CHAPTER 10

29 1 0
                                    


May dalawang araw na magmula nang padalhan ako ni Vince ng bulaklak na hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako sa tunay na dahilan. Gusto ko siyang tanungin sa tunay na motibo niya pero nag aalangan ako, baka kasi as friend lang 'yon at gano'n talaga siya sa mga kaibigan niya tapos nag iisip ako na may malisya 'yung pagbibigay niya ng bulaklak.

Hanggang sa isang gabi...

"O, Vince napatawag ka?" wika ko nang sagutin ko ang tawag niya.

"I miss your voice." Sandali akong natahimik matapos kong marinig ang malambing na boses na iyon ni Vince."Naistorbo ba kita?" Dugtong niya.

"Hindi naman." Tipid kong sagot dahil hindi ko alam kung ano pa bang dapat kong sabihin kay Vince. Almost ten months na rin kami magkakilala ni Vince pero may time pa rin na nahihiya ako sa kaniya sa tuwing magkausap o magka-video call kaming dalawa.

"May gusto sana akong sabihin sa'yo kaya ako tumawag," sinserong saad ni Vince dahilan upang bumilis ang kabog ng dibdib ko.

"A-Ano 'yon? Tungkol saan?" Halos nauutal na tanong ko.

Dinig na dinig ko ang malalim na buntong hininga ni Vince, tila ilang beses niyang inensayo ang sasabihin niya sa akin. Pero bakit?

"Marigold..."

"Uhm?"

"Can I court you? P'wede ba kitang ligawan?" ani Vince dahilan ng mas lalong pagbilis nang tibok ng puso ko."Ang totoo niyan, nabanggit ko na noong nakaraan araw kay Tita Salvacion ang plano kong panliligaw sa'yo. Pinayagan niya ako kaya ayon, naglakas na ako ng loob na tumawag at sabihin sa'yo na gusto kitang ligawan. But don't worry, hindi kita pini-pressure. Mas okay din sa akin na manligaw sa'yo nang matagal, para mas mapatunayan ko sa'yo na sincere ako sa nararamdaman ko para sa'yo. Marigold mahal kita, sa tagal ng pagkakaibigan natin natutunan na kitang mahalin."

"Vince.."

"Sige Marigold, pag isipan mo muna. H'wag ka mag alala, maiintindihan ko kung ire-reject mo 'ko. Pero masaya ako dahil nagawang ipagtapat 'yung tunay na nararamdaman ko para sa'yo. At kung sakaling ire-reject mo talaga ako, sana hayaan mo pa rin ako na makipagkaibigan sa'yo," ani Vince at ramdam ko ang sinseredad niya.

——

"Talaga? May planong manligaw sa'yo si Vince? O eh anong sabi mo? Pinayagan mo ba?" ani Josephine matapos akong magkwento sa kaniya tungkol sa confession ni Vince kagabi.

"Hindi ko pa alam Jo. Alam mo naman na hindi ako pabor sa internet love 'di ba? Noon pa man ayaw ko talaga ng internet love, dahil sa panahon ngayon ang hirap na magtiwala at maniwala. 'Yung nasa malapit nga nagagawang magloko sa partner nila, 'yung malayo pa kaya?" wika ko saka isinandal ang likod sa swivel chair.

"Pero mukhang iba naman si Vince compare sa ibang lalake. Saka based sa kwento mo, tingin ko he's sincere about his feelings towards you. Kung hindi, bakit siya maglalakas loob na magpaalam kay Tita Salvacion bago umakyat ng ligaw sa'yo? Doon pa lang Marigold, malalaman mo ng sincere talaga ang isang tao sa'yo," ani Josephine at umiling naman ako.

"Gano'n din ang ginawa ni Jerome nang manligaw siya sa akin. Personal siyang nagpunta sa bahay nang hindi ko alam para magpaalam kay Mama na gusto niya akong ligawan. Pero anong nangyari? He cheated on me. He left me."

"Pero magkaiba si Vince at si Jerome, Marigold. Kung si Jerome nagawa ka niyang saktan emotionally, hindi ibig sabihin no'n ay magagawa rin 'yon sa'yo ni Vince." Malumanay na pagpapayo ni Josephine sa akin."And beside, Vince is your ideal type isn't?" Patuloy nito kaya naman napabuntong hininga na lang ako.

"Hindi ko talaga alam Jo, natatakot kasi akong sumugal na naman. Natatakot akong masaktan ulit. Ang hirap mag move on," wika ko.

"Naiintindihan kita, Marigold. But think of it, walang masama kung susubukan mo. Hayaan mo siyang manligaw sa'yo. Hayaan mo siyang patunayan ang sarili niya sa'yo, doon mo malalaman if worth it ba siya sa pagmamahal mo."

It almost been a week since nang mag confessed sa akin si Vince. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin akong makuhang sagot sa tanong niya kung p'wede ba siya manligaw sa akin. Hindi ko alam, hindi ko talaga alam kung anong magiging desisiyon ko. Nagkaroon na kasi ako ng trauma sa past relationship ko kaya naman ang pakiramdam ko ay masasaktan na naman ako sa tuwing may sumusubok na pa-ibigin ako. Humingi rin ako ng kunting panahon kay Vince para makapag isip kaya naman hinahayaan niya muna ako ngayon at hindi kinukulit.

[HAPPY THREE FRIENDS]

Christine Tolentino:

Anong balita sa'yo Marigold? Pinayagan mo na ba na manligaw sa'yo si Vince?

You replied to Christine:

I'm still thinking about it. :>

Mylene Ramirez:

Hindi naman sa binubugaw ka namin kay Vince, pero sa tingin ko naman hindi ka sasaktan ni Vince at mahal ka talaga niya. So go for it, Marigold.

Christine replied to Mylene:

I agree with you My-My. Kaya sige na @Marigold Collab, payagan mo nang manligaw. Doon mo kasi makikita at malalaman kung karapatdapat ba siya sa'yo kapag nagsimula na siyang manligaw.

You replied to Christine:

Internet Love kasi eh. -_-

Mylene replied to you:

What's wrong with that? Marami naman successful couples na nagsimula sa internet love eh.

Christine replied to Mylene:

Si Shawn, 'yung pinsan ko na nagta-trabaho Dubai. Sa internet love sila nagsimula ni Jade, LDR sila for five years pero ngayon happily married na sila with two kids. See? Wala sa distansiya 'yan. Nasa pagiging faithful at loyal 'yan kahit pa sobrang layo niyo sa isa't isa.

Sa huli, nakapag desiyon din ako. Nakapag desisiyon ako na payagan si Vince na manligaw sa akin. Nang sabihin ko sa kaniya 'yon matapos ko siyang tawagan ay halos lumundag siya sa tuwa. Narinig ko pa na sinabi niya kay Tita Elsa—sa mama niya na pinayagan ko na siyang manligaw sa akin.

Kinabukasan nga ay may deliver na bulaklak at tsokolate sa akin galing kay Vince. Halos araw-araw na 'yon at kulang na nga lang ay maging suki ako o si Vince nang gift and flower shop kung saan siya omo-order.

Months passed by at nagpatuloy si Vince sa panliligaw sa akin. Ang effort niya sa lahat ng bagay maramdaman ko lang kung gaano ako ka-espesiyal sa kaniya. From sending flowers, chocolates, handwritten message, teddy bears and other gifts.

From months, ay umabot na nga ng taon. Oo, isang taon at kalahati nang nanliligaw sa akin si Vince. Magkikita na nga sana kami, pero everytime na pinaplano niya kung kailan niya ako pupuntahan ay nagkakaroon ng aberya. At nitong nakaraang linggo lang ay nilipat siya sa ibang branch ng Call Center Agent na pinagtatrabahuan niya sa Bulacan sa isang branch nito sa Cebu matapos na muling ma-promote sa trabaho.

Dahil na rin sa tagal nang panliligaw sa akin ni Vince, napagtanto ko na worth it at deserving nga siya sa pagmamahal ko. Nagawa niyang lagpasan 'yung standard na sinet ko at labis kong ikinatutuwa 'yon. Kaya naman nang sumapit ang ika-1year and 7months na panliligaw sa akin ni Vince ay ibinigay ko na sa kaniya ang matamis kong 'Oo' 

UNTIL THE MOON AND SUN COLLIDE (UNTIL TRILOGY 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon