CHAPTER 11

22 1 0
                                    


August 5, when I said yes to him. Sobrang saya maging ng mga magulang namin para sa aming dalawa ni Vince. Halos dagsain din ng comments and reacts ang relationship status ko sa Facebook matapos na i-update ko ito from single to in a relationship. Ang buong akala ko talaga hindi na ako makakawala pa sa nakaraan dahil sa sakit na idinulot ni Jerome sa akin, pero heto si Vince. Sa ikatlong pagkakataon ay muli niyang pinatibok ang puso kong nahihimbing.

Tuwang tuwa rin ang mga tatlong kaibigan ko matapos kong sabihin sa kanila na boyfriend ko na nga si Vince.

"Ano nga sabi mo noon? Self-love ka muna?" sarkastiko at natatawang wika ni Josephine nang magkita-kita kaming apat.

"Oo sana, kaso may umepal eh. Charot lang." Natatawang tugon ko. But deep inside, masaya ako. Masaya ako na dumating si Vince sa buhay ko. Sana, hindi na siya mawala pa sa akin.

"Grabe 'no? Ang tiyaga rin ni Vince masungkit lang ang matamis mong oo. Biruin mo, umabot ng one year and seven months 'yung panliligaw niya sa iyo. Ang haba ng hair mo, Marigold. Prayer reveal naman d'yan," ani Mylene na pinisil pa ako sa tagiliran.

"Kasi nga, true love waits. Pero sa lahat yata ng naging jowa mo, parang dito ako magiging boto kay Vince," ani Christine.

"Bakit?" Kunot-noo na tanong ko.

"Siya lang kasi ang nakalagpas sa standard na ginawa mo when it comes to your manliligaw. Well, sana magampanan niya ng maayos 'yung pagiging boyfriend niya sa iyo," ani Christine kaya ngumiti ako ng bahagya.

"Salamat sa inyong tatlo. Sa mga advices niyo sa akin, I really appreciated it." Nakangiting wika ko.

"Wala 'yon, ang importante masaya ka. So, kumusta naman ang feeling na maging jowa ang ideal type?" ani Josephine.

"Hindi pa rin ako makapaniwala. I still remember how I told my mom about my ideal type and after almost eight years, dumating na siya. I met the man of my dreams."

"Ritwal reveal." Natatawang wika ni Mylene dahilan upang matawa na rin ako.

Months passed by, simula nang maging kami ni Vince. Alam kong walang perpektong relasiyon ngunit masaya akong palaging ipinaparamdam sa akin ni Vince kung gaano niya ako kamahal at kung gaano ako kahalaga sa kaniya. I can say that I'm so lucky and blessed to have him in my life. He's the only man who made me believed that 'love' really do exist even through internet. He made me believed that distance isn't a big deal when it comes to love.

Kahit girlfriend niya na ako ay hindi siya tumigil sa pagpapadala sa akin ng bulaklak lalo na ang paborito kong daisy. Pakiramdam ko ay araw-araw pa rin akong nililigawan ni Vince kahit mag a-anim na buwan na ang relasiyon naming dalawa. Wala naman akong masabi sa family ko at sa familya niya dahil both families namin ay sobrang supportive sa relasiyon naming dalawa.

Hanggang sa sumapit na nga ang first anniversary namin ni Vince.

"Happy Anniversary, mahal ko." Nakangiting bati sa akin ni Vince nang mag video call kaming dalawa, hawak ko ang bouquet of flower and teddy bear na may sound recording sa loob nito na pinadala niya from Cebu.

"Happy Anniversary too. Recieved ko na 'yung gift mo sa akin, thank you mahal ko." Naluluha dahil sa labis-labis na tuwa na saad ko habang magka-video call kaming dalawa.

"O, bakit naiiyak ang mahal ko? H'wag ka na umiyak okay? I love you." Malambing na wika ni Vince na mas lalong lumulusaw sa puso ko.

"Tears of joy lang 'to. Ang saya ko lang kasi binigay ka ni God sa akin, sobrang swerte ko talaga na merong ikaw sa buhay ko. I love you too," wika ko at gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ko.

"I'm so lucky to have you too, my love. H'wag ka mag alala magkikita rin tayo someday, in God's perfect time." Ramdam ko ang sinseredad sa bawat salitang binibitawan ni Vince. Alam ko kung gaano niya kagusto na magkita na kaming dalawa, pero dahil masiyado kaming naka-focus sa trabaho ay naiintindihan namin parehas na sa ngayon ay through video call na lang muna kami. Isa pa, wala pa rin kaming sapat na ipon para magamit na pamasahe dahil kapwa pa kami inaasahan ng sarili naming pamilya.

"I can't wait to meet you and hug you tight," wika ko."Let's meet someday, my love." Patuloy ko pa.

"By next year, magkikita na tayo. Nag iipon ako ng pamasahe niyo ni Tita para makapasiyal kayo rito sa Cebu." Nakangiting wika ni Vincent. Nasa Cebu na kasi sila nakatira ngayon, naging maganda kasi ang promotion sa kaniya roon kaya minabuti niyang dalhin na rin doon ang kaniyang ina at tatlo pang mga kapatid.

"Love.."

"Why? That's okay, plano ko na rin kasi mag-propose sa'yo next year kaya pinag iipunan ko talaga 'yung gagamitin niyong pamasahe papunta rito," ani Vincent na ikinagulat ko. What did he said? A proposal?!

"P-Propose?" Pag uulit ko.

"Oo, 'cause I can't wait to spend the rest of my life with you Marigold. Aside from that, sigurado na ako sa'yo. The moment you message me years ago, I know that you are the one I was looking for so long. I want you to be my wife someday and the mother of our future twins," sinserong wika ni Vince dahilan upang mag init ang magkabilang pisngi ko.

"I love to spend the rest of my life with you too, Vince. God knows how much I prayed every night just to be with you someday," wika ko."W-Wait, gusto mo ng twins?"

"Oo, if it's okay with you." Nakangising wika ni Vince.

"Oo naman. I like twins too, kakatuwa kaya. Lalo na kapag babae't lalake." Kinililig na wika ko.

"I love you always, Marigold."

"I love you always too, Vince."

"Can we have a promise?" aniya.

"What promise?" Nagtatakang tanong ko.

"That no matter how hard the situation is, don't give up on our relationship. Just keep holding on, okay?" aniya agad naman akong tumango.

"I promise, Vince."

"Mahal na mahal kita Marigold. Mahal na mahal na mahal na mahal kita. Hindi na ako makapaghintay na magkita tayong dalawa, gustong gusto na kita mayakapa at mahagkan. Higit sa lahat, gustong gusto na kitang makasama hanggang dulo."

Our relationship was filled with dreams and promises. And I can't really wait to be with him someday.

UNTIL THE MOON AND SUN COLLIDE (UNTIL TRILOGY 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon