CHAPTER 3

30 2 0
                                    


Hanggang sa sumapit na nga ang araw ng aming Reunion ng Batch 2017-2018. Halos lahat nga ng mga naging kaklase ko ay dumalo maging ang mga mga guro. May ilan sa kanila na nagpapatuloy mag aral sa kolehiyo, mayroon nagta-trabaho na at meron din naman na nag asawa na.

"Akala ko talaga hindi ka na a-attend, buti napilit ka ni Tita Salvacion," ani Mylene na may hawak na disposable plastic cup na naglalaman ng Juice.

"Na-realize ko rin kasi na tama siya, wala nga akong dapat na ikatakot o ikahiya na makita siya. Dahil first of all, siya ang nang iwan at hindi ako. Kaya kung meron man dapat makaramdam ng pag aalinlangan sa amin dalawa, si Jerome 'yon at hindi ako," wika ko bago sumimsim ng Juice.

"Correct ka d'yan, Marigold." Nakangising wika ni Christine."Doon na tayo sa designated area natin. Nandoon din 'yung mga kaklase natin dati." Pagpapatuloy niya sabay hila sa kamay ko patungo sa cover court sa loob ng dati naming paaralan.

Marami-rami na rin ang nagbago sa nakalipas na limang taon magmula nang magkatapos kami ng Senior High sa paaralang ito, ngunit nananatili ang libo libong alala noong ako'y nag aaral pa rito. Mga ilang gusali na nadagdag, naging tatlo na rin ang school canteen dahil sa parami nang parami na mga estudyanteng nag e-enroll kada taon. Public School lang naman ito ngunit kasing lawak ng buong soccer field ang sakot na lupain kaya naman maraming naitayong gusali para sa kada strand, at ang bawat gusali ay may tig li-limang palapag. Bawat palapag naman ay may apat na silid.

"Hello, Section Hera." Masayang bati ni Christine sa mga dati naming kaklase nang sambitin niya ang former section namin noong G12 dahilan upang makuha niya ang atensiyon ng aming mga dating kamag-aral na ang iba sa kanila ay halos hindi na namin nakukumusta o nakikita.

"The trio!" Nakangising wika ni Jake nang makita kaming tatlo nila Mylene. Si Jake ang pinaka-makulit na kaklase namin noon na laging nase-sermonan ng aming guro. Ngunit sa kabila ng kaniyang pagiging makulit at pasaway kung minsan ay mabait at matalino si Jake, may talento rin ito sa pagkanta."Marigold ikaw na ba 'yan? Grabeng glow up! Hindi kita nakilala. 5years ago medyo chubby ka pa 'di ba? But look at you now, you're so f*cking gorgeous." Baling sa akin ni Jake dahilan upang medyo mailang ako.

"T-Thank you," sambit ko.

"Upo kayo, kumusta na ba?" sabat naman ni Troy nang ialok ang tatlong silya sa amin. Si Troy ang aming Class President noon at super close rin naming tatlo. Siya rin ang nakapagligtas namin sa tuwing hindi kami nakakagawa ng project on time, dahil siya ang nakikipag usap sa mga teachers na i-adjust ang deadline.

"Thank you, Troy." Nakangiting wika ni Mylene nang sabay-sabay na kami maupo.

"We're doing good naman. Ikaw ba?" saad ko.

"Ito, kunti na lang graduated na sa kursong medikal. Ikaw Marigold? How's life? Siguro may asawa ka na 'no? Kayo pa rin ba ni Jerome?" ani Troy dahilan upang magtinginan kaming tatlo nila Mylene at Christine.

"W-Wala na kami ni Jerome. We broke up a year ago. Sa ngayon, okay naman ako. Masaya sa work ko as an Animal Control Officer sa isang Animal Shelter Society...And still single." Nakangiting wika ko na walang kahit anong kirot sa dibdib na nararamdaman.

"Opps! I am really sorry. H-Hindi ko alam sorry," ani Troy at napatakip pa sa kaniyang bibig gamit ang dalawang kamay. Yes, Troy is a part of LGBTQA+ community.

"That's okay. Naka-move on na rin naman ako. Tanggap ko nang hindi talaga kami ang para sa isa't isa. Well, that's life." Nakangiting wika ko.

"Speaking of Jerome Constantino, ayon siya oh," sabat ni Yna ang dating Vice President ng section namin sabay turo sa lalakeng nakatalikod at may ka-holding hands na babae."And guess what? Engaged na sila ng dati mong pinagseselosan Marigold. Still remember Rachelle De Guzman from Section Artemis?" Patuloy pa nito dahilan upang manumbalik ang sa akin ang alaala mula sa nakaraan.

Tandang tanda ko pa ang mga araw na nagkakaroon kami ng misunderstanding ni Jerome—at si Rachelle, siya ang babaeng nagco-comfort sa ex-boyfriend ko dahilan upang mas lalo akong magselos. Pero kapag kino-kompronta ko naman si Jerome, palagi niyang sinasabi sa akin na h'wag akong magselos o kung ano pa man dahil magkaibigan lang silang dalawa. Pero ang hindi ko alam, na sa huli ay magiging sila pala.

"Y-Yes, I still remember her. Natatandaan ko pa nga nang manghiram siya ng payong sa akin dahil may susunduin daw siya sa HUMSS Building, 'yun pala si Jerome," sarkastikong pagkakasabi ko at mapaklang ngumiti. Inaasahan ko na ang tagpong ito once na dumalo ako sa reunion namin. Dahil halos buong Section Hera yata at Section Aphrodite—ang section ni Jerome noon ay alam ang tungkol sa relasiyon namin dahil minsan akong hinarana ni Jerome noong intramurals sa harap ng daang-daang estudyante at mga guro.

"Grabe naman talaga, may lahi ba siyang Medusa o Galema? O baka si Valentina," sarkastikong wika ni Allyson na tumaas pa ang sulok ng labi nito.

"Meron 'teh," pag sang-ayon naman ni Christine kaya agad ko siyang nilingon."Kasi kung wala, bakit niya aaahasin ang lalakeng commited na?" Patuloy pa ni Christine.

Naramdaman ko na nagba-vibrate ang CP ko nasa sling bag ko kaya agad ko 'tong kinuha.

"Wait lang guys, tumatawag 'yung katrabaho ko. I'll take this call lang," wika ko nang makita ang pangalan ni Josephine sa screen at agad na rin tumayo sa kinauupuan at dumistansiya ng kaunti upang makausap si Josephine ng maayos. Masiyado kasing maingay ang sound system sa cover court ng school kaya kailangan ko talagang lumayo upang magkarinigan kaming dalawa ni Josephine.

"Napatawag ka?" wika ko nang sagutin ko na ang tawag ni Josephine.

"Nand'yan ka na sa reunion niyo? Kumusta? Nagkita na kayo ng ex mo?" rinig ko ang mahinang tawa ni Josephine sa kabilang linya kaya naman napa rolled eyes na lang ako.

"Iyan lang ba talaga 'yung rason kaya mo 'ko tinawagan?" Kunot-noo na tanong ko.

"Oo, kasi gusto ko makichismis. So ano? Nagkita na kayong dalawa? Anong reaction niya?" Magkakasunod na tanong ni Josephine.

"He's already engaged," seryosong wika ko.

"Ouch! Sa'yo nangako pero sa iba tinupad. T-Teka, ayos ka lang ba? Does it hurts?" May pag aalala at halong pagkadismaya na wika ni Josephine mula sa kabilang linya.

"Ayos lang ako. Nothing to worry about." Malumanay na wika ko."Usap na lang tayo mamaya okay? Baka kasi hinahanap na nila ako. Salamat sa pangangamusta, Jo." Patuloy ko pa.

"Okay sige, ingat d'yan."

"Salamat."

Pabalik na ako sa venue nang hindi sinasadyang makabunguan ko ang isang lalake dahilan upang mabitawan ko ang cellphone ko at sabay namin na damputin.

"J-Jerome.." sambit ko nang magtama ang mga mata naming dalawa na kahit medyo may kadiliman ay kitang kita ko pa rin ang kislap nito.

UNTIL THE MOON AND SUN COLLIDE (UNTIL TRILOGY 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon