Chapter 31

21.5K 832 907
                                    

Kara's POV

"Shh,"

Madahang gumalaw ako at sinubukang buksan ang aking mga mata pero agad akong nasilaw sa liwanag. I can feel a lot of eyes staring at me which made me feel uncomfortable.

"Vito naman kasi, eh! Nagising tuloy si Kara." Dinig kong palatak ni Doo nang unti-unti akong gumalaw.

"Alangan namang hindi gumising 'yan? Edi lalo kayong nag-iyak kapag lumiwanag ang bahay n'yan."

Nang sandaling naimulat ko ang aking mga mata ay agad nitong hinanap si Val pero kahit saang sulok ay wala ito. Puro mga kaibigan ko lang ang naririto kasama si Jianne na nakaupo sa isang couch at sapo-sapo ang kaniyang mukha.

"Si Val?" Paos na bigkas ko.

Scoby, which is at my right side, holding my hand carefully, look at me with a small smile. "Sabi n'ya kanina ay lalabas daw muna s'ya. Hanggang ngayon nga lang ay hindi pa bumabalik."

I hummed and asked for a glass of water dahil nauuhaw ako. Agad tumalima si Vito at pagbalik ay may dala pang kung ano-anong pagkain.

"Bakit hindi mo sinabing may sakit ka?" He asked but I just shrugged my shoulders, shivering from the thought of it. "Palagi kang pagod lately tapos ang dami mo pang endorsement. Nag-aaral ka rin hanggang gabi tapos malalaman nalang namin na kailangan kang dalhin sa hospital dahil wala kang malay sa condo unit mo?"

Vito's eyes were clouded with pure worries and disappointments but he managed to hold it all alone. Maingat na inalis nito ang tingin n'ya sa akin at bumaling sa kabilang side.

"You should've told us that you're sick because you know that we can lend help especially with your financial needs. We can help to provide and support your maintenance and medicines to avoid such complications to that disease, Kara," bahagyang nanghina ang boses n'ya, "hindi ka naman iba sa'kin para itago mo na may sakit ka." Dagdag pa niya.

"Victorio," I gasp and look at him wondering, "gago, inaartehan mo 'ko!"

Buhat sa aking sinabi ay may kalakasang tumawa siya at sumandal sa kan'yang inuupuan. He chuckles loud and strong but weak at the same time.

"Ampota, may baliw." Komento ni Migo na kakalabas lang ata sa cr. May towel pa sa basang buhok nito na tila kakaligo n'ya lang. "Sorry, Kara, nakiligo na 'ko sa cr. Kakatapos lang ng practice ko sa basketball noong tinawagan ako ni Scoby."

I just nod and smile at him, silently letting it pass. Dito na pala s'ya dumiretso tapos nakiligo pa.

"So? Vito knew that you were sick?" Jia spoke all of a sudden which made me nod, completely lost why she's here knowing that she's as busy as her friends.

"Nasabi ko na sakan'ya noon."

Her eyebrows furrow, "and Qionne?"

I pressed my lips together and leaned back, looking back at her with silence which I think is enough to answer her.

Hindi naman kasi gaanong malala ang sakit ko tho it really demands a lot from me. Delikado, ika nga. Hindi pwedeng hindi ako iinom ng gamot dahil makaligtaan lang kahit isang beses ay maaaring may mangyari sa akin.

Nagpapacheck-up naman ako. Kaya nga nalaman ni Vito ay dahil sinamahan n'ya ako noong mga araw na ghinost ako ni Tyong. Naabutan n'ya kasi akong paalis kaya bumuntot na sa akin. Doon n'ya nalaman tapos ang gago akala ata mamamatay na ako dahil tinanong ang doktor kung may taning na raw ba ang buhay ko.

But that man saved me. Simula nang malaman n'ya ang tungkol sa sakit ko ay wala talaga s'yang pinagsabihan, kahit kay Qionne ay hindi n'ya sinabi. Tapos lagi pa s'yang tumatawag sa akin tuwing oras ng pag-inom ko ng gamot para daw hindi ko makalimutan. Sabi pa n'ya ay hindi ko naman daw kailangang sagutin ang tawag, hayaan ko lang daw para atleast ay hindi ko makaligtaan. It's been our drill, our little secret. Kahit nga mga gamot na iniinom ko ay alam n'ya.

Lights OffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon