Chapter 8 : a daughter's grief

1K 32 5
                                    

Chapter 8 : a daughter’s grief

 

 

 

Melissa’s POV

 

 

 

Umaga na pero halos lahat kami ay wala pa ring tulog dahil sa mga nangyari kagabi. Pinatawad ko na rin naman si ate Yenna kahit hindi siya humihingi ng tawad. Nag sorry na din ako sa kanya dahil sa nagawa kong pag sampal sa kanya.

“Bakit ka ba nag sorry sa kanya? Eh kasalanan niya?” bahagya akong nagulat sa sinabi sa akin ni kuya Topher. Ate at Kuya ang tawag ko sa kanilang lahat dahil 14 pa lang ako. Na accelerate lang ako kaya nasa third year na rin ako.

“Oo nga, dapat tinodo mo na ang pagsampal na ginawa mo kagabi para matauhan siya.” Dagdag pa ni Cyprus kaya inirapan ko na lang siya at umiwas na ng tingin. Napapagod at inaantok na ako pero hindi ko pa rin magawang makapag pahinga dahil sa kabang nararamdaman ko. Para kasing totoo yung nasa video na napanood namin kagabi.

“Sa tingin niyo, yung principal nga ba yon?” napatingin ako kay kay kuya Topher. Yung principal nga ba yon? Legit nga ba ang video na yon or prank lang? Gusto kong papaniwalain ang sarili ko na may nang j-joke lang sa amin upang manakot pero half of me is also telling me na totoo ang mga nangyayari.

“Okay na class, nag leave pala ng note ang principal na aalis muna siya to attend some business matters. Makakahinga na kayo ng maluwag at makakapag pahinga na. Wala munang class ngayon kaya have some rest.” Ma otoridad na sabi ni Sir Carlos kaya nakahinga kaming lahat ng maluwag. Tumayo na ako at balak na sanang umakyat para makapag pahinga na sa kwarto ko ng may lumapit sa akin.

“I’m sorry.” Nagulat ako ng makitang si ate Yenna ito at nakatayo siya sa harapan ko. “A-ano ate?” hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya. Inirapan niya ako saka tumalikod na at nagsimulang maglakad paalis.

“Forget it. Bakit kailangan kong magsorry? Ako ba ang nanira ng pamilya? Hindi kaya hinding hindi ako hihingi ng tawad sa anak sa labas na tulad mo.” Napayuko na lang ako at tinanggap ang masasakit na salita na sinabi ni ate Yenna. Tuluyan na siyang umalis kaya ako na lang din mag isa ang naiwan dito. Lahat sila ay naka alis na papuntang dorm. Bumuntong hininga ako saka hinayaan na lang na magsituluan ang luha ko total wala naman nang makakakita.

“Here.” Nagulat ako ng may naglahad ng panyo sa harap ko. Nagulat ako ng makita si kuya Topher ito. Pero mas nagulat ako ng bigla niya na lang akong hilahin at niyakap.

Xyrill’s POV

 

 

 

 

Inaantok na ako pero dahil sa nabalitaan ko, nawala ang antok ko---worse, parang nawala ang kaluluwa ko. Unti unti nang namumuo ang mga luha sa mata ko kaya hinayaan ko na lang itong magsituluan dahil hindi ko na kayang kimkimin ang sakit. Kanina nung tumawag si mama para sabihin ang balita, ayaw ko nung una maniwala dahil baka binabangungot lang ako pero nang sunod sunod na text na ang natanggap ko, doon na ako naniwala.

Tumakbo ako agad palabas ng kwarto at dumeretso sa likurang bahagi ng school. Ayoko. Ayoko pa ring maniwala na wala na si papa. Ayoko pa ring paniwalaan na wala na ang nag-iisang lalaking nagmamahal sa akin ng buong buo at nag iisang lalaking pinaka the best sa lahat.

Iniwan na ako ni papa….

 

 

 

 

Gusto kong pagsusuntukin ang dibdib ko upang mawala ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko pero ayaw pa ring mawala….hindi pa rin matanggal. Gusto ko nang mawala itong sakit para hindi na ako umiyak pero sadyang masakit lang talaga….masakit iwan ng isang papa.

”hindi ko alam kung ano ang nangyari pero sana makatulong to.”

 

 

 

 

Nagulat ako ng paglingon ko, nakita ko si Zeus na nakatayo lang at nakatitig sa akin. Napatingin ako sa inalok niya….isang itim na panyo. Agad koi tong kinuha at ipinunas sa mga luhang nakakawala sa luah ko pero leche naman eh, ayaw tumigil sa pagtulo. Nakakapagod umiyak at masaktan!

“S-salamat sa panyo, Z-zeus…” pilit ko nang pinipigilang maiyak dahil mahapdi na ang mata ko pero wala eh, patuloy lang sila sa pag-agos na mistulan na silang sirang gripo. Hindi ako sanay na transparent lalo na pag may ibang tao. Mas sanay akong ipinapakita sa lahat na malakas ako.

Pero hindi ko inakalang si Zeus pa ang makakakita sa akin.

“Iiyak mo lang yan, andito lang ako para damayan ka.” Nagulat ako sa sinabi niya sa akin. At mas nagulat ako ng napalitan ang kirot at sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko nang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko. Is this rarely normal?

Na masaktan at kiligin ka at the same time? Kasi kung hindi….magdadalawang isip na ako kung baliw ba ako o may sakit ako sa puso.

****

Chapter 8 posted.

VOTE & COMMENT. thank you! <333

High School TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon