Chapter 11 : fear the dark

812 27 6
                                    

Chapter 11 : fear the dark

 

 

Yenna’s POV

 

 

Bakit ba ako sasama sa paghahanap sa kanila eh hindi ko naman sila kaibigan? Kesa sa ma stress ang beauty ko lalo pa’t ang init init, minabuti kong magpahinga na lang dito sa taas sa kwarto ko para hindi ko na sila makita. So what kung nawawala si Topher? Ano siya batang ligaw? Bigla biglang nawawala?

At kala ba nila hindi ko alam na plinano nilang lahat ng ito? They want to scare the shit out of me? Well news flash bitch, I don’t fucking ccare and I won’t give a damn unless someone dies. Pero what am I thinking? Sino naman ang mamamatay aeh grabe ang security sa school nito? Tsaka wala ako sa horror movie, nasa reality ako so I should stop thinking bullshits.

Nahiga na lang ako sa kama at ipinikit ang aking mga mata pero kahit anong gawin ko, hindi pa rin ako makatulog. This shitty small part of my heart is bugging me. It keeps on pushing me to help Steffi and the others to search for Topher. Minsan nakakainis talaga ang konsensiya eh.

Inis akong bumangon at tumayo mula sa pagkakaupo ko sa kama. Itinali ko ang buhok ko saka binuksan ang pinto at lumabas na. Pero bago tuluyang makalabas ay kinuha ko muna ng pink kong flashlight sa sidetable saka isinarado na ang pinto at naglakad sa corridors.

Palinga linga lang ako kasi baka makita ko si Topher kung saan man pero wala talaga. Dinig pa dito sa kinaroroonan ko ang mga pagsigaw nila ng pangalan ni Topher pero wapakels ako. Bakit pa ako sisigaw eh makikita rin naman namin siya? Tsaka as if maririnig niya kami, naka earphones siya.

Pero hindi ba prank lang nila ito? Bakit pati sila kinakabahan at hinahanap si Topher? Hindi kaya their prank gone wrong at ngayon nawawala na ang classmate namin? Malaman ko lang talaga na pinagloloko nila ako, iisa-isahin ko silang pagsasaksakin.

Naisipan ko na lang na ilabas ang cellphone ko at mag facebook total naka plan naman ako. Patuloy lang ako sa paglalakad nang may maapakan akong basa. At nang saktong mamatay ang ilaw ng flashlight ko ay no choice ako kundi gamitin ang ilaw na nanggagaling sa cellphone ko. Pero nakaramdam ako ng todong kaba nang makita ang pulang likido…..dugo.

Maglalakad na sana ako paurong nang madulas ako kaya napaupo ako. At tuluyan na akong napasigaw nang mahawakan ko ang dugong nagkalat sa sahig. Inilawan ko ang paligid ko at nakita kong nanggagaling ang dugo mula sa loob ng lumang bodega.

High School TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon