Kara's POV
"Putangina naman," mahinang pagmumura ko nang biglang may tumakbong aso sa kalsada kaya halos sumubsob ako sa manibela.
Nakasimangot na isinuot ko ang aking seatbelt dahil kanina pa ako nasusubsob tapos baka mamaya madamay na ang dibdib ko edi kawawa naman si Val.
Charizz.
Bwisit nga ang babaeng 'yon kanina pa busina nang busina sa likuran ko tuwing bigla akong napapapreno kaya mas nap'pressure ako. Partida magkacall pa kaming dalawa habang nag-aaral ako ng lecheng pagd'drive na 'to.
Oo gusto ko ng BMW pero hindi ko naman sinabing gusto ko magdrive. Jusko, noong nalaman 'to ng mga kaibigan ko at ni Lai ay sinabi na agad na ipagdrive ko sila. Like hello? Mukha bang kakasya kaming lahat dito? Ipalit ko sila sa gulong, eh.
"Go on, Kayleigh," I heard her voice over the phone which made me look at the rearview mirror. "We're running late for your photoshoot."
"Eh, kasi naman sabi ko sa'yo bukas nalang tayo maghiwalay ng sasakyan para parehas nating free day!" Pagrereklamo ko bago muling magpatuloy.
Marunong na ako magdrive kahit papaano dahil ilang buwan na rin namin 'tong pina-practice. May license na rin ako na nakalakip sa regalo ni Jia noong birthday ko. Mukhang alam n'ya na sasakyan ang isa sa regalo ni Qionne sa akin.
Tapos na rin ang ilang photoshoot namin sa ibang bansa. Kung saan saan na nga kami nakarating dahil doon. Ngunit sa loob ng ilang linggo ay hindi ko masyadong nakasama si Val kasi may iba s'yang business trip at inaasikaso sa kumpanya n'ya. Tanging si Eli lang ang madalas na nakasama namin at si Jackus naman ay pasulpot-sulpot lang kapag may oras s'ya pero noong huling araw namin si South America ay hiniram n'ya kami ni Migo para daw sa runway walk.
Alam ko ang plano ng baklang 'yon kasi sinabi na sa akin ni Qionne bago pa man kami umalis papuntang Brazil. Sumama pa nga s'ya doon kaso humiwalay din after two days dahil may conference s'ya sa Washington, DC. Ang sabi n'ya ay gusto raw kami ni Jackus na makasama sa next fashion show na collaboration ng company nito at nang kay Jianne. Wala pa raw nagagawang proposals since ilang buwan pa naman daw bago 'yon pero dahil baguhan pa kami kumpara doon sa iba ay iaadjust ang training lalo na sa paglalakad.
Ano bang gusto nilang lakad ko? Lakad maganda? Lakad penguin? O lakad virgin?
Walang hiya naman kasi hanggang ngayon ay walang usad sa lovelife ko. Nasa ligawan stage pa rin tapos wala pang halikang nangyayari. Hindi naman sa atat ako masyado pero hindi na ako makapagtimpi sa ibang dating issue na lumalabas tungkol kay Qionne.
Lately kasi ay nakita s'yang kasama iyong kapatid ni Drei na si Damon Salazar kaya may gumawa ng article na what if daw may something sila. Nabuhay tuloy ulit 'yung kakahupa lang na issue nilang dalawa kung saan sinabi ni Damon na si Qionne ang apple of the eye n'ya.
Hindi naman lingid sa kaalaman ko na napakaraming umaaligid kay Valentine---like I'm not blind bitches. Ako pa minsan ang nagbabasa ng mga emails at letters na ipinapadala sakan'ya dahil masyado raw s'yang busy para gawin 'yon kaya kapag wala kaming ginagawa ay iyon ang pinagdidiskitahan naming dalawa. Mayroon pang nagsabi na kapag daw nagpakasal sila ay mas lalakas ang empire nilang dalawa lalo na ang entire lineage nila.
Eh, mga gago pala sila. Hindi ba nila alam na napakataas ng anger issues ni Qionne pagdating sa pamilya n'ya? Malay ko kung bakit pero kapag nadadawit na ang pamilya n'ya sa personal na buhay n'ya ay biglang dumidilim ang kan'yang mga mata tapos bago ka pa makapag-react nakapag-walkout na 'yan at may nasirang gamit para maglabas ng sama ng loob.
BINABASA MO ANG
Lights Off
Dragoste"I don't care who the fvck you are in front of the media. I just want you alone tonight. . .in my bed."