Chapter 6 : die or die

1K 37 4
                                    

Chapter 6 : die or die

 

 

Kenji’s POV

 

 

Kakatapos lang ng snack break namin at mag a-alas tres imedya na ng hapon. Naisipan kong lumabas muna ng cafeteria para magpahangin hangin ng mapansin ko di kalayuan sa kinatatayuan ko si Cyprus at Mel na parang may seryosong pinag uusapan. Napatingin sila sa gawi ko kaya kumaway lang ako. Kumaway din sila pero agad silang umalis.

Aba sa gwapong to winalk outan lang nila ako!

Hindi ko na lang yun pinansin at naglakad lakad muna. Napadaan ako sa isang lumang bodega ng school at parang may naririnig akong impit na iyak na nanggagaling sa loob. At dahil na curious ang kagwapuhan ko ay nilapitan koi to at sinubukang buksan ang pinto pero naka lock.

Idinikit ko na lang ang tenga ko sa pinto upang mas mapaklaro ang pagkarinig ko pero nawala naman na. Siguro pusa lang na nanganganak o dagang naipit. Hindi ko na lang yun ulit pinansin at naglakad lakad pa. Napansin kong naka double lock pala ang gate. Balak ko pa sanang bumili sa labas ng bulaklak para kay Steffi.

Sa bawat araw na dumaraan, mas nadadagdagan ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko alam kung kalian nagsimula pero isang araw nagising na lang ako, mahal ko na siya kaya hindi ako nagdalawang isip at agad siyang niligawan. Matapos ang anim na buwan ay sinagot niya ako kaya tuwang tuwa ako. Buti na lang napigilan ko ang sarili ko at baka nahalikan ko na siya nun.

At ramdam ko rin na may gusto sa akin si Yenna kaya galit siya kay Steffi. Pero hindi ko rin siya masisisi, ang gwapo ko kasi eh. Pero real talk, hindi ko na masisisi si Yenna pero hinihiling ko na sana hayaan niya na kami ni Steffi na sumaya. Sana wala na siyang gawin para masira kaming dalawa.

Kilalang kilala ko si Yenna kaya alam ko kung ano ang mga kaya niyang gawin. Lahat ng gusto niya, nakukuha niya o di kaya ay naaagaw kaya natatakot ako para sa relasyon naming dalawa ni Steffi. Baka kung ano ang gawin o sabihin niya para mapag hiwalay kaming dalawa.

Pero ngayon alam ko nang hindi ako dapat matakot. Dahil alam kong lalaban din si Steffi para sa akin. Lalaban kami para sa aming dalawa. If we have to kill just to be free, gagawin naming dalawa para lang walang makasagabal sa pagmamahalan naming dalawa.

Kung kailangan kong pumatay, gagawin ko maprotektahan ko lang ang taong mahal ko.

Someone’s POV

 

High School TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon