One year later...
"Happy Birthday Marigold!" Masayang bati sa akin ng aking mga kaibigan nang magtungo sila rito sa bahay upang ipagdiwag ang aking ika-dalawangpu't dalawang kaarawan.
"Thank you sa inyong lahat. Akala ko talaga hindi kayo makakapunta." Naluluhang wika ko dahil hindi ko talaga inaasahan ang kanilang pagdating.
"P'wede ba namin palagpasin ang pinaka espesiyal na araw ng kaibigan naming lagi na lang nasasawi sa pag-ibig?" Natatawang wika ni Christine, ang bestfriend ko since High School.
"Grabe ka sa akin ah." Nakasimangot na wika ko.
"O 'wag iiyak. Birthday mo dapat masaya ka," ani Josephine na katrabaho ko sa Animal Welfare na pinagtatrabahuan ko.
Magtatatlong taon na ako bilang Animal Control Officer—Animal control officers capture stray, diseased, trapped and dangerous animals. These professionals are responsible for investigating cases of animal mistreatment and providing care to animals in their custody. Other duties may include ensuring compliance with animal control laws and issuing warning notices or citations for violations. Masiyado kasi akong pet lover at noon pa man ay ugali ko na talaga ang mag rescue ng mga hayop na napagmamalupitan kaya naman mahal na mahal ko ang trabaho ko ngayon bilang Animal Control Officer.
"Tears of joy lang 'to," wika ko habang pinupunasan ang luha sa gilid ng aking mata."Kayo eh, masiyado niyo kong pinapaiyak." Patuloy ko pa.
"Tama na 'yang drama ninyo, kumain na kayo. Marigold, anak bigyan mo ng paper plate 'yung mga kaibigan mo," sabat ni Mama na abala sa paglalagay ng ilang handa sa round table.
"Target lock," ani Mylene nang makita ang Shanghai sa lamesa. Tulad ni Christine ay kaibigan ko rin si Mylene noong High School.
"Hoy 'wag sugapa Mylene ah! Tirhan mo kami." Natatawang wika ni Christine na may hawak nang paper plate matapos kong abutan kanina. Kasalukuyan siyang sumasandok ng cheesy sphagetti.
Naging masaya naman ang 22nd Birthday celebration ko kasama ang aking malalapit na kaibigan at pamilya. Simple lang naman din ang naging handaan, ang importante ay maidaos ang aking kaarawan.
"Bakit nakasimangot ang birthday girl?" Puna ni Christine sa akin, nandito kaming magkakaibigan sa kwarto ko dahil mga bisita naman nila Mama't Papa ang dumating at nasa sala ngayon.
"May naalala lang ako," wika ko.
"Alam ko na, si Jerome 'no?" ani Josephine na kilala na ang ex-boyfriend kong si Jerome na nakipag break sa akin noong 21st Birthday ko.
Nakuwento ko na kasi kay Josephine ang tungkol sa mga naging ex ko dahil sa madalas nitong pagtatanong sa akin kung bakit single ako kahit may natatanging ganda naman daw ako. Sa totoo lang kasi, nawalan na ako ng gana na pumasok ulit sa isang relasiyon. Para ano pa? Para masaktan ulit? Hind bale na lang, p'wede pa rin naman ako maging masaya kahit na wala akong boyfriend eh. Nand'yan naman ang pamilya't mga kaibigan ko na tunay na nagmamahal sa akin.
"Oo nga pala, it's already been a year since magbreak kayo ni Jerome. Wala na rin akong balita sa kumag na 'yon," ani Mylene.
"Baka patay na," sabat ni Christine.
"P-Patay?" saad ko.
"Oo. Kasi lagi niya sinasabi sa'yo noon 'di ba? Na ikamamatay niya kapag nawala ka sa kaniya," sarkastikong wika ni Christine dahilan upang mapangisi na lang ako.
"Siraulo ka talaga Christine," ani Josephine.
"Matagal na Jo, pero ayos lang at least napangiti ko 'yung birthday girl," ani Christine nang sulyapan niya ako ng tingin.
"Pero tanong ko lang. What if may manligaw—"
"No! Walang manliligaw dahil hindi ko rin hahayaan na manligaw ang kahit na sino sa akin. Sarado na 'yung puso ko, pagod na akong masaktan at maiwan kahit ginawa ko naman lahat ng best ko 'wag lang ako iwan ng taong pinili kong mahalin." Pagputol ko sa pagsasalita ni Mylene.
"Hindi mo sure Marigold. Paano kung makilala mo 'yung ideal type mo? Masasabi mo ba na hindi ka na muling susugal sa pag-ibig kung ideal type mo na ang manligaw sa'yo?" ani Mylene dahilan upang matahimik ako. Naisip ko rin 'yon, pero kahit na. Kahit siya pa 'yung ideal type ko hinding hindi ko na isusugal 'tong puso ko. Ayaw ko na umiyak gabi-gabi at isipin kung saan ba ako nagkamali o nagkulang. Pagod na akong makinig sa mga pangakong lagi na lang napapako. Mahirap mag move on kaya ayaw ko na, ayaw ko ng magmahal ulit.
"Kahit na. Madaling sabihin na magmamahal ka ulit, pero paano kapag sinaktan ka na naman ng taong pinili mong mahalin? Mahirap mag move on. Mahirap gamutin mag-isa 'yung sugat sa puso na idinulot ng break up. Love can wait naman, focus muna ako sa sarili ko." Nakangiting wika ko.
"Kung sabagay tama ka. Pero hindi naman ibig sabihin na nasaktan ka sa past relationship mo ay masasaktan ka ulit kapag nagmahal ka. H'wag mo sanang tuluyan isarado ang puso mo Marigold, dahil isang araw may kakatok sa puso mo na siyang magmamahal sa'yo hanggang dulo." Mahinahong payo ni Josephine.
"I agree with Jo. It doesn't mean na sinaktan ka ni Jerome ay gano'n din ang gagawin sa'yo ng ibang lalake. May darating pa naman sa buhay mo na tatratuhin ka sa paraang deserve mo. That's love Marigold, hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmamahal. Kaya sabi nga nila 'di ba? Kapag daw nagmahal ka, dapat handa ka rin masaktan. Pero desisyon mo pa rin naman ang masusunod sa huli. If gusto mo tumanda ng dalaga, edi go. Pero sana naman 'wag, kasi gusto pa namin makita 'yung little Marigold mo someday. Gusto pa namin mag ninang sa magiging anak mo," ani Christine.
"Hindi ko naman sinasabing hindi na talaga ako magmamahal ulit kasi alam ko naman na hindi ko talaga 'yon maiiwasan. Pero sa ngayon, gusto ko muna na mahalin 'yung sarili ko. Ako muna, sarili ko muna." Nakangiting wika ko.
BINABASA MO ANG
UNTIL THE MOON AND SUN COLLIDE (UNTIL TRILOGY 3)
Ficção GeralUNTIL TRILOGY 3 COLLABORATION DESCRIPTION: Sa edad na dalawangpu't dalawa, dalawang beses na rin nasawi sa pag-ibig ang dalagang si Marigold Collab na nagta-trabaho sa isang animal shelter. Dahil sa sakit na idinulot sa kaniya ng lalakeng minahal no...