Chapter 5 : beginning of their end

1.1K 36 4
                                    

Chapter 5 : beginning of their end

Third person’s POV

 

 

     KINAUMAGAHAN ay maagang ginising lahat ng estudyante para maka kain ng almusal at maipakilala sa dalawa pang studyanteng makakasama rin nila sa Summer camp.  Inis na bumangon ang ilan sa kanila para makapaghanda habang ang iba naman ay cool lang na bumaba kahit nakapang tulog pa.

“Nasaan ang iba?” tanong sa kanila ng principal ngunit ni isa ay walang pumansin sa kanya. Napabuntong hininga na lang siya at naupo na para kumain. Naiintindihan niya naman ang mga studyante dahil kinuha niya ang kaligayahan ng mga ito.

Bumaba na rin ang iba at gaya ng kanina, hindi lang din pinansin ang principal. Tanging si Steffi lang, Anika at Solomon ang pumansin dito saka nagsipuntahan sa ususal nilang mga pwesto upang kumain na rin ng almusal.

“Students, ito pala sila Cyprus Villaverde at Mel Torrevalo ng 3-C. Makakasama niyo rin sila sa summer camp dahil sila ang rank 1 at rank 2 sa klase nila.” Pagsisimula ng principal nila. Tinignan lang nila saglit ang dalawang estudyante saka muling pinagpatuloy. Pero agad na nagulat si Yenna at Zeus nang makita si mel.

“What the fck are you doing here Melissa?!” nagulat sila dahil hindi nila inaasahang masasama ang half-sister nilang si Mel sa summer camp. Ok lang naman kay Zeus na may half sister sila dahil wala naman na silang magagawa kung mag-asawa muli ang dad nila pero si Yenna, kumukulo ang dugo niya sa kapatid.

“I’m also here for the Summer camp.” Kalmado niyang sabi habang naka-ngiti. Ito pa ang isa sa kinakainisan niya dahil kahit anong pang-aaway, pagmamaldita at pagmumura ang gawin niya sa kapatid sa labas, hindi ito nagagalit. Masyado itong mabait na kahit inaaway na siya ay wala siyang paki.

“I don’t fucking care. Umuwi ka na at naiirita ako sa pagmumukha mo.” Matigas na sabi ni Yenna kaya agad siyang sinuway ng nakakatandang kapatid.

“Yenna, watch your mouth. Hayaan mo na siya, Melissa. Dito ka sumabay sa akin.” Pagtawag ni Zeus sa kapatid kaya mas lalo lang nagalit si Yenna. Padabog nitong inilapag ang platong may laman pang pagkaian saka lumabas ng cafeteria para bumalik sa kanyang kwarto.

“hayaan mo na lang yon, alam mo namang mainitin lang talaga yun.” Kalmadong sabi ng binate sa kapatid saka nagpatuloy na sa pagkain. Ngumiti lang si Mel at agad na pinunasan ang nakawalang luha habang wala pang nakakakita. Kuryusidad naman agad ang napinta sa mga mukha nila Steffi, Xyrill at Mikki.

Steffi’s POV

High School TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon