"Finally, you are here." Napalingon ako matapos na marinig ang boses na iyon ni Nathaniel. He's wearing a black men suit na mas lalong nagpagwapo sa kaniya.
"Ang aga ko nga eh. Baka kasi ma-traffic ako kaya inagahan kong umalis sa bahay." Natatawang wika ko.
Lumapit na sa akin si Nathaniel at hinawakan ang magkabilang kamay ko habang nakatitig siya sa aking mga mata na mas lalong nagpapabilis nang tibok ng puso ko.
"Happy Birthday Marigold, and I want this day to be the most memorable birthday to you. Gusto kong palitan ng masayang alala ang petsang ito sa'yo, dahil alam ko kung gaano ka nasasaktan sa tuwing dumarating ang ika-10 ng Oktubre sa buhay mo," wika ni Nathaniel at saka siya lumuhod sa harapan ko dahilan upang unti-unting nang pumatak ang luha ko.
"Nathaniel..."
"Saksi ang buwan at ang nagkikislapang bituin sa kalangitan ngayong gabi na ito. I, Nathaniel Fuentabella asking you to be my wife. Will you marry me?" sinserong saad ni Nathaniel nang ilabas niya na ang singsing.
"Of course. I will marry you." Naluluhang wika ko dahil sa labis-labis na tuwa. Nang matapos niyang isuot sa daliri ko ang singsing ay agad siyang tumayo upang hagkan ay yakapin ako.
Months later after he proposed to me ay nagpakasal na nga kami ni Nathaniel na dinaluhan ng aming pamilya at malalapit na kaibigan.
Five years later...
"Ok sige, take care always too. I love you Honey." Malambing na wika ko nang tumawag sa akin ang asawa kong si Nathaniel upang sabihin na mag iingat ako palagi.
Nandito ako ngayon sa Pampanga upang personal na makita ang property na pinaplano namin bilhin ng asawa ko upang tayuan ng negosiyo at maging bakasyunan na rin. Gusto niya sana akong samahan ngunit nagkataon na may ka-meeting siyang client ngayon kaya naman nagpasiya ako na ako na lang ang magtungo rito.
"I love you too Honey, sige mamaya na lang ulit tayo mag usap parating na 'yung ka-meeting ko. Basta, palagi kang mag iingat d'yan okay? And if something bad happened, tawagan mo 'ko agad," sinserong wika ni Nathaniel mula sa kabilang linya kaya naman awtomatikong gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ko.
"Okay Honey, just take care you time. Bye muna," saad ko bago naputol ang pag uusap namin. Agad ko nang itinago ang cellphone ko sa loob ng sling bag ko at naglakad na upang maghanap ng taxi na maghahatid sa akin patungo sa address na ibinigay sa akin.
Sa aking paglalakad, sandali akong napatingin sa babaeng may ka-video call sa kaniyang cellphone na sa tingin ko ay boyfriend niya habang nakatayo sa ilalim ng puno ng acasia. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay napatigil ako sa paghakbang. Sandaling nagbalik sa aking alala si Vince at ang mga ipinangako namin sa isa't isa noon—mga pangako na ni isa ay wala man lang natupad. Pangakong kapag nagkita kami at yayakapin namin ang isa't isa nang mahigpit, pangakong magpapakasal kami at bubuo ng masayang pamilya at ang pangarap na magkaroon ng kambal na anak na bubusugin namin ng pagmamahal.
Huminga ako nang malalim at isang ngiti ang tipid na gumuhit sa aking labi bago ako nagpatuloy sa paglalakad nang muli akong mapatigil matapos na makita ang lalakeng nasa aking harapan. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng mga sandaling iyon at halos hindi ko maikilos ang aking mga paa at kamay. Ang aking mata ay diretso lamang na nakatingin sa mata ng lalakeng nasa aking harapan—si Vince, ang lalakeng sobrang minahal ko noon.
"V-Vince..." Halos tila bulong sa hangin na sambit ko habang ramdam ko ang pag hapdi ng aking mata at ang pagbabadya na pagpatak ng aking luha.
"K-Kilala mo 'ko?" Nagtatakang tanong sa akin ni Vince na sa tingin ko ay hindi siya nagbibiro. Malaki na rin naman ang pinagbago namin dalawa magmula nang maghiwalay kami.
BINABASA MO ANG
UNTIL THE MOON AND SUN COLLIDE (UNTIL TRILOGY 3)
General FictionUNTIL TRILOGY 3 COLLABORATION DESCRIPTION: Sa edad na dalawangpu't dalawa, dalawang beses na rin nasawi sa pag-ibig ang dalagang si Marigold Collab na nagta-trabaho sa isang animal shelter. Dahil sa sakit na idinulot sa kaniya ng lalakeng minahal no...