CHAPTER 15

29 1 0
                                    


"N-Nathaniel?" Hindi makapaniwalang sambit ko. Oo, nandito sa bahay si Nathaniel, ang pinagtataka ko lang ay kung paano niya nalaman ang bahay ko.

"Hi Marigold, good afternoon." Nakangiting wika nito nang tumayo siya."Siya nga pala, I bought something for you. Here." Sabay abot sa akin ng bouquet of daisy and box of Hawaiian pizza.

"S-Salamat." Nag aalinlangan na wika ko nang kunin ko 'yon at ilapag sa coffee table."Sige, have a seat." Patuloy ko pa.

"Thank you. Naalala ko kasi noong magkita tayo sa event, nabanggit mo na mahilig ka sa Pizza and favorite flower mo 'yung Daisy kaya ayon bago ako magpunta rito ay bumili na ako. Sana nagustuhan mo," wika ni Nathaniel. Hala, natatandaan niya pa 'yon?

"I appreciated it. Pero paano mo nga pala nalaman kung saan ako nakatira? Paano naman itong bahay namin?" Pagtataka ko.

"Nakita ko kasi last time si Tita Salvacion—your Mom sa grocery store. Dati kasi siyang nagde-deliver na frozen food sa amin kaya nakilala siya. Hindi ko naman alam na mommy mo pala siya, ikaw pala 'yung anak niya na kinukwento niya kay Mommy noon na nagtatrabaho sa Animal Welfare. I think that was 2years ago? So ayon nga, sinabi ko kay Tita Salvacion na papasiyal ako one day kaya binigay niya sa akin address niyo. Then last day, papunta na ako dapat dito nang makita kitang lumabas ng gate. Kaya nalaman kong anak ka ni Tita Salvacion." Pagku-kwento ni Nathaniel at halos hindi ako makapaniwala. So it was him. 'Yung nakausap ko sa phone call noon na hinahanap si Mama dahil nagtatanong kong may stock pa ba si Mama na tindang Longganisa at Tosino. What a small world for the both of us.

"Wow! I'm so speechless." Napapailing na wika ko saka ngumisi.

"Small world, right?" aniya.

Naging magkaibigan kami ni Nathaniel, nakwento ko sa kaniya ang nangyari sa akin sa past relationship ko at same lang din pala kami, kagagaling din niya sa break up noong time na nagkita kami sa Plaza. That was the time raw na nakipaghiwalay sa kaniya 'yung girlfriend niya for four years because of misunderstanding too. But in his case, 'yung girl ang nakipaghiwalay sa kaniya and last month lang nang malaman niyang may bago na agad ito. How painful is that.

Madalas na nagpupunta si Nathaniel dito sa bahay, madalas siyang bumisita kasama si Sparkle kaya naman nakakalaro din nito ang mga alaga kong aso. Naging close ko na rin ang mommy ni Nathaniel na si Tita Natasha at palagi nitong gusto na pumapasiyal ako sa kanila.

Two months later..

"Marigold.." Napalingon ako kay Nathaniel matapos na sambitin niya ang pangalan ko. Kasalukuyan kong nilalaro ang aso kong si Perriwinkle at si Sparkle na aso ni Nathaniel dahil namasiyal kami sa plaza.

"Yes?" sambit ko.

"May gusto sana akong sabihin sa'yo," wika nito at ramdam ko ang kaba sa dibdib niya.

"About what?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko.

"About us," aniya dahilan upang matigilan ako.

"S-Sa atin? Bakit ano ba—"

"I like you. No, I already falling in love with you, Marigold," sinserong saad ni Nathaniel kaya bahagya na lang akong napangisi. Heto na naman, tapos iiwan din naman ako sa huli.

"Sorry Nathaniel, pero—"

"I know truamatic ka pa dahil sa nangyari sa inyo ng ex-boyfriend mo. But trust me, this time hindi ka na masasaktan ulit dahil hindi ko na hahayaan pang mangyari 'yon," wika ni Nathaniel kaya naman mahina na lang akong natawa.

"Maging magkaibigan na lang tayo Nathaniel, mas mabuti pa 'yon. At least, kung dumating man ang araw na mag fade 'yung nararamdaman natin sa isa't isa, hindi tayo parehas na masasaktan,"seryosong pagkakasabi ko.

"But I love you," giit ni Nathaniel.

"Sorry, but I can't love you. Hindi ko na hahayaan na masaktan ulit ako, Nathaniel."

"I will prove myself to you Marigold. Kaya kitang hintayin kahit gaano pa katagal hanggang sa dumating ang panahon na muli mo nang bubuksan 'yung puso mo."

And so he did. It's been already half in a year since he confessed his feelings to me at totoong pinatunayan niya ang sarili niya sa akin. I already ignored him para iparamdam na hindi ako interesado sa kaniya pero mas lalo lang niya nilalapit ang sarili niya sa akin. Lahat na ng paraan na alam niya ay ginagawa na niya, mapansin ko lang siya.

I told my mom about it and ang sabi lang niya,"Sundin mo ang puso mo pero 'wag mong kakalimutan ang sinasabi ng isipan mo."

"Pero natatakot ako Ma, I'm afraid to fall and get hurt for the 4th time. Hindi ko na kayang masaktan sa ikaapat na pagkakataon Ma," wika ko.

"Naiintindihan kita anak, pero natural lang 'yan sa pag-ibig. Natural lang na masaktan at madapa, ang mahalaga tuloy ang laban." Nakangiting wika ni Mama habang hinahaplos ang buhok ko.

Sinunod ko ang payo ni Mama. I give Nathaniel a chance and I also ask God for his guidance. I asked for a sign. Isang sign na maaaring magpabago sa akin at sa buhay ni Nathaniel. A sign na ako lang ang siyang nakakaalam.

Tinawagan ko si Nathaniel at sinabing magkita kami sa Plaza sa ganap na alas-otso ng gabi. I know Nathaniel doesn't like to wear dark color t-shirt like yellow, red, blue, orange and such. Mas gusto kasi niya pastel color lang o 'yung light lang dahil hindi masakit sa mata. But if he wear one of those dark color shirt tonight, that's a signed that he is the one for me.

Around 7:30PM nang dumating ako sa Plaza. Naupo na ako sa bench kung saan sinabi ko sa kaniyang hihintayin ko siya. Ilang saglit pa ay tumawag na sa akin si Nathaniel at sinabing on the way na siya.

At exact 8PM, abala ako sa pag i-scroll up and down sa Facebook ko nang mapansin ang dalawang pares ng paa na nakatayo sa tapat ko kaya agad ako napatingala.

Gayon na lamang ang pagbagal nang ikot ng mundo ko nang mapansin ko ang kulay ng suot na t-shirt ni Nathaniel.

"W-Why are you wearing color Yellow T-shirt? I thought you don't like wearing dark colors T-shirt?"

"Because it' your favorite color isn't? Kaya ayon, bumili ako kanina nang sinabi mong magkikita tayo. Gusto kasi kitang mapangiti even in the simplest way." Nakangiting wika ni Nathaniel.

And by that very moment, I know he's the one for me. Hindi man siya 'yung ideal type ko, pero higit pa siya roon. Hindi man siya 'yung unang pinag alayan ko ng wagas kong pagmamahal, pero siya na ang magiging huli.

July 6, when we became officially in a relationship after almost a year nang panliligaw niya sa akin.

——

Today is my 26th Birthday, may usapan kami ni Nathaniel na magkikita kami sa restaurant na pina-reserved niya. 8PM ang usapan pero 7:50PM pa lang ay dumating na ako.

Pagpasok sa restaurant ay kapansin-pansin na wala masiyadong tao sa loob kaya hindi ko naiwasan na magtanong sa babaeng nag assist sa mga guest or costumer na pumapasok. Hindi nito sinagot ang tanong ko hanggang sa makarating na kami sa rooftop ng restaurant na labis kong pinagtaka.

"What are we doing here?" Pagtataka ko.

"Dito po ang sinabi ni Mr. Fuentabella," saad ng babae.

Nilibot ko ang tingin ko, kung sabagay maganda nga kumain kapag ganitong maaliwas at prekso ang paligid. Dahil sa gabi na, kapansin-pansin ang makukulay na ilaw sa paligid ng rooftop at ang table for two sa unahan na may bouquet of daisy pa sa gitna. Dahilan upang mapangiti ako.

"Sige po Ma'am, bababa na po ako. Hintayin niyo na lang po si Mr. Fuentabella rito. Happy Birthday po Ma'am Marigold." Nakangiting wika ng babae.

"Salamat," wika ko at agad na rin 'tong umalis kaya naman naiwan na lang ako na mag-isa na pinagmamasdan ang paligid. Napaka romantic ng set up. 

UNTIL THE MOON AND SUN COLLIDE (UNTIL TRILOGY 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon