Chapter 21 : devil's advocate

472 17 9
                                    

Chapter 21 : devil's advocate



Yenna's POV



Palakad lakad lang ako sa dilim at wala na akong pake kung may mabangga man ako o wala. Pag nadadapa ako, tumatayo lang ako at nagpapatuloy sa paglakad. Para na rin akong walang buhay dahil sa ginagawa ko pero wala akong pake.


Bakit hindi niya pa ako pinatay? Anong nagawa ni Zeus sa kanya para patayin ito?


Mula pa dati, may gusto na sa kanya ang kuya ko kaya galit nag alit ako kay Zeus. Alam naman niyang never kaming magiging close nang babaitang yun pero pinupush niya pa rin ang nararamdaman niya. Pero sa tuwing susubukan niyang umamin, gumagawa ako ng paraan para hindi ito matuloy.


Inaaway ko siya para magalit siya sa akin at hindi na matuloy ang binabalak niya.


Hindi ko alam na may mas malaking rason pala kung bakit hindi ko siya gusto para sa kuya ko. Dahil isa siyang traydor. Hindi lang siya isang bitch kung hindi isa siyang mamatay tao....she's a monster. Hindi ko alam na ang isang katulad niya ay may tinatagong demonyo sa loob niya.


Hindi ko inakalang sa likod ng mala anghel niyang ngiti ay may isang demonyo palang nagtatago.


Muling nanumbalik ang galit na nararamdaman ko sa kanya kaya naiyukom ko ang mga kamay ko. Nanginginig ako dahil sa galit pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Ang huling sinabi ni kuya bago siya tuluyang maputulan ng hininga ay wag na wag ko siyang gagantihan.


Pero no, I can't ptomise him that. Dahil ngayon pa lang, pinapatay ko na siya sa isipan ko. Gustong gusto ko na siyang makita upang pagsasakalin o tadtarin ng saksak. Hindi pa ba sapat sa kanya na pinatay niya na ang half sister ko tapos ngayon pati kuya ko?! Bakit hindi niya pa ako pinatay?!


Humanda lang talaga siya pag nakita ko siya.


Pero hindi na ako nakapaglakad dahil agad akong napahiga sa sahig nang maramdaman ko ang malakas na paghataw sa ulo ko gamit ang isang matigas na bagay. Sumirko sirko ang paningin ko kaya hindi ko maaninag kung siya na ba ito or may kasamahan pa siya.


Pilit kong hinahanap ang demonyo pero isang hampas muli ang tuluyang nagpadilim sa paligid.


Third person's POV


Nagtagumpay ang dalawang salarin sa mga balak nila. Tanging apat na lang nga ang natira at napagsama sama na nila ito sa iisang lugar. Parehong mga nakatali at walang malay sina Mikki, Steffi, Yenna at Daniel. Hinubad na ni Xyrill ang suot niyang maskara saka niyakap ang pinsan niya.


"Salamat, topher." Nakangiti niyang sabi saka ibinulsa na muna ang hawak na kutsilyo. Palakad lakad lang silang dalawa habang hinihintay na magising ang mga natitira nilang kaklase. Unang nagising si Steffi pero hindi niya agad napansin ang tatlong kasama.


"Topher pakawalan mo ako dito!" singhal nito at agad na hinanap ang binata pero mas nagulat siya sa nakita niya. "X-Xyrill? Pakawalan mo ako dito please! Si Topher ang may gawa ng lahat!" nanginginig niyang sabi sa kaibigan ngunit isang ngisi lang ang isinagot nito saka lumapit na si Topher kaya mas lalong nagulat ang dalaga.

High School TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon