"I-Ikaw pala Marigold," wika ni Jerome nang makilala niya ako.
"S-Sorry. Hindi kasi kita napansin kanina," wika ko."Akala ko kung sinong mang iiwan." Bulong ko sa sarili ko.
"Huh? May binubulong ka ba?" Kunot-noo na wika ni Jerome matapos na hindi maintindihan ang huling sinabi ko. Buti naman.
"H-Huh? W-Wala." Nakangising saad ko."O siya, maiwan na kita. Babalik—" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang hawakan ako ni Jerome sa braso nang akmang tatalikod na ako.
"Sandali lang." Mahinahong saad niya at dahan-dahan inalis ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa braso ko."P-p'wede ba tayo mag-usap?" Patuloy pa nito. Ilang sigundo akong natahimik, hindi ko alam kung sasagot ba ako ng oo o hindi. May parte sa akin na gusto ko siyang makausap, para magkaroon kami ng closure. Pero may parte rin sa akin na ayaw ko, dahil ayaw ko nang maalala pa ang tungkol sa amin ni Jerome—kung paano kami nangako sa isa't isa na kami hanggang dulo pero hindi rin naman iyon natupad.
"J-Jerome.."
"Kahit saglit lang, please." Malumanay niyang pakiusap sa akin.
"Okay sige. Tungkol ba saan?" wika ko.
"About us."
"Seriously? Jerome matagal na tayo—"
"I know Marigold. Pero since nang maghiwalay tayo, hindi na ako pinatulog ng konsensiya ko. Nakokonsensiya ako na hiniwalayan kita sa mismong birthday mo. Excited ka pa ng araw na 'yon kasi ang buong akala mo may inihanda akong birthday surprise para sa'yo, pero imbes na maging masaya ka sa 21st Birthday mo ginawa kong bangungot ang kaarawan mong iyon. Marigold, I'm sorry. Hindi ko gustong saktan ka, maniwa—"
"Hindi gustong saktan? Jerome nagpapatawa ka?" sarkastikong pagkakasabi ko.
"Oo na, inaamin ko nang nasaktan kita pero hindi ko sinasadya. Ikaw kasi," anito dahilan upang magpantig ang tenga ko.
"Ako? Anong ako? Bakit ginagamitan mo 'ko ng reverse psychology? When in the first place, sa'yo ang may mali. Just to remind you, ikaw ang nang iwan at hindi ako." Matigas na pagkakasabi ko.
"Nagbago ka. Hindi ko na naramdaman 'yung pagmamahal mo," seryosong saad ni Jerome.
"Nagbago? Kung nagbago man ako noon, dahil din naman 'yon sa'yo. Lagi mo pinaparamdam sa akin na hindi ako importante sa'yo, lagi mo pinaparamdam sa akin na hindi ako worth it sa pagmamahal mo. At sa mga araw na may misunderstanding tayo, hinahayaan mo na lumipas ang gabi na hindi tayo nagkakaayos. Nagagawa mo 'kong tiisin habang ako, sobra-sobra na 'yung pag o-overthink ko. Tapos magtataka ka kung bakit ako nagbago? Jerome hindi ako nagbago, nakita ko lang ang halaga ko." Mahabang paliwanag ko habang pilit kong pinipigilan ang nagbabadyang pagpatak ng luha ko.
"Are you telling me na kasalanan ko kung bakit ka nagbago?" sarkastikong wika ni Jerome.
"Hindi nga ba? I always understands you sa tuwing may small fights and misundersting tayong dalawa, but why can't you understand me kapag ako naman 'yung nagtatampo sa'yo? Instead of saying sorry dahil ikaw naman talaga ang may mali, gagamitan mo 'ko ng reverse psychology para ako ang mag sorry sa'yo," sarkastikong pagkakasabi ko.
"Marigold.."
"I give love, but why I received pain?" wika ko at tuluyan nang pumatak ang luha ko na agad ko rin naman pinunasan. Hindi ko ako dapat umiyak sa harapan ng lalakeng sumira sa mismong mga pangako niya. He don't deserved every drop of my tears.
"I wish I could turn back the time, Marigold."
Umiling ako bago nagsalita,"Kung ibabalik mo ang nagdaang panahon at sasaktan mo lang din ako sa huli, mas mabuting h'wag na. Tanggap ko na rin naman na marahil ay hindi talaga tayo para sa isa't isa. Wala rin baman akong pinagsisihan na nakilala kita, dahil alam kung may dahilan kung bakit ka dumating sa buhay ko. Para saktan ako? Siguro oo, pero bukod do'n, pinamukha mo rin sa akin na hindi basehan ang salitang pangako dahil ano man oras ay maraming p'wedeng magbago," wika ko."I lied to everyone when I said, you treated me the way I wanted to be treated. Dahil ang totoo, ni minsan ay hindi mo naiparamdam sa akin 'yung mga bagay na gusto kong maramdaman noong tayo pa. And you know what's hurt me the most? Watching you treated someone else the way I wanted to be treated," sarkastikong pagkakasabi ko.
Dahil sa sinabi kong iyon ay sandaling natahimik si Jerome na halos hindi makatingin ng diretso sa mga mata ko. He's guilty? I guess.
"I hope you find someone who deserves you. Someone who won't give up on you easily and someone who treated you right." Malumanay na wika ni Jerome at ramdam ko naman ang sinseredad sa mga salitang binitawan niya."I'm sorry for causing you so much pain noong tayo pa. I promise not to hurt you pero nagawa ko pa rin na saktan ka. Hindi agad hinihingi na mapatawad mo 'ko Marigold, pero umaasa ako na isang araw ay magkakaayos tayong dalawa."
"Matagal na kitang napatawad Jerome, at wala na rin akong kahit anong hinanakit pa sa'yo. Just like what I've said, tanggap ko na. I heard the news that you're already engaged. Congrats, wishing the both of you all the best." Nakangiting wika ko. Hindi ko alam, pero after ko mailabas lahat ng sama ng loob ko kay Jerome ay tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Biglang gumaan 'yung pakiramdam ko.
"Salamat, Marigold," aniya at saka nilahad ang kamay sa harapan ko. Ngumiti ako sa ex-boyfriend ko tinanggap ang pakikipag kamay niya.
——
"Talaga? Nagkausap kayo ni Jerome kanina? Kaya pala ang tangal mong babae ka. Eh ano naman balita? Comeback na ba?" ani Christine matapos kong ikuwento sa kanila ni Mylene ang naging pag uusap namin ni Jerome kanina sa labas ng venue.
"Anong comeback? Nag usap lang comeback agad? Hindi kapag ang nangyari, kundi closure. Ngayon, I can finally say na totally move on na talaga ako dahil nailabas ko na lahat ng kinikimkim kong sama ng loob kay Jerome. Humingi siya sa akin ng tawad and napatawad ko na rin naman siya noon pa man." Nakangiting wika.
"Totally move on? Does it mean na tatanggap ka na rin ng bagong manliligaw? May ire-reto ako sa'yo," ani Mylene.
"Focus muna ako sa sarili ko. Ayaw ko muna mag entertain ng mga manliligaw. True love can wait naman eh," wika ko.
"Baka naman sa kaka-true love can wait mo eh tumandang dalaga ka na niyan?" ani Christine habang nakataas ang isang kilay.
"I'm only twenty-two years old, matagal pa bago mawala edad ko sa kalendaryo 'no? Mauuna pa nga kayo sa akin dahil two to three years ang tanda niyo sa akin," wika ko.
"Kahit na, mahirap tumandang dalaga." Giit ni Mylene.
"Ayaw ko muna i-pressure ang sarili ko sa pag aasawa o pakikipag relasiyon. Sakit lang 'yan sa ulo." Paninindigan ko.
BINABASA MO ANG
UNTIL THE MOON AND SUN COLLIDE (UNTIL TRILOGY 3)
Ficção GeralUNTIL TRILOGY 3 COLLABORATION DESCRIPTION: Sa edad na dalawangpu't dalawa, dalawang beses na rin nasawi sa pag-ibig ang dalagang si Marigold Collab na nagta-trabaho sa isang animal shelter. Dahil sa sakit na idinulot sa kaniya ng lalakeng minahal no...