Chapter 22 : the survivors

543 19 0
                                    

Chapter 22 : the survivors




Third person's POV




"N-not yet, Xyr-rill..." saad nito saka nagpumilit na naglakad pumasok. Nanlaki ang mata ng dalaga dahil buong akala niya ay napatay na ito ni Topher. Napaurong siya saglit nang makita ang hawak nitong itak na may konting dugo pa. Kahit namimilipit sa sakit ay nagawang ngumiti ni Solomon ng pagka inosente kahit ang pangit niya na tignan dahil sa sugat na natamo at mga dugo sa damit.


"A-akala ko ba pinatay ka na ni Topher?!"inis na singhal ng dalaga saka tinutukan ng baril ang binata. Napatingin naman ito sa sarili niya na mukhang naguguluhan din. Hindi rin makaimik sina Mikki at Steffi dahil nakikiramdam pa sila kung ano ang sunod na mangyayari.


"O-oo nga no? Sa totoo lang h-hindi ko alam kung bakit ako naka t-tayo, akala ko patay n-na rin ako eh.." kahit nasa bingit na sila ng kamatayan, umiral nanaman ang pagiging slow ng binata kaya napairap na lang si Steffi at napa-facepalm si Mikki. Natawa na lang si Xyrill dahil kahit saang sitwasyon malagay ang binata, katangahan ang pinapairal nito.


"Seriously Solomon?! Nasa bingit na tayo nang kamatayan pagka slow mo pa rin pinapairal mo!" nanggigigil na sigaw ni Mikki nab akas na ang pagkainis sa mukha. Nagpeace sign lang ito saka inangat sa ere ang itak at ipinatong sa kaliwang braso nito ang katawan ng itak na gawa sa kahoy.



"O-oo! You h-have to kill me first b-bago mo sila patayin!" matapang na sabi ng binata pero natawa lang si Xyrill nang makita ang panginginig ng magkabilaang tuhod nito dahil sa kaba. Unti unting naglakad papalapit sa kanya ang dalag akya naibaba na ng binata ang itak at umuurong.



Itinutok na sa kanya ang hawak nitong baril at balak na sana ni Xyrill patayin ang binata nang hindi pumutok ang baril. Ilang ulit niyang pinull ang trigger pero walang nangyayari. Chineck niya ang baril at bahagya siyang kinabahan dahil maaaring mag backfire ang lahat.


Walang bala! Nagpapanic na ito sa isipan niya pero hindi niya ipinapakita sa tatlo. Nang mapansin ni Solomon ang pagiba ng reaksyon ng mukha ni Xyrill ay bahagya niya itong nilapitan. "O-okay ka lang ba?" tanong nito sa dalaga na tinignan siya ng masama.


Itinulak niya ang binata papalayo dahil sa inis saka pinulot ang nabitawan nitong itak at inatake si Solomon. Tila nabalik sa realidad sina Mikki at Steffi kaya aga dnitong kinalagan ang kaibigan. Ininda na lang ng dalaga ang hapdi at sakit nang mga kamay, matanggal lang ang tali.


"T-tumakbo na kayo!" pilit na sigaw ni Solomon kahit nahihirapan na siya dahil nadambahan siya ni Xyrill at nakapatong ang tuhod nito sa sugat ni Solomon. Napapikit na lang siya sa sakit at pilit na ininda ang sakit saka pwersahang itinulak ang dalaga kaya naialis niya ito sa taas niya. Hindi niya magawang saktan ito dahil babae pa rin ito.


Tumayo na lang siya at pilit na tumakbo palabas kaya mas lalong nagalit si Xyrill. Tumayo siya at agad na pinulot ang itak saka tumakbo rin papalabas upang habulin muli ang mga ito.


High School TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon