Gusto ko magkwento kay Josephine tungkol kay Vince, pero 'wag na lang. Baka kasi ma-usog HAHAHAHAAHA charot.
Matapos ang trabaho ay umuwi na rin ako agad. Nasa paglalakad na ako papasok sa subdivision kung saan kami nakatira nang mamataan ko ang ginang na pinagmamalupitan ang stray dog na nanghihingi lang naman ng pagkain.
"Bakit mo siya sinasaktan?!" Agad kong tanong sa ginang na nasa edad 40's na siguro nang makalapit ako.
"Eh ano ngayon? Ang baho-baho ng asong 'yan tapos dito pa sa harap ng karinderya ko tumatambay!" Nanggalaiti sa inis na wika ng ginang.
"Alam mo ba sa ginagawa mo p'wede kang makasuhan ng Animal Cruelty o Republic Act. 8485. Hindi lang 'yon, p'wede ka rin makulong ng anim na buwan hanggang isang taon at magmulta ng hindi tataas sa thirty thousand pesos." Naka-cross arm na saad ko at halos hindi naman makatingin sa akin ng diretso ang ginang. Nakatingin din sa gawi namin ang mga kumakain sa karinderya niya."Just so you know, Isa akong Animal Control Officer." Patuloy ko at pinakita ang ID ko sa kaniya para maniwala siya.
"H-Hindi ko naman po siya sinasaktan, ano lang—"
"Higit tayong mas nakakaunawa at nakakaintindi kaysa sa kanila. Kaysa saktan at pagmalupitan ang tulad nila, bakit hindi mo na lang bigyan ng pagkain? Tulad natin may sikmura din 'yan, nakakaramdam din 'yan ng gutom." Mahinahon na wika ko upang mas maintindihan niya.
Hindi na kumibo ang ginang at agad na akong tinalikuran kaya naman kaagad na rin akong umalis.
Pagdating sa bahay, agad kong binati si Mama na kasalukuyan nagluluto ng amin hapunan. Wala pa sa bahay ang Kuya ko kaya naman si Mama lang ang nasa bahay kasama ang apat na pusa at tatlong aso namin na isa-isa kong binati.
"Mabuti naman at maaga ka ngayon anak," wika ni Mama matapos kong humalik sa pisngi niya.
"Opo ma, hindi rin naman masiyadong traffic kaya ayon maaga akong nakauwi." Nakangiting wika ko."Punta lang ako sa kwarto ko Ma, magpapalit lang ako ng damit." Patuloy ko at agad na rin pumanhik sa itaas upang makapagpalit ng damit.
Nang matapos ay agad na rin naman ako lumabas ng silid ko at bumaba upang matulungan si Mama sa pagluluto. Ang paboritong adobong manok na may baboy ang niluluto ni Mama kaya giliw na giliw akong tulungan siya.
"Kumusta naman ang trabaho mo anak?" wika ni Mama habang kasalukuyan akong naglalagay ng paminta sa adobo niya.
"Always good Ma. May pinagsabihan lang ako kanina nang pauwi na ako," wika ko.
"Sino?"
"Kilala mo 'yung may-ari ng Karinderya doon sa may kanto? 'Yung tapat nitong Subdivision? Naabutan ko ba naman na pinagmamalupitan 'yung stray dog na nanghihingi lang naman ng pagkain. Kaya ayon, pinagsabihan ko,"
"Ano naman balita? Nakinig naman ba sa'yo?" intresadong tanong ni Mama sa akin habang sinisimulan hugasan sa lababo ang ilang hugasin.
"Hindi ko alam, pero at least aware siya na p'wede siyang makulong sa ginagawa niya."
——
Nandito na ako sa kwarto ko. Tapos na kami mag dinner kanina nila Mama't Kuya, nakapag hugas na rin ako ng mga pinggan kaya may oras na ako para makapag pahinga o gawin ang gusto ko.
Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng shoulder bag ko at naupo ng pa-indian seat sa kama bago ko binuksan ang WiFi connection ng cellphone ko. Ngayon na lang ulit ako nakapag online, and as I expected sunod-sunod ang notification na natanggap ko at messages. Isa na roon ang message na galing kay Vince na awtomatikong nakapagpangiti sa akin.
Vince Benedict Castillo:
Hello Marigold :)
Good Afternoon, kumusta?
Nasa work ka pa ba? Always keep safe sa'yo d'yan sa work mo okay?
Helloooo ^_^
How's your day?
Good Evening, nag dinner ka na ba?
Hi, Marigold. Sana mag online ka na.
Sunod-sunod iyon na message na natanggap ko mula kay Vince, he's still online kaya naman agad ko siyang nireplayan.
Marigold Collab:
Hello Vince, good evening.
Pasensiya ka na, ngayon lang ako nakapag chat sa'yo. Now lang kasi ako nakapag open ng cellphone ko. Nakauwi na ako from work, I'm also done eating my dinner.
Ayos naman ako, ikaw kumusta?
Kakasend ko pa lang ng message kong iyon ay agad na 'yon sineen ni Vince.
Vince Benedict Castillo:
Hellooo!
That's okay. Ewan ko ba, namiss lang kita na ka-chat (*^﹏^*). I'm also fine.
N-Namiss niya raw ako? Hala grabe siya!
Marigold Collab:
Aww how sweet HEHEEHEH sana all.
Vince Benedict Collab:
Kumusta naman ang work mo? Hindi ka naman ba napagod nang husto?
Marigold Collab:
Hindi naman masiyado. Isa pa, sanay na rin naman ako. By the way, nag dinner ka na ba?
Vince Benedict Castillo:
Yup already done na ako. Hindi pa ako natutulog dahil inaantay pa kitang mag-online.
Marigold Collab:
Bakit?
Vince Benedict Castillo:
Gusto kitang makausap at makakwentuhan saglit bago ako matulog. Gusto ko rin kumustahin ka at 'yung trabaho mo.
Marigold Collab:
Thank you. I really appreciated it. <3
'Vince Benedict Castillo tagged you in a post'
Nangunot ang noo ko matapos na lumabas ang notification na iyon sa notification bar ko kaya agad kong tinignan.
Vince Benedict Castillo is feeling blessed with Marigold Collab
Finally I found someone who shared the same vibes and interest as me.
I automatically smile nang mabasa ko ang post niyang iyon. Ewan ko ba, but I feel special dahil sa ginawa niya.
Wala pa ngang ilang minuto matapos na i-tag ako ni Vince ay nakatanggap na agad ako ng message galing kina Mylene at Christine sa Group Chat namin.
[HAPPY THREE FRIENDS]
Mylene Ramirez:
Who's Vince Benedict Castillo?
Christine Tolentino:
May dapat ba kaming malaman? Ikaw ah.
You replied to Mylene:
A new friend of mine.
You replied to Christine:
He just a friend of mine. Issue kayo.
Christine replied to you:
Weh?
BINABASA MO ANG
UNTIL THE MOON AND SUN COLLIDE (UNTIL TRILOGY 3)
General FictionUNTIL TRILOGY 3 COLLABORATION DESCRIPTION: Sa edad na dalawangpu't dalawa, dalawang beses na rin nasawi sa pag-ibig ang dalagang si Marigold Collab na nagta-trabaho sa isang animal shelter. Dahil sa sakit na idinulot sa kaniya ng lalakeng minahal no...