Chapter 18 : weaklings

743 26 2
                                    

Chapter 18 : weaklings

 

 

 

Yenna’s POV

 

 

 

Tumigil ako sa pagtakbo at pilit na hinarap ang salaring humahabol sa akin. Kahit takot na takot ako, pinilit kong lakasan ang loob ko upang harapin siya. At hindi nga ako nagkakamali….sinasabi ko na nga ba. All this time siya lang pala nasa likuran ng lahat.

Siya lang pala ang may kasalanan kung bakit namatay ang kapatid ko.

 

”Oh bakit huminto ka? Bakit hindi mo ako atakihin?” sarcastic kong sabi sa kanya habang nakangisi at naka cross arms pa. I acted the way I act dahil total, bakit kailangan ko pang matakot? Nasa harap ko na ang kapatid ni Satanas, at papatayin niya na ako kaya wala na akong rason upang matakot pa.

“C’mon you bitch attack me. Patayin mo na rin ako gaya ng ginawa mo sa kapatid ko.” Matigas kong sabi sa kanya bago inihanda ang sarili ko ngunit narinig ko lang ang pagtawa niya saka hinubad ang maskara niya. Shit. Nagkamali ako. Hindi pala siya…..hindi si Mikki.

“I-ikaw?” humakbang siya papalapit sa akin at hindi ko inaasahang may bitbit siyang malaking itak. May may mga dugo pa ito at no one knows kung kanino niya ito unang ginamit. Pero hindi ako nagpatinag. Hindi ko ipinakitang natatakot ako.

Dahil sa kaduwagan ko….namatay ang kapatid ko.

“Leave her alone.” Napalingon ako sa nagsalita mula sa likuran ko at nagulat ako nang makita si Zeus. Matalim ang titig niya sa taong nasa harapan ko at kita ko ang galit sa mga mata niya. Unti-unti niya akong nilapitan at tumayo siya sa harapan ko.

“K-kuya..” unang beses ko siyang tinawag na kuya sa tanang buhay ko at nakakagaan rin pala nang pakiramdam. How unbelievable. Dahil sa sitwasyon namin ngayon, doon ko pa naisip na tawagin siyang kuya. Tama nga talaga ang sinasabi nila.

Nasa huli ang pagsisisi.

“So what now, you think you’re a heroine, Zeus?” natatawa niyang sabi saka inangat ang hawak niyang itak. At ngayon ko lang din naramdaman ang ganito katinding takot. All my life, ngayon ko lang maranasan ang mapunta sa ganitong sitwasyon at never ko inimagine na ang kaklase pa namin ang makakagawa nito sa amin.

”What have we ever done to you?” matigas na sabi ni Kuya at bahagya akong nagtaka nang mapalitan ng pain ang anger na nasa mga mata niya kanina lang habang tinititigan siya. Nakita ko rin ang sudden change of emotion sa mukha niya nang tanungin ito ni kuya.

“Walang personalan. Sadyang malaki lang talaga ang galit ko sa mga plastic.” Nakangiti niyang sabi saka tumakbo papunta sa amin kaya napapikit na lang ako. Pero nagtaka ako dahil wala man lang akong maramdamang nakasaksak o masakit sa katawan ko kaya napadilat na ako.

At tuluyan nang nagsibagsakan ang mga iniipon kong luha nang makita kong nakayakap na pala sa akin si kuya at may lumalabas na dugo mula sa bibig niya. Niyakap ko na lang din siya at pilit na inililipat sa akin ang bigat niya. Napaupo kami sa sahig dahil nanghihina na siya.

“K-kuya I’m sorry please don’t let go…I’m sorry kung naging masama akong kapatid, I’m sorry if-if I’m such a bitch…kuya wag mo akong iwan..” pagmamakaawa ko pero isang ngiti lang ang isinagot sa akin ni kuya saka pumikit na at tuluyang napahiga sa sahig. Napahagulgol na lang ako.

Ang sakit…..sana patayin niya na lang din ako.

Someone’s POV

 

 

 

Fuck. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit nak-konsensiya ako?! Why am I feeling this fucking guilt?! Ginusto ko to kaya dapat matuwa ako pero bakit hindi ko man lang magawang ngumiti at tumawa dahil nagtagumpay nanaman ako, dahil nakapatay nanaman ako.

What did we ever do to you?

 

 

 

Paulit ulit ang mga katagang binitawan niya sa akin habang naglalakad ako papalayo. Gusto kong takpan ang tenga ko para hindi na ito marinig pero paulit ulit pa rin ito sa isipan ko. Ayoko ng ganito, ayokong nagsisisi ako dahil sa mga ginawa ko.

Bakit hindi ako makaramdam ng tuwa? Bakit hindi ko maramdaman ang naramdaman ko nang pinatay ko ang principal namin? Bakit parang nagsisisi na ako kahitginusto ko namang mangyari ang lahat nang ito?

I have enough reasons para gawin ito pero hindi ko na maintiihan ang sarili ko. I am monster, I should not feel this.

But monsters do also have a heart.

 

 

 

Napailing na lang ako dahil sa mga naiisip ko. i'm not weak and i will never be one. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa taong dapat kong patayin at nasa harapan ngayon. Si Solomon.

****

Chapter 18 posted. 2-3 more chapters i guess.

VOTE & COMMENT. thank you! <3333

High School TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon