"Isipin mo na lang na hindi talaga kayo ni Vince, dahil may nilaan si God na talagang para sa'yo," wika naman ni Christine.
"Kung hindi pala kami nilaan para sa isa't isa. Bakit kailangan pa kami pagtagpuin? Bakit ko pa siyang makilala? Bakit kailangan bumuo kami ng mga plano para sa future namin? Ginag*go ba ako ng kapalaran?" wika ko na hindi ko alam kung makakaramdam ba ako ng galit o labis na lungkot."Pagod na akong masaktan nang paulit-ulit." Patuloy ko pa.
"Para magsilbing lesson para sa isa't isa. Tulad niyo ni Ivan, your first boyfriend at ni Jerome," ani Mylene.
"Hindi pa ba ako p'wede maka-graduate? Ang dami ko nang lesson na natutunan eh," sarkastikong pagkakasabi ko.
"You feel better soon, Marigold. Ganiyan lang talaga when it comes to love. Dapat talaga ay handa tayong masaktan." Malumanay na wika ni Josephine.
Weeks passed by since Vince and I we broke up and here I am, still can't move on. Kahit deactivated na ang social media account ni Vince ay hindi ko pa rin dinedelete ang conversation namin dalawa. Ayaw ko at hindi ko kaya, dahil iyon na lang ang meron ako. My family and friends are advising me to delete our conversation para daw maka-move on ako agad, but I can't. Whenever I feel down, I usually listened to his voice message that he used to send me before. Hindi ko na rin kasi matawagan 'yung number niya dahil unattended na ito. Until now ay hindi ko pa rin lubos maisip na wala na kaming dalawa, parang kahapon lang ng sabay kami mangarap at magplano sa future namin dalawa. Sabay pa kaming natawa while imagining our future twins looks like, our wedding and our future life as husband and wife. Tandang tanda ko pa 'yung sinabi niya na kapag nagkita kami ay isang oras niya akong yayakapin. Now that we already ended our relationship, those promises are slowly fading.
I feel bad for myself, kasi kung siya nagawa niya akong tiisin ng halos isang linggo at walang paramdam ako hindi. Nothing hurts knowing that your favorite can ignore you while you can't. You can't because you love that person so much. Ngunit may mga bagay talaga na mahirap ipilit, tulad ng relasiyon namin ni Vince na nagwakas na.
Hindi ko alam kung saan o paano ako magsisimula ngayon wala na siya sa akin. Nasanay na kasi ako na nakakausap siya araw-araw at nasanay na akong nakakatanggap ng good morning and good night message sa kaniya. Now that he was gone, I really don't know where to start.
Among my ex-boyfriends, si Vince ang minahal ko ng sobra. Sa kaniya ako mas naging comfortable kahit dagat ang pagitan namin dalawa, pero hindi ko sukat akalain na 'yung taong muling magpapatibok ng puso ko ay siya rin pa lang dudurog nito. I'm sorry self, for cause you too much pain. You don't deserve this.
.
——
Kasalukuyan akong naglilinis ng kwarto ko nang mapansin ko ang kulay asul na box sa ilalim ng kama ko. Agad akong yumuko saka ito pilit na inabot. Nang makuha ay kaagad akong naupo sa kama ko at inalam kung ano ang nasa loob ng box.
Naramdaman ko na lang ang pagpatak ng luha ko nang makita ko na ang laman ng box. Handmade couple bracelet na may pangalan namin ni Vince at handwritten message na plano ko sana ibigay sa kaniya once na nagkita kaming dalawa.
Naluluha kong binuksan ang nakatiklop na papel upang basahin ang sulat na dapat sana ay babasahin ko sa harapan mismo ni Vince.
Hi my love,
Siguro sa mga sandaling ito, binabasa ko na ang sulat na ito sa harapan mo. Nakatayo ka ngayon sa harapan ko habang hawak ang isang kamay ko at nakatitig sa mga mata ko. I still can't believe na nagkita na tayong dalawa, I still remember how we both wished to meet and finally, ito na 'yon Vince. Nagkita na tayong dalawa. Thank you for coming into my life, thank you for being my moon that brightened up my darkness night, thank you for being the best boyfriend for me and thank you for always making me feel special and loved. You're the best gift that I received in my whole life, Vince and I am so lucky and blessed to have you. Mahal kita, mahal na mahal na mahal kita. I promise you that no matter how hard the situation is, I will stay and I won't give up on our relationship. I love you.
Love,
Marigold
Matapos kong basahin 'yon ay napahagulgol na lang ako habang yakap-yakap ang sulat na basa na ng luha ko. Sobrang sakit sa dibdib, pakiramdam ko ay paulit-ulit na tumatarak ang punyal sa dibdib ko habang binabasa ang sulat na batid kong hindi na makakarating pa kay Vince.
"Nak, ayos ka lang ba?" Rinig kong boses ni Mama."Papasok si Mama okay lang ba?" At narinig ko na nga ang pagbukas ng pintuan ng silid ko.
"Ma," sambit ko habang umaagos ang luha sa aking pisngi.
Hindi nagsalita si Mama at agad na lang ako nilapit at niyakap. Napayakap na rin ako sa kaniya ng mahigpit at lalong bumuhos ang luha ko.
"Sige lang Marigold, iiyak mo lang 'yan." Malumanay na wika ni Mama habang yakap-yakap ako.
"I really don't know what to do Ma." Umiiyak na sambit ko habang nakayakap kay Mama.
"Magiging okay din ang lahat, anak. Darating ang araw na lahat ng lungkot at hinanakit na nararamdaman mo ngayon ay mapapalitan din ng nag uumapaw na kaligayahan." Malumanay na wika ni Mama habang mahinang tinatapik-tapik ang likod ko to comfort me.
"How? Paano ako magiging okay Ma kung sa bawat pagpikit ng mga mata ko at pag gising ko ay naalala ko ang mga binitawang pangako namin ni Vince para sa isa't isa," wika ko at bumitaw na sa pagkakayakap kay Mama. Agad naman ni Mama pinunasan ang luha sa pisngi ko gamit ang kamay dalirin niya.
"You are still young Marigold. Marami pang magagandang bagay na naghihintay sa'yo sa mga araw pang daraan. H'wag mong hayaan na lamunin ka ng lungkot dahil lang sa iniwan ka ng isang tao. Learn to love yourself more. Lahat ng bagay na nangyayari dito sa mundo ay may dahilan, siguro sa ngayon hindi pa mo iyon makita dahil mas nararamdaman mo 'yung sakit at sama ng loob. Pero isang araw, mapapangiti ka na lang at masasabi sa sarili mong, 'Ah kaya pala'. Kaya please anak, be strong. Hindi lang si Vince ang lalake sa mundo. Sa tamang panahon at pagkakataon, makikilala mo ang lalakeng nilaan talaga ng Diyos para sa'yo. Sa ngayon, focus on yourself muna." Nakangiting wika ni Mama tumango naman ako at muling yumakap sa kaniya.
"Thank you Ma,"
Few months later...
"Wow you're so cute." Nakangiting wika ko sa hybrid German Shepherd na kulay black and white at sa tingin ko ay nasa 2-3months old pa lang na lumapit sa akin. Napansin ko na may tangay-tangay siyang tali na dugtong sa leeg niya kaya sigurado akong nakawala ito sa amo niya."Nawawala ka ba?" Tanong ko sa aso na akala mo ba ay sasagot sa tanong ko. Hinimas-himas ko ang ulo niya at nagpalinga-linga sa plaza. Nandito ako ngayon dahil may usapan kami ng mga kaibigan ko na magkikita-kita kami.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa bench at hinawakan ang tali ng aso. Hindi pa man ako nakakailang hakbang nang may marinig akong magsalita sa likod ko.
"Sparkle, nand'yan ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap. You make me worried so much," wika ng lalake at agad na tinungo ang hybrid german shephered na si Sparkle.
"So, ikaw pala ang owner niya," sabat ko sa moment nilang dalawa ng aso niya. Agad naman siyang tumayo at kinalong si Sparkle.
Infairness, gwapo siya. Maputi, medyo chinito—half korean siguro 'to o trip lang ng parents niya na gawin siyang singkit, matangkad at mabago. Hala enebe!
"Oo. Thank you ah, kasi ikaw 'yung nakakita kay Sparkle. Halos mabaliw na ako kanina kakahanap sa kaniya," wika ng binata habang dinidilaan ni Sparkle ang kamay niya.
"Wala 'yon. Next time higpitan mo na lang 'yung pagkakahawak, para hindi na siya bumitaw. Mahirap kasi kapag tuluyan siyang nawala sa'yo, nakakabaliw talaga." Malumanay at nakangiting wika ko.
"O-Okay. Bakit parang ang lalim yata ng hugot mo, Miss?" wika ng binata at mahinang natawa. OMG! He has a dimple.
"Hugot? Hindi ah. Nagsasabi lang naman ako ng totoo, ang cute pa naman ng aso mo." Nakangiting wika ko at hindi nag dalawang isip na haplusin ang ulo ni Sparkle.
"You're a dog lover too?" tanong niya sa akin at nakangiti naman akong tumango.
"Actually, I'm a pet lover." Pagtutuwid ko nang matapos ko haplusin ang ulo ni Sparkle.
"Nice. By the way, I'm Nathaniel and you are?" Nakangiting pagpapakilala niya sa kaniyang sarili sabay lahad ng kamay sa akin.
Ngumiti naman ako bago ito tinanggap."Nice to meet you, Nathaniel. I'm Marigold."
BINABASA MO ANG
UNTIL THE MOON AND SUN COLLIDE (UNTIL TRILOGY 3)
Ficción GeneralUNTIL TRILOGY 3 COLLABORATION DESCRIPTION: Sa edad na dalawangpu't dalawa, dalawang beses na rin nasawi sa pag-ibig ang dalagang si Marigold Collab na nagta-trabaho sa isang animal shelter. Dahil sa sakit na idinulot sa kaniya ng lalakeng minahal no...