Chapter 19 : mistakes

978 32 9
                                    

Chapter 19 : mistakes

 

 

 

Steffi’s POV

 

 

 

“A-anong nagawa ko s-sayo para gawin mo ito, T-topher?” hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na siya ang nasa likod ng mga patayan. Nakangisi lang siya sa akin habang nakatayo di kalayuan sa akin at pinaglalaruan ang isang maliitna kutsilyo na hawak niya. Nasa tabi pa rin ako ng katawan ni Kenji na nakahiga sa sahig at basing basa na dahil sa pinaghalong dugo at tubig ulan.

“Wala.” Simple niyang sagot na mas nagpa grabe nang nararamdaman kong galit. Wala akong nagawa sa kanya pero nakaya niyang traydurin ako at ang mga kaklase niya?! Nagawa niyang patayin ang mga kaklase namin para sa wala?! Ginagago niya ba ako?!

“Please topher…a-ano ba ang kasalanan namin?” napahagulgol na lang akong muli dahil sa sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko. Para akong pinapatay nang paulit-ulit dahil bukod sa nagawa akong traydurin ng isa kong kaklase, pinatay niya pa mismo sa harapan ko ang taong mahal ko.

Nagawa niyang patayin ang taong walang ibang ginawa kundi mahalin lahat ng tao sa paligid niya.

“Stop with the bullshits Topher! Hindi pwedeng wala dahil alam kong meron! Tell me! Ano ang nagawa namin para gawin mo sa amin ito?! Anong ginawa namin para saktan kami ng ganito?! Anong nagawa namin para traydurin mo kami ng ganito?! Sumagot ka!” hindi ko na napigilan ang sarili ko at agad na inilabas ang swiss knife na nasa bulsa ko at isinaksak ito sa sikmura niya. Pero agad ko rin itong nabitawan at agad na nagsisi dahil sa ginawa ako.

Dahil sa pagsaksak ko sa kanya….wala na rin akong pinagkaiba sa kanya.

 

 

 

Naalala ko dati ang isang quote na nabasa ko sa librong binabasa ko. To defeat a monster, you have to become a monster also. Pero sapat na ba ito na rason para pumatay? Sapat na ba na rason ang nasaktan ka kaya nagawa mo ring pumatay? I guess not.

Dahil hindi nito mababawasan ang sakit na nararamdaman ko. Kahit patayin ko pa siya ngayon, kahit ihulog ko pa siya mula sa rooftop o ipakulong, hindi pa rin mawawala ang sakit na nararamdaman ko ngayon sa puso ko dahil pinatay niya ang isa sa mga taong importante sa akin.

Ngunit nanigas na lang ako nang may isaksak siya bigla sa leeg ko. Napakatulis nito at ramdam ko ang biglang panlalambot nang mga tuhod ko kaya napaluhod na lang ako. Tila nawawalan na ako ng control sa sarili kong katawan at unti unting may humihigop sa enerhiya ko.

High School TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon