CHAPTER 12

29 3 0
                                    

Everything was so perfect, everything was so lovely and everything was perfectly fine, not until we started to have misunderstanding and small fights for the first time since ng maging kami.

"Busy nga ako kanina kaya hindi ko nasagot ang tawag mo." Naiinis na wika ni Vince mula sa kabilang linya.

"Busy? Eh bakit sabi ni Tita Lucia pinuntahan ka ng mga kaibigan mo d'yan sa inyo at niyaya ka maglaro ng basketball? Hindi naman kita pagbabawalan na maglaro eh, ang sa akin lang bakit kailangan mo magsinungaling pa? P'wede mo naman sabihin 'yung totoo." Buwelta ko.

"So anong pinapalabas mo ngayon? Na sinungaling ako?" sarkastikong wika ni Vince kaya dahilan upang mariin akong mapapikit dahil pagod na akong makipagtalo pa.

"Vince, ano man lang na kumustahin mo 'ko? May oras ka na makipaglaro ng basketball sa mga kaibigan mo pero wala kang oras na kumustahin ako? Tinatawagan kita kanina pero binabaan mo 'ko ng telepono, Bakit? Masiyado ba akong nakakaistorbo sa paglalaro mo?" Mahinahong wika ko kahit gusto ko nang sumigaw para mas maintindihan niya ako.

"Ewan ko sa'yo. Sige na, matutulog na ako."

"Teka lang Vince—Hello! Vince," wika ko at napabuntong hininga na lang nang babaan niya na ako ng telepono. Napasandal na lang ako sa headboard ng kama ko at napasabunot sa ulo ko.

Hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang luha sa aking pisngi. Ang pangyayaring iyon ay minabuti kong sarilinin na lang. Ayaw ko nang ipaalam sa kahit na sino man.

Akala ko ay iyon na ang una't huling misunderstanding namin ni Vince, ngunit nasundan pa ito nang nasundan hanggang sa tuluyan nang bumigay ang isipan ko at nakapag open up na ako ng problema ko sa mga kaibigan ko dahil hindi ko na talaga kayang kimkimin iyon.

"Eh g*go pala 'yan si Vince eh. Ano, Jerome version 2.0 lang? Na mahilig gumamit ng reverse psychology para ikaw ang hihingi ng sorry kahit siya 'tong may mali? Aba! t*ngina pala talaga niya." Pang gigigil ni Christine.

"How sad. From healthy relationship to toxic? Marigold, if I were you makipaghiwalay ka na lang kaya sa lalakeng 'yan. Nagiging redflag na siya eh. Isipin mo, sinong matinong lalake ang hahayaan na mag overthink ang girlfriend niya gabi-gabi at matulog na may sama ng loob? Si Vince Benedict Castillo lang yata," ani Mylene dahilan upang mapatakip na lang ako ng mukha ko kasunod nang pagpatak ng luha ko.

"Akala ko naman matinong lalake, eh halos parehas lang pala ni Jerome. Manipulated sad boy." Napapailing na wika ni Josephine.

"Find someone who will make you feel special, love and important. Someone who sees your worth and someone who valued your feelings and appreciates you. Not someone who let you overthink at night when you had a misunderstanding or small fights," ani Christine."Pero sa kabilang banda, we were very sorry Marigold. Kasalanan din naman kung bakit ka nasasaktan ngayon. Akala kasi namin iba si Vince eh, akala namin hindi niya magagawang paiyakin ka. Ilang buwan na pala kayong ganito, bakit ngayon ka lang nagkwento sa amin? Akala tuloy namin, masayang masaya ka pa sa relasiyon niyo. Hindi na pala." Pagpapatuloy nito.

"Guys, don't feel sorry okay? If there's someone who should feel sorry, that's me. I feel sorry for myself. Sorry self if you feel unwanted and unimportant again. Sorry if you need to feel this kind of pain and treatment again, sorry for causing you too much pain," wika ko kasunod nang pagtulo ng aking luha. Naramdaman ko na lang ang mga kamay na humahagod sa likod ko. I saw my friends smiling back at me.

"Sige lang Marigold, iiyak mo lang 'yan." Malumanay na wika ni Mylene habang hinahagod ang likuran ko.

"H'wag ka muna susuko agad Marigold. Try to talk to him first muna, maayos niyo pa 'yan. Wala naman perpektong relasiyon eh. Lahat talaga ay dumadaan sa misunderstanding at pag aaway. Basta, 'wag lang agad susuko." Malumanay na pagpapayo ni Christina.

UNTIL THE MOON AND SUN COLLIDE (UNTIL TRILOGY 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon