"Matagal-tagal din bago kayo nag bonding ng mga pinsan mo, Honey. Mabuti naisipan niyo magkita-kita ngayon," wika ni Nathaniel na kasalukuyan nagmamaneho ng kotse. Patungo kami ngayon sa Coffee Shop ng pinsan kong si Lovely.
"Kaya nga," panimula ko."Mga naging busy din kasi sila Maxi at Love kaya ayon, ngayon lang naisipan na magbonding. Miss ko na nga mga 'yon." Nakangiting wika ko habang nakapatong sa aking hita ang box na naglalaman ng cake. Galing sa Cake Shop na pagmamay-ari ko ang cake na dala ko.
"Kumusta na nga pala si Maxi? Naka-move on na ba 'yung pinsan mong 'yon?" ani Nathaniel alam niya rin kasi ang naging kwentong buhay pag-ibig ng pinsan kong 'yon dahil na i-kwento ko na sa kaniya iyon minsan.
"I think so. Halos ilang taon na rin naman ang lumipas kaya for sure naka-move on na si Maxi sa heartbreak na naranasan niya years ago. 'Yun nga lang, mukhang ayaw na ulit umibig," wika ko at pasimpleng natawa dahil sa huling salitang sinambit ko.
Eh kasi naman, grabe naman talaga 'yung sakit na idinulot ni Prime sa pinsan kong si Maxi. Minsan na nga lang magmahal ang pinsan kong 'yon, sa may asawa pa. Oh 'di ba? Mapapakanta ka na lang talaga ng 'tayo ay pinagtagpo ngunit hindi tinadhana'.
——
Nang dumating kami ni Nathaniel kasama ang unico hijo namin sa Coffee Shop ni Lovely ay wala pa roon si Maxi, as we all expected late na naman ang babaeng 'yon. What's new?
"Tita Marigold!" Masiglang bati sa akin ni Cedric—ang anak nila Lovely at Akihiro. Nakabungisngis itong sumalubong at yumakap sa akin.
"Hey baby, how are you?" Malambing na bati ko rito.
"I'm doing fine po, Tita." Nakabungisngis na tugon nito."Tita, Mommy..P'wede po ba kami mag-play ni Yuan?" Pagpapaalam nito, agad ko naman tinignan si Yuan na nakahawak sa kamay ng kaniyang ama.
"Sure, baby." Pagpayag ni Lovely at agad naman inaya ni Cedric ang pinsan nito na maupo sa isang bakanteng upuan at maglaro ng games sa kaniyang cellphone."Long time no see, Marigold." Nakangiting bati sa akin ni Lovely kaya agad ko siyang pinagtaasan ng isang kilay na ikinakunot ng noo nito.
"Kanina pa ako rito tapos ngayon mo lang ako babatiin? Nakakatampo ah," wika ko.
"Ito naman, I miss you Marigold," ani Lovely at agad na yumakap sa akin.
"Namiss ko rin kayo. Siya nga pala, I bought something, ako nag-bake niyan." Nakangiting wika ko nang ilapag ko sa coffee table ang box ng Cake.
"On the way na raw ang pinsan nating mukhang tatandang dalaga." Natatawang wika ni Lovely kaya napailing na lang ako. Ang lakas ng loob sabihin 'yon palibhasa'y wala pa si Maxi.
——
"Late again Maxi." Nakangsing pang aasar ko pagkapasok na pagkapasok pa lang nila ni Maxi. Nginiwian niya lamang ako at nag lakad na patungo sa table kung saan ako nakaupo.
"Saan sila?" she asked.
"Nathaniel is with Akihiro, you should join them Maxi's hubby." Nakangisi pa ring pang aasar na tugon ni ko nang tignan ko ang lalakeng kasama ng pinsan ko."Dinala naman ni Love yung mga bata sa playground sa labas."
Naging masaya at enjoy naman ang bonding namin magpipinsan dahil matagal-tagal din nang huli kaming magkita-kita. Nasa playground sila Akihiro, Nathaniel at ang lalakeng kasama ni Maxi na si Gael binabantayan ang mga bata sa paglalaro kaya naman nagkaroon kami ng pagkakataon na makapag girls talk.
"Kumusta naman kayo ni Nathaniel?" ani Maxi bago sumimsim ng Irish Coffee na isa sa best selling sa Coffee Shop ni Lovely.
"Okay naman kami, masaya naman. How about you Lovely? How are you and Akihiro?" Baling ko kay Lovely na abala sa pag i-slice ng cake na agad na napatingin sa akin at ngumiti.
"Okay din naman, masaya. Going strong pa rin." Nakangiting tugon ni Lovely.
"Edi sana all," sarkastikong wika ni Maxi. Bitter 'yarn? "By the way, nabanggit mo sa amin ni Love nang mag video call tayo months ago na nagkita kayo for the first time ni Vince, so how is it? Kumusta ang pagkikita ninyo?" Patuloy ni Maxi dahilan upang sandali akong matahimik.
It's been already five months since nang magkita kami sa una't huling pagkakataon ni Vince sa pampanga, at aaminin ko hindi maaalis-alis sa utak ko ang araw na 'yon lalo na ang sandaling nayakap namin ang isa't isa sa unang pagkakataon.
"O-Okay naman. He's happily married na rin at may twin na," wika ko.
"Twin? Eh 'di ba iyon 'yung pangarap ninyo ni Vince noon? Ang magkaroon ng kambal?" ani Lovely at mababakas sa tono ng boses ang panghihinayang.
"Past is past, ika nga." Pagsabat ni Maxi."May mga bagay na gustuhin man natin, if hindi 'yon ang gusto ni God para sa atin wala tayong magagawa." Pagpapatuloy pa nito. Ay wow hugot na hugot Maximilion Collab?
"So, parang kayo ni Prime?" ani Lovely na nakangisi pa.
"Lovely!" Pagbabanta ni Maxi kaya natawa na lang ako.
"Enough girls. Maxi's right, past is past. H'wag na natin ungkatin pa 'yung nakaraan dahil tapos na 'yon. The important is, we learned from it. Natuto tayo sa past natin. Right, Maximilion?" wika ko nang balingan ko ng tingin si Maxi na medyo nakasimangot na agad ko rin naman napangiti.
Kahit gaano pa natin kagusto na mag stay ang isang tao sa buhay natin. If that person isn't for us, God will let us bleed a countless times until we have no choice but to let go that person. Sa una hindi pa natin 'yon maiintindihan, hindi pa natin maiintindihan 'yung rason kung bakit umalis sa buhay natin ang taong 'yon at kung bakit natin kailangan masaktan. But as the days goes by? Doon, unti-unti natin mapagtatanto na may rason kung bakit iyon nangyari at mapapasabi ka na lang ng, "Until We Met", "Until We Fall in Love" and "Until The Moon and Sun Collide".
END OF SPECIAL CHAPTER
BINABASA MO ANG
UNTIL THE MOON AND SUN COLLIDE (UNTIL TRILOGY 3)
Ficción GeneralUNTIL TRILOGY 3 COLLABORATION DESCRIPTION: Sa edad na dalawangpu't dalawa, dalawang beses na rin nasawi sa pag-ibig ang dalagang si Marigold Collab na nagta-trabaho sa isang animal shelter. Dahil sa sakit na idinulot sa kaniya ng lalakeng minahal no...