Chapter 13 : Truth hurts

817 28 5
                                    

Chapter 13 : Truth hurts

 

 

 

Steffi’s POV

 

 

 

Hindi ko alam kung nasaan na kami na parte ng school ni Kenji. Kasama na rin namin si Daniel at Anicka pero hindi pa rin namin nakakasalubong ang iba, lalo na sina Xyrill, Mikki, Erron, Dylan ang iba pa. Kinakabahan na ako dahil hanggang ngayon wala pa ring ilaw at hindi pa namin nakikita si Topher o kahit man lang ang ibang guro.

“Napapagod na ako, pwede magpahinga muna tayo?” hinihingal na sabi ni Daniel kaya napagpasyahan naming maupo muna sa hagdan di kalayuan sa amin. Doon ako napaisip. Ang sitwasyon namin ay parang isang palabas. Specifically, isang horror movie. Ilan na ang nawawala sa amin, may misteryosong boses kanina ang lumitaw, madilim at hindi kami makalabas ng school.

Ayoko mang isipin pero para talaga kaming nasa isang horror movie, ang ipinagkaiba, nasa realidad nga lang kami. Gusto ko na talagang malaman kung ano nga ba ang nangyayari pero mukhang hindi ngayon ang tamang oras para tuklasin kung ano nga ba talaga.

Bigla akong napahawak sa dibdib ko nang maramdaman kong parang niyuyukot ang puso ko. Umaatake nanaman siya.

“Steffi, anong nangyayari? Teka nakainom ka na ba ng gamot mo?” ngumiti lang ako ng tipid saka umiling kay Kenji at Daniel na nakakaalam ng sitwasyon ko. Bakas ang inis sa mukha ni Kenji habang bumuntong hininga lamang si Daniel. Napatingin sa akin si Anicka at bakas sa mukha niya ang pagtataka kaya sinabi ko na agad bago pa siya magtanong.

“May sakit ako sa puso. 3 years ago binigyan ako ng doctor ng gamot para kung sakaling umatake man ito, maiimbisan. Pero….weeks ago nang nagpa check up ako, binigyan niya na ng taning ang buhay ko. He said, the medicine are not working kaya nawalan na rin ako ng gana uminom. Besides, mamatay lang din naman ako.” Napansin ko ang pagrehistro ng galit sa mukha ni Kenji paglingon niya sa akin. For the first time, naramdaman ko ang kaba dahil sa kanya. Bigla niya akong hinawakan sa magkabilaan kong balikat at tinignan ng masama.

“Anong pinagsasabi mong mamamatay ka lang din naman? Akala ko ba lalaban ka para sa atin? Akala ko sabay tayong tatanda?! Eh bakit ngayon pa lang sumusuko ka na?! Ano ba Steffi?!” galit na galit na sigaw nito at napapapikit na ako sa sakit nang hawak niya sa balikat ko. Hindi ko na rin napigilang maiyak dahil sa sinabi niya.

“Anong gusto mong sabihin ko, na mabubuhay pa ako? Kenji pagod na rin akong lumaban. Mula pagkabata pa lang nilalabanan ko na ang sakit ko.” Kalamdo kong sabi kahit namimilipit na ako sa sakit dahil sa dibdib ko at dahil sa mahigpit na hawak sa akin ni Kenji. Nakatitig pa rin siya sa mga mata ko na para bang gusto niyang higupin ang buong pagkatao ko. Napaiwas na lang ako ng tingin saka hinayaan na ang mga luha ko. Wala nang mas sasakit pa na makita mong nasasaktan ang taong mahal mo dahil mismo sayo.

High School TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon