Chapter 17: Betrayals

816 24 5
                                    

Chapter 17: Betrayals

Third person’s POV

 

 

Takbuhan.

Yan ang nagaganap ngayon sa buong Seima International Boarding School at isabay mo pa ang malakas na ulan at kadiliman. Nagkahiwa-hiwalay ang mga natitirang studyante dahil sa biglaang paglabas ng dalawang salarin na nakasuot ng payasong maskara.

“Shit shit shit” hingal na hingal na si Dylan pero patuloy pa rin siya sa pagtakbo at pagliko sa bawat pasilyong nadadaanan niya ngunit patuloy lang siyang nasusundan ng salarin. Nang makaliko siya sa isang pasilyong puno ng mga classroom ay hindi na siya nagdalawang isip na pumasok dito at magtago agad.

Inilabas niya ang cellphone niya at sinubukang tumawag ng pulis ngunit nabigo siya dahil wala siyang mahagilap na signal. Napasuntok na lang siya sa pader at inilibot niya ang kanyang paningin. Tanging ang paghinga niya lang ang maririnig sa apat na sulok ng kwarto pero natigilan siya nang makarinig ng mga yabag ng paa sa labas.

Napatakip siya ng bibig at ipinikit ang mga mata saka isinuksok ang sarili sa sulok ng silid kung saan napakadilim. Dinig na dinig niya ang pagbukas ng pinto ng kinalalagyan niyang classroom kaya mas kinabahan siya at ramdam niya na ang unti-unting paglamon sa kanya ng takot.

Parang tumigil ang mundo niya nang maramdaman niya ang isang mahapding sensasyon sa sikmura niya. Napadilat siya at agad na naaninag ang pigura ng tao sa harapan niya. Ngunit napasigaw na lang siya nang maramdaman ang pag ikot ng matulis na bagay na nakasaksak sa kanya at tumatama na sa laman niya.

Nanghihina na siya at ramdam niya ang mas pagdiin ng kutsilyo sa kalamnan niya kaya naisandal niya na lang ang kanyang ulo sa balikat ng salarin na sumaksak sa kanya. Narinig niya pa ang pagtawa nito kaya napapikit na lang siya at yumakap dito.

Biglang hinablot ng salarin ang kutsilyo kaya nagsitalsikan sa kanya ang dugo ni Dylan. Mas napangiti lang ang salarin at muling pinagsasaksak ang kawawang kaklase. Hindi siya tumitigil hangga’t naririnig niya pa ang pagtibok ng puso nito.

Ngunit natigilan siya nang biglang may sabihin ang binata.

“M-mikki” naibulong nito bago tuluyang naputulan ng hininga at napahiga na lang sa sahig. Napaiwas siya ng tingin at pinagtatadyakan pa ang bangkay ng binata bago tuluyang lumabas ng silid at hinabol pa ang ibang kaklaseng tumatakbo upang makaligtas.

High School TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon