CHAPTER 9

27 1 0
                                    

Lumipas ang araw, linggo at umabot na nga ng buwan magmula nang makilala ko si Vince through internet. Naging malapit na magkaibigan kami ni Vince kahit na through phonecalls, video calls and chats lang kami nagkaka-kumustahan. He always there for me whenever I need someone to talk to, he always makes me feel special and he stayed up late night para makausap ako kapag pakiramdam niya may problema ako. He became someone who I can share all my problems and dramas in life with. Vince Benedict became my bestfriend.

Magkaibigan pa lang naman kami ni Vince pero ipinakilala na niya ako sa Parents at mga kapatid niya. Natutuwa naman ako na mabilis kaming naging close ni Tita Lucia—ang ina ni Vince.

Nalaman na rin ng mga kaibigan ko ang tungkol kay Vince at sa pagiging magkaibigan namin. Paano ba naman ako makapagkakaila kung palagi akong tina-tag ni Vince sa mga post niya lalo na kapag about pets, nature or astronomy.

"Nanliligaw na ba sa'yo si Vince?" ani Mylene nang magkita-kita kaming tatlo sa plaza.

"Huh?!" Gulat na reaksiyon ko.

"Sabi ko, kung nanliligaw na ba sa'yo si Vince." Pag-uulit niya kahit hindi naman na kailangan dahil hindi naman ako bingi para hindi marinig ang sinabi niya kanina.

"Hindi 'no. We're just friends," saad ko bago sumimsim ng softdrinks.

"Eh? Hindi ba't sa pagiging magkaibigan din kayo nagsimula ni Jerome? Hanggang sa manligaw siya sa'yo," ani Christine.

"Iba si Vince, magkaibigan lang talaga kami." Nakangiting saad ko.

"Hindi mo sure Marigold. What if mag confessed si Vince sa'yo? Saka, wala ka bang napapansin? Magkaibigan pa lang kayo pero ipinakilala ka na agad niya sa family niya," ani Mylene."Pero alam mo, masaya kami para sa'yo. Akala talaga namin tatanda ka ng dalaga eh."

"Sira! Alam mo kayong dalawa, ang advance niyo masiyado mag-isip. Ang issue niyo masiyado, magkaibigan nga lang kami ni Vince. Nothing more, nothing less okay?" wika ko habang napapailing.

"Pero what if lang naman, umamin sa'yo si Vince na may gusto siya sa'yo. What will you do?" ani Christine.

"Hindi 'yon gagawin ni Vince. We're just friends."

Ewan ko ba sa mga kaibigan ko, masiyadong mag advance mag-isip. Iniisip agad na sooner or later ay manliligaw na raw sa akin si Vince na internet friend ko. That's so impossible at hindi rin naman ako naniniwala sa internet love na 'yan. Paano ka magmamahal ng isang tao na nakilala mo lang through social media? Paano mo magagawang mahalin ang taong naririnig at nakikita mo lang through video calls? I don't believe in Internet Love.

Nang matapos ang bonding namin tatlo ay kaagad na rin akong umuwi sa bahay. Ngunit naglalakad pa lang ako ilang bahay mula sa bahay namin ay natanaw ko na si Mama na may kausap na delivery rider sa labas ng aming gate. Ano na naman kayang inorder ni Mama sa online shopping? Bago pa man ako tuluyan makalapit ay nakaalis na ang delivery rider.

"Ma," tawag ko kay Mama na papasok na sana ng gate agad naman siya napalingon sa akin saka ko pa lamang napansin ang bouquet of daisy na hawak niya. Huh? Wait. Don't tell me may manliligaw si Mama.

"O Marigold anak, buti dumating ka na—"

"Bakit may hawak kayong bouquet of daisy? Sino nagpadala sa inyo niyan?" Intresadong tanong ko.

"Hindi 'to sa akin, anak." Nakangiting wika ni Mama na mas lalong nagpagulo sa isipan ko.

"Hindi sa'yo? Eh kanino? Kay Kuya ba? Wow naman! Babae pa talaga ang magpapadala ng bulaklak kay—"

"Sa'yo 'to." Natigilan ako matapos kong marinig ang sinabing iyon ni Mama. Ano raw? Sa akin?

"S-Sa akin? Kanino naman manggagaling 'yan?" Labis na pagtataka ko.

"Bakit ba rito tayo nag uusap sa labas, pumasok na nga muna tayo sa loob," saad ni Mama at agad na kaming pumasok.

Ngunit hanggang sa makarating sa loob ng bahay ay palaisipan pa rin sa akin kung sino ang nagpadala ng bulaklak na 'yon. Imposible naman na kay Jerome, eh kakasal lang nila ng asawa niya seven months ago.

"Kanino ba talaga galing 'yan Ma?" Muli kong tanong.

"Kay—" Hindi naituloy ni Mama ang dapat sana'y sasabihin niya nang mag ring ang cellphone na hawak ko.

'Incoming Call...Vince'

"Wait lang Ma sagutin ko lang 'to," wika ko at agad nang sinagot ang tawag ni Vince."Hello Vince, napatawa—"

"Na-receive mo na ba 'yung surprise ko sa'yo?" Rinig ko ang sigla sa boses ni Vince.

"Na-receive ang alin?" Natigilan ako nang mapatingin ako sa bouquet of daisy na nakapatong sa coffee table."Wait, don't tell me sa'yo nang galing itong bulaklak na 'to?"

"Gano'n na nga. Do you like it? Naalala ko kasi na nasabi mo sa akin noon na favorite flower mo 'yung daisy so I gave you not just one but a bouquet of daisy," ani Vince mula sa kabilang linya.

"Vince..."

"What? Hindi mo ba nagustu—"

"I love it. Thank you so much, sobrang na-appreciate ko." Halos maluha-luhang sambit ko dahil sa nag uumapaw na saya. Hindi ko kasi 'to expected, hindi ko inaasahan na gagawin ito ni Vince sa akin.

"You deserved it, Marigold."

"But why? Why did you sent me a flower?" Pagtataka ko.

"Gusto ko lang na pangitiin ka ngayong araw na 'to, hindi kasi ako masiyado nakapag chat sa'yo last night dahil sa sobrang busy sa work." Malumanay na wika ni Vince.

"Vince, hindi mo alam kung gaano mo 'ko napasaya ngayon. Thank you, and I really appreciated it. Don't worry, I understand your busy days naman eh. Just take your time," sinserong wika ko.

"I will do everything and anything just to make you happy. You're welcome, Marigold."

——

Mylene replied to your story:

Wow! friends lang daw pero pinadalhan ka ng bulaklak. Sana all Marigold, by the way when?

You replied to Mylene:

To be honest hindi ko 'to expected. Nagulat na lang din ako kanina 'pag uwi ko.

Mylene replied to you:

Ngayon mo sa amin sabihin ni Tin-Tin na walang feelings sa'yo si Vince. Marigold, hindi ka naman siguro manhid ano? Hindi mag e-effort ang lalake na padalhan ka ng bulaklak kung wala siyang feelings para sa'yo. Not unless, he's a gay and trip lang talaga niya na padalhan ka ng bulaklak.

Dahil sa message na iyon ni Mylene ay napaisip ako. Pero ayaw ko mag assume, baka ganito lang talaga makipagkaibigan si Vince. Pero paano rin kung totoo? Paano kung may gusto na nga sa akin si Vince? Anong gagawin ko?

UNTIL THE MOON AND SUN COLLIDE (UNTIL TRILOGY 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon