Ang pagkikitang iyon namin ni Nathaniel ay nasundan pa nga nang kapwa kami dumalo sa isang Pet Foundation na inisponsoran ng Animal Welfare Group na kinabibilangan ko.
"M-Marigold right?" aniya. Halos tatlong buwan na yata ang nakalilipas nang magkita kaming dalawa sa plaza at hindi ko rin inaasahan ang muli namin pagkikita ngayon.
"Nathaniel? Sparkle's owner?" sambit ko at hindi ko mapigilan na mapangiti dahil tila masiyadong maliit ang mundo para sa aming dalawa ni Nathaniel.
"Yes ako nga. Grabe, hindi ko inaakala na magkikita tayo ulit after..." Napaisip pa ito kung kailan ang huling pagkikita namin.
"Three months." Pagtutuloy ko."Tanda ko ang araw na 'yon dahil iyon din ang araw na nabasa kami ng mga kaibigan ko sa ulan." Natatawang pagku-kwento ko.
"Wow! Who would thought that our path will crossed again after three month? None. By the way, anong ginagawa mo rito?" Nakangiting saad ni Nathaniel.
"Nagta-trabaho kasi ako sa isang Animal Welfare as Animal Control Officer, and isa sa pinagta-trabahuan ko ang nag sponsor para sa event na 'to." Nakangiting tugon ko.
"Wow! Teka, ilang taon ka lang ba? You look so young para maging isang Animal Control Officer," ani Nathaniel.
"Twenty-five years old na ako. Hindi lang siguro halata dahil sa height ko." Natatawang pagku-kwento ko.
"Cute size. Little creature." Natatawang wika ni Nathaniel kaya sinimangutan ko siya. Ang lakas ng loob asarin ako eh hindi naman kami close. Sakalin ko kaya ang lalakeng 'to?
"Nakakatawa 'yon?" sarkastikong wika ko.
"S-Sorry. H'wag ka na magalit. Nagmumukha ka kasing galit na duwende." Pang aasar niyang muli sa akin. Aba!
"Nagsalita ang chinitong kapre." Buwelta dahilan upang magsalubong ang kilay ni Nathaniel na ikinatuwa ko.
"Inaasar mo ba 'ko?" Inis na wika nito dahilan upang mas lalo akong tumawa nang malakas. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na ba kami ng mga tao.
Ang araw na iyon din ang naging simula ng pagkakaibigan namin ni Nathaniel. Pero hindi tulad noon, mas naging maingat na ako. Lagi kong iniisip na hindi ako dapat mahulog dahil sa huli ay ako lang din naman ang masasaktan.
"Sino 'yung gwapong lalake na kasama mo sa selfie mo last day?" Ma-intregang tanong sa akin ni Josephine sa akin.
"A friend of mine. Siya 'yung owner ni Sparkle," wika ko. Nasa Milktea Shop kaming apat matapos na manlibre ni Mylene dahil kaka-promote lang niya sa trabaho.
"Hmmm talaga? A friend of yours? Easy lang okay? Baka kasi masaktan ka na naman. Halos mag iisang taon pa lang since nang madurog 'yung puso mo, Marigold." Malumanay na pagpapayo ni Christine.
"Wait, siya ba 'yung sinasabi mo na nakilala mo sa Plaza months ago?" ani Mylene.
"Yes My-My, siya nga 'yon. And don't worry Tin-Tin, I'll take your advice." Nakangiting wika ko."Kaibigan lang talaga sa akin si Nathaniel, at kung lalagpas man kami sa pagiging magkaibigan? Only God knows." Patuloy ko.
"Destiny? Hindi kaya destined kayo for each other ni Nathaniel? Hindi kaya, siya na 'yung lalakeng para sa'yo talaga? Kasi isipin mo, you met him sa hindi mo inaasahang pagkakataon and not just once, but twice," ani Josephine.
"Bakit? Gano'n ko rin naman nakilala si Vince. Hindi ko rin inaasahan 'yon, pero ano'ng nangyari sa amin? We end up being strangers again." Matamlay na wika ko matapos na maalala na naman ang bagay na dapat binabaon ko na sa limot.
"O h'wag ka na malungkot d'yan. Nandito tayo para mag enjoy at mag relax hindi para mag throwback," ani Christine.
"Si Jo kasi eh, may pa throwback eh Sunday naman ngayon. May ilang araw ka pa Jo." Natatawang wika ni Mylene kaya nagtawanan na lang din kami.
"Pero matanong ko lang Marigold, nasasaktan ka pa rin ba sa tuwing naririnig mo 'yung pangalan ni Vince? O kapag naaalala mo siya?" tanong ni Christine na sandali kong ikinatahimik. Maging sila Mylene at Josephine ay inaabangan din ang magiging sagot ko.
"To be honest, oo pa rin. Hindi pa naman kasi ako totally nakaka-move on pero sinisikap ko naman na tuluyang makalimutan si Vince pati na rin ang sakit na idinulot niya sa akin nang maghiwalay kami. Nasa proseso pa ako ng pagmo-move on." Malumanay na wika ko.
"You'll be alright soon."
——
Hanggang sa isang araw...
"Nak, may bisita ka!" Rinig kong sigaw ni Mama mula sa ibaba habang ako ay abala sa pagliligpit nang ilang gamit ko sa kwarto ko. Medyo makalat na kasi, hindi na organize.
"Sandali lang ma, tapusin ko lang 'tong ginagawa ko," tugon ko habang madalian nang pinapatong ang mga libro sa bookshelves. Nang sandali akong mapatigil. Sino ang bisita ko? Wala naman kami usapan ng mga kaibigan ko na magkikita kami ngayon.
Matapos kong ayusin ang mga gamit ko ay agad na rin akong lumabas ng silid ko. Medyo pawis pa ako dahil pinatay ko ang aircon sa kwarto ko nang maglinis ako at tanging bintana lang ang nakabukas.
"Sinong bisita ko Ma—" Napatigil ako nang makita ko ang pamilyar na lalake na nakaupo sa sofa nang magtungo ako sa sala. Halos bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang mga mata namin dalawa hanggang sa mabaling ang mata ko sa bouquet of daisy na hawak niya.
BINABASA MO ANG
UNTIL THE MOON AND SUN COLLIDE (UNTIL TRILOGY 3)
General FictionUNTIL TRILOGY 3 COLLABORATION DESCRIPTION: Sa edad na dalawangpu't dalawa, dalawang beses na rin nasawi sa pag-ibig ang dalagang si Marigold Collab na nagta-trabaho sa isang animal shelter. Dahil sa sakit na idinulot sa kaniya ng lalakeng minahal no...