Chapter 20 : the monsters

435 17 4
                                    

Chapter 20 : the monsters

 

 

 

Third person’s POV

 

Nakarating na sina Cyprus sa dulong bahagi ng pasilyo saka sila huminto sa paglalakad. At dahil sa pagod na nararamdaman ng binate ay napayuko siya at napahawak sa magkabilaang tuhod upang habulin ang kanyang hininga. Buong akala niya ay si Daniel ang mananakit, hindi niya alam na ang babaeng tinulungan niya ang papatay sa kanya.

“sinaktan ka ba ni Daniel?” nag-aalalang tanong niya sa kasama nang mahabol na nito ang hininga niya. Umiling lang ang dalaga saka nagkunwaring nahihirapan na sa sitwasyon nila. Mukhang kumagat naman magiging biktima niya dahil bakas ang pag-aalala sa mukha nito.

Ilang segundong katahimikan ang naghari bago tumatak sa isipan niya na kailangan niya na palang patayin ang biktima. Sinamantala niya na ang pagkakataon na nakayuko ang binate habang nagpapahinga. Inangat niya sa ere ang hawak na itak at walang pagdadalawang isip na tinaga ito sa likod.

Napahiga agad si Cyrpus sa sahig at nagsimulang magsilabasan ang dugo sa bibig niya at sa napakalaking sugat sa likuran niya. Lumipat na sa harapan niya ang salarin saka sumilay ang ngising mala demonyo sa mga labi nito habang naguguluhan si Cyprus sa mga nangyayari.

“A…akala k-ko…b-biktima k-ka…din…” hindi na nito magawang makapagsalita nang maayos dahil naapektuhan ang lungs niya dahil sa lakas ng impact nang pagkakataga sa kanya. Napapikit din siya agad senyales na patay na siya.

Tinahak niya na ang madilim na pasilyo saka hinanap ang natitirang mga kaklase.

***

Matapos maitali ni Topher sa isang upuan ang walang malay na si Steffi ay lumipat siya sa kabilang kwarto kung nasaan magkaharap na nakatali sina Erron at Anicka. Pareho itong may mga busal sa bibig at impit ang mga ginagawang pagsigaw at nagpupumiglas.

Sumilay ang isang ngisi sa labi niya saka sinarado ang pinto sa likuran niya.

“What’s up, players?” natatawang sambit nito saka hinilabas ang isang baril mula sa likod nito. Siya ang pumatay sa mga security guard kaya nakuha ang baril ng isa sa mga pinatay niya. Itinago niya ito ng maigi dahil gusto niya itong gamitin sa tamang oras.

High School TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon