CHAPTER 7

28 1 0
                                    


Masiyadong napasarap ang kwentuhan namin ni Vince kaya naman hindi ko na namalayan 'yung oras, mag a-ala una na pala ng madaling araw. Ngayon lang kasi ako may nakausap na halos parehong pareho ang hilig at gusto namin sa bubay. Aamin ko, I enjoy talking to him. Feeling ko sobrang tagal na namin magkakilala ni Vince habang kausap ko siya.

We talks about pets, nature, astronomy hanggang sa mapadpad sa personal na buhay. Wala pa kaming isang araw na magkakilala ni Vince pero nakapag open up na agad siya sa akin ng tungkol sa bubay niya. Hindi rin pala siya nakapag aral ng college pero tapos siya ng high school, and since magaling siya sa English and communication skills ay sinubukan niyang mag apply sa isang call center at pumasa naman siya. Kaya ngayon, mag a-apat na taon na siya bilang call center agent at malapit na rin ma-promote bilang Manager ng company na pinagta-trabahuan niya. Si Vince rin ang tumatayong breadwinner sa kaniyang pamilya ngayon dahil hindi na makapag trabaho ang kaniyang ama matapos na ma-stroke ito, ang kaniyang ina naman ay paminsan-minsan tumatanggap ng labada. Panganay si Vince apat na magkakapatid—ang dalawang sumunod sa kaniya na parehas babae ay kasalukuyan nag aaral sa High School at ang bunsong lalake naman ay sa elementarya na kapwa pinag-aaral din niya.

Nakatutuwa na he even sent me a picture of him with his family na para bang pinapakilala niya sa akin ang mga ito ng isa-isa.

About his love life naman, nabanggit niya na kagagaling lang din niya sa heartbreak eight months ago. His ex-girlfriend cheated on him sa kabila ng pagiging loyal and faithful niya rito. See? Wala sa gender ang pagiging cheater. Kahit lalake o babae pa 'yan, kapag sinumpong ng kalandian magloloko't magloloko 'yan.

And dahil nag open up na rin siya sa akin, nagkwento na rin ako about myself. I told him about my past relationship and how toxic it was.

Passed one in the morning na nang magpasa kaming matulog na dahil mag work pa ako bukas, habang siya ay day off naman niya.

Around seven in the morning nang magising ako at agad na kinuha ang cellphone ko sa ibabaw ng cabinet na katabi lang ng higaan ko. Natawa ako sa sarili ko nang mapagtanto na it's almost been a year na rin pala since the last time I did this. Hindi ko na kasi ugaling buksan o tignan ang cellphone ko magmula nang maghiwalay kami ni Jerome. Pero ngayon, hindi ko alam bakit excited akong buksan ito.

Agad kong binuksan ang WiFi connection ng cellphone ko at sunod-sunod na lumabas ang notifications sa notification bar ng cellphone ko.

And yes, I automatically smile when I received a good morning message from him.

Vince Benedict Castillo:

Good Morning, my dear friend. Have a great day ahead. Mag almusal ka muna bago ka pumasok sa work okay? Take care always.

Marigold Collab:

Good morning too :) Kagigising ko lang. Opo, nag aalmusal naman talaga ako bago pumasok work. Ikaw din, don't skip meals and take care always too.

Offline siya nang magreply ako sa message niyang sinend niya 3hours ago. Pero wala pang ilang minuto ay bigla siyang nag online at agad na sineen ang message ko sa kaniya.

Vince Benedict Castillo:

Kanina pa kita hinihintay mag online.

Dahil sa message niyang iyon ay nangunot ang noo ko. Why he's waiting for me? Did he miss me? O c'mon self, why are you thinking nonsense?

Marigold Collab:

Bakit?

Vince Benedict Castillo:

Vince Benedict Castillo sent a voice message (00:26)

Agad kong pinakinggan ang voice message na iyon ni Vince kung saan kinakanta niya ang awiting You Are The One by Toni Gonzaga and Sam Milby. My heartbeat skipped for a second. Natulala na lang ako habang pinapakinggan ang malambing na boses ni Vince.

"O Marigold anak, gising ka na pala. Gigising pa lang sana kita nang makapag almusal ka na." Agad akong napalingon sa pintuan ng kwarto matapos kong marinig ang boses ni Mama. Nakatayo siya sa pintuan na hindi ko man lang narinig na bumukas kanina.

"Y-Yes Ma, kagigising ko lang po. Sige, sunod na lang po." Nakangiting saad ko.

"Ok sige, hintayin na lang kita sa baba para sabay na tayong makapag almusal. Pumasok na kasi sa opisina ang Kuya Sammuel mo," wika ni Mama at tumango na lang ako. Ilang sandali pa ay lumabas na rin ito ng silid ko.

Marigold Collab:

Ang ganda ng boses mo. Thank you, I really appreciated it. Sige, almusal muna ako okay? Chat us na lang ulit kapag hindi na rin ako masiyadong busy.

Vince Benedict Castillo:

Akala ko hindi magugustuhan kaya nagdadalawang isip pa ako kanina kung itutuloy ko ba 'yung pinaplano kong magsend ng voice message sa'yo. Mabuti na lang at nagustuhan mo, salamat din. Sige, almusal ka na. Eatwell <3.

——

"Good Morning." Masayang bati ko kay Josephine nang madaanan ko siya sa Pantry.

"Mukhang good na good ang morning ng kaibigan ko ah, anong meron?" Intresadong tanong ni Josephine bago sumsim ng maiinit na kape.

"Wala naman. I'm just happy and wala naman sigurong masama roon," wika ko.

"Sabi ko nga, pero parang may kakaiba sa'yo. Are you inlove or what? Ang blooming mo kasi." Puna ni Josephine na tila sinisipat pa ang mukha ko.

"I'm always look pretty naman. Nothing new," wika ko at nag umpisa nang malakad patungo sa maliit kong opisina.

"May nagpapangiti na ba sa'yo? Iba kasi awra mo ngayon, parang may nag good morning yata sa'yo kanina. 'Yung totoo? Meron ba?" Maintregang tanong ni Josephine habang sinusundan ang bawat hakbang ko.

Meron...

He's Vince...

The man I met through social media... 

UNTIL THE MOON AND SUN COLLIDE (UNTIL TRILOGY 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon