PROLOGUE

90 6 2
                                    


"Maghiwalay na tayo, Marigold."


Tila tumigil ang mundo ko matapos marinig ang salitang iyon mula kay Jerome. Hindi 'yon ang inaasahan kong sasabihin niya sa araw na ito, hindi ang salitang iyon ang inaasahan kong maririnig ko mula sa kaniya. Bakit? Nagkulang ba ako? Lahat na nga ng pag intindi ay ginawa ko na pero bakit kailangan pa rin kami humantong sa ganito?


"Binibiro mo ba 'ko? Love, not today please. It's my birthday," wika ko at saka pinilit na ngumiti kahit nagbabadya na ang pagpatak ng aking luha. Hiniwakan ko ang kamay niya ngunit agad niyang inalis ang kamay ko mula sa pagkakahawak sa kaniya."Love.."


"You deserves someone better Marigold, at hindi ako 'yon. Hindi na tayo masaya kaya pakiusap, tapusin na natin ang relasiyon natin—"


"Hindi. Hindi ako papayag. Jerome mahal kita, kaya nakikiusap ako sa'yo 'wag naman ganito please?" Halos mapaluhod na ako sa harapan ni Jerome pakinggan lang niya ang pakiusap ko."H'wag mong sabihin na I deserves someone better kasi if you really love me gagawin mo ang lahat para maging better para sa akin. I don't want anyone else Jerome, I only want you. So please, let's fix this love." At tuluyan na ngang tumulo ang luha mula sa aking mga mata.


"I'm sorry Marigold, pero pagod na ako. Pagod na ako sa paulit-ulit nating pagtatalo, sa paulit-ult na nating pag aaway. Pagod na ako." Malumanay na wika ni Jerome na mas lalong dumurog sa akin.


"Ako na nga itong palaging umiintindi sa ating dalawa at ako na nga itong humihingi ng tawad sa'yo sa tuwing may pagtatalo tayo kahit na ikaw naman ang may mali, pero ikaw pa ang napagod? Paano naman ako? Hindi mo man lang ba ako inisip?" wika ko habang nagpapatuloy ang pag agos ng aking luha.


Ikalawang kasintahan ko si Jerome. Magkaklase kami sa isang subject noong high school at palagi ko siyang katabi. Nagsimula kami sa pagiging magkaibigan until he confessed na may gusto siya sa akin. Tumagal ng halos isang taon ang panliligaw niya bago ko siya tuluyang sinagot. Sa unang sampong buwan ng aming relasiyon ay naging masaya naman. Pero tulad nga ng madalas nilang sinasabi, lahat ay sa una lang masaya.


Nag umpisang magkaroon kami ng misunderstanding ni Jerome noong malapit na kaming mag isang taon. Hindi ko alam kung anong nangyari at napapadalas na ang pagtatalo namin ultimo sa kaliit-liitang bagay, pero kahit siya ang nagsisimula ako itong humihingi ng tawad. Kahit siya ang may kasalanan ako ang nag so-sorry. He even let me sleep while overthinking pero ayos lang, mahal ko siya at gano'n ko kagustong tumagal ang relasiyon namin kahit sinasabi na ng mga kaibigan ko na makipaghiwalay na ako dahil hindi na healthy ang relationship namin.


"Sorry Marigold, Happy Birthday na lang sa'yo," ani Jerome bago ako tuluyang tinalikuran.


Napaluhod na lang ako sa gitna ng parke ng Mall habang nakatingin sa papalayong si Jerome.


I still remember how he make promise to me na hindi niya ako sasaktan tulad kung paano nagawang saktan ni Daddy si Mommy, pero higit pa doon ang naramdaman kong sakit na siya ang may gawa.


The man who fixed me is also the man who destroyed me.


Ganito ba talaga ako kamalas pagdating sa pag-ibig?

UNTIL THE MOON AND SUN COLLIDE (UNTIL TRILOGY 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon