CHAPTER 5

34 1 0
                                    


Halos may ilang araw na rin ang nakalilipas magmula nang maganap ang school reunion namin. Sa ngayon, mas masasabi ko na okay na ako. Tila kasi nabunutan ako ng tinik sa dibdib matapos ang huling pag uusap namin ni Jerome. At least nagkaroon kami ng closure, nasabi namin sa isa't isa 'yung matagal na namin kinikimkim na sama ng loob at hinanakit. I gave my love, loyalty, faith and trust to him, ngunit hindi pa rin pala iyon naging sapat. Nagawa pa rin niya akong saktan sa kabila nang pagmamahal na ipinaramdam ko sa kaniya na naging dahilan upang mapagtanto ko ang halaga ko.

"Nag lunch ka na ba?" wika ni Josephine sa akin nang magtungo siya sa opisina ko.

"I'm full," wika ko habang abala ang mata ko sa pag scroll up and down sa Facebook. Lunch break namin ngayon kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon upang gumamit ng cellphone.

"Marami ka sigurong kinain na almusal kanina 'no? Kaya busog ka pa," ani Josephine at naupo sa visitor's seat.

"Hindi naman, sadyang busog lang talaga ako. Ikaw ba?" wika ko at sandaling nilapag sa working desk ko ang aking cellphone at tinignan si Josephine.

"Not yet, sabay sana tayo eh. Kaso busog ka pa pala. By the way, masaya akong okay ka na ngayon." Nakangiting wika ni Josephine na ikinakunot ng noo ko.

"Kailan ba ako hindi naging okay? I'm always fine naman eh," wika ko at sinandal ang aking liko sa swivel chair.

"Nitong mga nakaraang araw kasi, halatang may bumabagab sa'yo. Pero ngayon, nagagawa mo nang ngumiti ng totoo. 'Yung hindi sapilitan, I miss your genuine smile Marigold. The last time kasi na nakita kitang masaya ay noong madalas mo pang kinukwento sa akin si Jerome," wika ni Josephine.

"Para kasing nabunutan ako ng tinik sa dibdib nang magkausap kami ni Jerome. Alam mo 'yon? 'Yung pakiramdam na nailabas ko lahat nang hinanakit na kinimkim ko sa loob ng isang taon," saad ko.

"Mabuti na lang talaga umattend ka ng reunion niyo. Buti napapayag ka ni Tita Salvacion," ani Josephine."So ano ng plano mo ngayon? Handa ka na ulit magpaligaw kung sakaling may manliligaw sa'yo?" Patuloy pa ni Josephine dahilan upang mahina akong matawa.

"Bakit ba atat na atat kayo nila Mylene at Christine na magkaroon ulit ako ng boyfriend? Para ano? Masaktan ulit? Hindi bale na lang Jo, mas gugustuhin ko na lang tumandang dalaga pero mayaman kasi pumasok ulit sa isang relasiyon pero masasaktan na naman ako," wika ko.

"Hindi naman lahat ng lalake sasaktan ka. Hindi lahat ng lalake ay tulad ni Jerome, may mga matitinong lalake pa naman dito sa mundo. Just like my older brother," aniya.

"Kahit na, at the end of day magiging pare-parehas lang din sila. Hindi marunong tumupad sa pangako," seryosong saad ko.

"Grabe siya. Akala mo ba sampong beses na iniwan ng jowa kung makapagsalita ng tapos. Marigold, you just twenty-two year old. Hindi mo p'wedeng sabihin na kotang-kota ka na sa pananakit ng mga lalake kasi dalawa pa lang naman sa bilyon-bilyong lalake sa mundo ang nakikilala mo." Malumay na wika ni Josephine.

——

Pasado alas-diyes na ng gabi nang makauwi ako sa bahay dahil sa dami ng naging trabaho ko kanina at traffic pa dahil lunes ngayon. Kaya naman pag uwi ko sa bahay ay hindi ko na nagawang maghapunan at dumiretso na lang sa silid ko nang makapagpahinga ng maaga matapos na maghalf bath.

I was about to sleep nang maisipan ko munang mag online. I was busy scrolling up and down in my Facebook newsfeed when someone caught my attention. My facebook friend shared his post kasi stating:

'She's not okay. She feel unloved, unwanted and unimportant. How could you sleep peacefully at night while your girl keeps overthinking? Why can't you understand her when she always understands you? Why are you using reverse psychology everytime you had a small fights and misunderstanding? For what? So she will ask for forgiveness and apologize to you when in the first place, ikaw ang may mali.

If that so, you don't deserve her. You don't deserve someone like her.'

Hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa timeline na ako ng lalakeng nag ngangalang Vince Benedict Castilo and he's from Bulacan.

"Why I am smiling?" Pagtataka ko sa sarili ko nang mapansin na nakangiti ako habang ini-stalk ang timeline niya. He's a pet and nature lover like me. We shared the same vibes and isa 'yon sa ideal type ko. Someone who is a pet and nature lover like me."Oh shit!" sambit ko na halos manlake ang mata ko nang aksidenteng mapindot ang 'add button'. Ide-decline ko sana ang friend request ko sa kaniya nang may mag notif sa akin.

'Vince Benedict Castillo accepted your friend request'

WTFFFF!

What should I do? Should I unfriend him?!

Kasalukuyan kong iniisip kong dapat ko ba siya i-unfriend o hindi, nang may magpop-up na message sa akin sa messenger.

Vince Benedict Castillo:

Thanks for sending friend request. I really appreciated it.

Should I replied him? Teka nga muna. Bakit ba masiyado akong aligaga sa lalakeng 'to. Jusmeyo ka Marigold Collab!

Marigold Collab:

You're welcome.

UNTIL THE MOON AND SUN COLLIDE (UNTIL TRILOGY 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon