Chapter 16 : welcome to hell

754 28 9
                                    

Chapter 16 : welcome to hell

 

 

 

Third person’s POV

 

 

 

Nagising ang dalawang guro na parehong nakatali sa upuan at magkaharap. May isang lamesa sa gitna nila at meron itong iba’t ibang uri at laki ng mga kutsilyo. Mula sa dilim ay lumabas ang dalawang estudyanteng nakasuot ng payaso ng maskara. Pareho rin silang may hawak na kutsilyo at mukhang mas matalas pa ito kesa sa nasa lamesa.

“Good evening teachers.” Tila masaya pang bati ng dalawang estudyante. Hinila nila ang dalawang upuan at naupo sa harap ng dalawang guro na nagpupumiglas at hindi magawang makasigaw man lang ng malakas dahil sa mga busal na nasa bibig nila.

“Welcome to hell…” malamig na sabi ng lalaking estudyante na nagbigay kilabot sa dalawang guro kaya mas nilakasan nila ang pagpupumiglas kahit na humahapdi na ang ilang parte ng katawan nila dahil sa nilon na nakatali sa kanila. Dumidikit na rin ang balat nila kaya satuwing gumagalaw sila ay natutuklap na ang iba.

“Kung tatanungin niyo kami kung bakit nandito kayo? Simple, kailangan niyong mamatay. Wala naman kayong kasalanan sa amin. In fact, gusto pa nga naming magpasalamat dahil kundi dahil sa inyo wala kaming natututunan pero that doesn’t mean, hindi na namin kayo papatayin. Everyone dies at kami ang naantasan para kunin na ang mga buhay niyo.” Natatawang sabi naman ng babaeng salarin saka tumayo at lumapit kay Ms. Erin. Sinugatan niya ito sa kanang braso kaya naluha na lang ito dahil sa hapdi  dulot ng pagkakahiwa sa braso niya.

“You’ve been a good teacher to us pero I’m sorry you have to die…now.” Napalitan ng saya ang malamig na boses kanina ng lalaking salarin saka tumayo rin at agad na nilapitan ang lalaking guro upang sugatan ito sa pinsgi. Maliit lang pero malalim na sugat ang ibinigay nito kaya napasigaw ng impit ang guro.

“Now, to make this more exciting, bibigyan ko kayong dalawa ng test kaya tatanggalin na namin ang busal. If you got the correct answer, bubuhayin namin kayo pero if mali, sorry pero you have to straight to hell na.” sabi nang babaeng salarin saka sabay nilang tinanggal ang busal ng dalawang guro. Walang ginawa ang mga ito kundi humingi ng tulong at magsisigaw pero wala man lang makarinig sa kanila dahil bukod sa sound proof ang dingding ng faculty room, nasa kabilang building pa sila.

“Please…wag niyo naman kaming pahirapan ng ganito..” pagmamakaawa ng mga guro pero binalewala lang ito ng mga salarin. Sa halip ay lumapit na silang dalawa sa gitna at hinarap ang dalawang guro na bakas na ang takot sa mga mukha. Pinagpapawisan na rin sila at naghahalo na ang pawis nila sa kanilang mga dugo.

High School TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon