'yan.
Gumawa rin sila ng barko tapos ako ang papatay sakanila mga punyawa!
I only live once kaya sasampalin ko talaga si Noah kapag nagkaroon ako ng chance.
"Halalalala~" parang tangang saad ng lalaking nakaakbay sa akin at pilit pinipigilan ang aking mga kurot. "Nakatingin na sa side natin si Qionne. Kiss mo 'ko para tumambling na s'ya."
"Hayop ka."
"Oo, Kayleigh! I LOVE YOU, TOO!" Malakas na saad nito na ikinalaki ng aking mga mata.
![](https://img.wattpad.com/cover/301092808-288-k648246.jpg)
BINABASA MO ANG
Lights Off
Romansa"I don't care who the fvck you are in front of the media. I just want you alone tonight. . .in my bed."