CHAPTER 6

25 1 0
                                    


Vince Benedict Castillo:

:)

Marigold Collab:

Sige ah, matutulog na ako. May work pa kasi ako bukas eh. Good Night.

Vince Benedict Castillo:

Okay Good Night Ms. Marigold, what a beautiful name.

Marigold Collab:

HEHEHEHEHE salamat.

T*ngina self, bakit ngiting ngiti ka? Sinabihan ka lang na maganda name mo 'yung ngiti abot hanggang tenga na. Self, 'wag okay? H'wag!

Vince Benedict Castillo reacted to your message

Agad ko nang ni-log out ang account ko at pinatay ang WiFi Connection para makatulog na ako. Ngunit may ilang minuto na ang nakalilipas ay nananatili pa rin dilat ang mata ko habang nakatingin sa kisame. Why I am being like this again?

Halos magpagulong-gulong na ako sa higaan pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Kaya naisipan ko na mag online na lang ulit, 9:30AM pa naman ang pasok ko sa trabaho eh.

Pag open ko pa lang ng WiFi Connection sa Cellphone ko una nang nag pop up ang mensahe galing kay Vince.

Vince Benedict Castillo:

Sige, sleep ka na. Good Night :)

Marigold Collab:

Can't sleep :<

Wala pang isang segundo matapos ko i-send ang message na iyon kay Vince ay agad niya na 'tong sineen na para bang hinihintay talaga niya ang reply ko.

Vince Benedict Castillo:

Bakit? May problema ka ba? You have insomnia?

Oo Vince, may problema ako. Ikaw ang problema ko. HAHAHAHA charot!

Marigold Collab:

Wala naman. Siguro kasi hindi pa talaga ako inaantok o maybe nawala 'yung antok ko.

Vince Benedict Castillo:

Lumayas ba? HAHAHAHAHA

"Huh. Funny?" sarkastikong bulong ko sa sarili ko.

Marigold Collab:

Oo yata.

Vince Benedict Castillo:

P'wede magtanong?

Ano'ng work mo?

Bakit? Mag a-apply ka? Charot!

Marigold Collab:

Animal Control Officer sa isang Animal Shelter/Welfare.

Vince Benedict Castillo reacted to your message

Vince Benedict Castillo:

Did you know that I'm a pet lover?

Marigold Collab:

Yes, I know :)

Nanlake ang mata ko nang mapagtanto ang reply ko, ia-unsent ko na sana kaso na-seen na iyon ni Vince.

You're dead.

Vince Benedict Castillo:

You know? How did you know? Are you stalking me?

Shutaa!

Napakagat ako sa pang ibabang labi ko habang nag iisip kung ano ipapalusot ko. Hindi niya p'wedeng malaman na inistalk ko siya kanina, baka mamaya isipin pa niyang stalker niya ako. Eh hindi nama, curious lang talaga ako kapag tinignan ko mga post niya. Online chismosa.

UNTIL THE MOON AND SUN COLLIDE (UNTIL TRILOGY 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon