Chapter 2 : chaos

1.6K 44 3
                                    

Chapter 2 : chaos

Mikki’s POV

 

 

   HINDI KO MAIWASANG maramdaman ang inggit sa tuwing nakikita ko ang ka sweetan ni Steffi at Kenji. Nakakayamot lang kasi, buti pa ang top notcher ng klase namin at ang best friend ko ay may lumalaganap na love life samantalang ako, dyosa ng kagandahan, ay wala nito.

  Napa-pout ako at that mere thought. Ito ring si Xyrill, pakiramdam ko talaga may tinatago sa akin tong isang to eh. Minsan blooming siya pag pumapasok, tapos pag may binabasa sa text laging humahagikhik sa kilig. Minsan nakaka ewan talaga ang mga kaibigan at classmates ko, buti na lang talaga ang ganda ko.

   Ngunit natigilan ang lahat dahil sa sigawang naririnig sa labas ng classroom. Nung una, nagtaka pa ako pero nang maalala ko ang dalawa kong kaklase na hindi mabubuhay ng hindi nagsisigawan, napabuntong hininga na lang ako. Nung pumasok sila, tama nga na ang kambal naming kaklase ang nag-aaway nanaman.

Si Yenna at Zeus.

 “here comes the chaos twins” mahinang bulong ni Xyrill na nasa tabi ko. Napatingin kami sa kanilang dalawa. Hindi mo masasabing hindi sila magkapatid dahil may iilang anggulo sila na makikita mong kambal talaga sila. Pero dahil sa ipinapakita nilang halos isumpa na nila ang isa’t isa, magdadalawang-isip ka rin minsan kung magkapatid ba talaga silang dalawa.

“Sinabi nang ayoko nga Yenna eh! Ganyan na ba katigas ang tutuli mo at hindi mo marinig ang sinasabi ko?!” matigas at bakas ang inis sa mukha ni Zeus habang sinisigawan ang kapatid. Hindi rin nagpatalo ang kapatid niyang babae at sumigaw rin ito.

“It’s not my fault, Zeus! Si dad ang nag-utos kaya wala kang choice kundi gawin ito!” sigaw niya pabalik sa kakambal kaya sa sobra na rin sigurong pagkainis, ay naupo na sa likod namin si Zeus at hindi na pinansin ang kapatid na patuloy sa pagr-rant. Hindi na lang din naman siya pinansin at itinuon na ang pansin sa tatlong bugok na pumasok.

“Dude!” sabay na sabi nina Erron at Daniel kay Kenji sabay brofist samantalang ang pinsan naman ni Xyrill na si Topher ay dere-deretso lang sa paglalakad at agad na naupo sa tabi ni Zeus sa likuran namin. Lumipat na rin si Steffi sa tabi namin ni Xy dahil siguro ay may pag-uusapan nanaman ang mga lalaki.

“Xy, ano ba nangyari kay Topher at ganyan na siya ngayon? Hindi pa naman siya dati ganyan ah?” curious na tanong ni Steffi kaya kahit ako ay napatingin na din kay Xyrill. Oo nga naman, tatlong taon na kaming magkakaibigan pero ngayon ko lang nakitang nagkakaganyan si Topher. Para siyang may pinagdaraanan na napakabigat. Para siyang….broken.

“Hindi ko nga rin alam eh. Pag tinatanong naman siya ni mommy kung ano ang problema, hindi siya sumasagot.” Napalingon kaming tatlo kay Topher pero mukhang wala siyang pakialam kung pinag-uusapan ba namin siya. Sa halip ay pumikit lang siya at isinuot sa magkabilaang tenga ang earphones.

Hinayaan na lang din namin siya at nagsimula nang manahimik.

Xyrill’s POV

 

 

 

   Hindi ko rin maintindihan kung bakit nagkaganyan na si Topher. Dahil ba sa mga nalaman niya? Napailing na lang ako at sinigurado ko ang sarili ko na hindi magkakaganyan si Topher dahil sa nalaman niya. Naaawa rin naman ako sa pinsan ko. Hindi ko inakalang siya ang makakatuklas nang katotohanan.

   Napabuntong hininga na lang ako saka naisipang magbasa na lang ng libro habang hinihintay naming dumating ang teacher namin. Baka kasi may announcements pa bago simulan ang pirmahan ng clearance kaya nagsipasukan pa rin kaming lahat.

   Ilang minuto na ang nakakaraan ng maramdaman ko ang pananahimik ng buong klase. Unti-unti kong inangat ang paningin ko at tama nga ang hinala ko, nasa harapan na namin ang teacher namin kaya itinago ko na ang libro na binabasa ko.

“hindi ka ba na w-weirduhan sa binabasa mo?” nagtaka ako sa biglaang pagtanong ni Mikki. Tinignan ko lang siya saka ngumiti at umiling. Pabiro niya akong inirapan kaya natawa na lang ako saka tumingin na sa teacher namin sa harap.

“Good morning class! This is your last day sa school being third year students and I hope na ie-enjoy niyo ang summer break niyo.” Nakangiting sabi sa amin ng teacher kaya napairap ako. Syempre naman no! At ano naman ang rason para hindi namin ienjoy ang summer namin eh yun na nga lang ang time na makakabalik kami sa mga pamilya namin at makapag bonding eh.

“But, I’m so sorry to tell you pero magkakaroon ng twelve students na kailangang magpaiwan para sa Summer camp ng school this year.” Bigla akong kinabahan dahil sa sinabi ng guro namin. Bumilis ang tibok ng puso ko at naramdaman ko ang pagpapawis ng noo ko. Jeskelerd! Sana naman hindi ako mapasama sa twelve students na yon! Mage-enjoy pa ako ng summer! Huhu

“Miss! Para saan po ang Summer camp?” tanong ni Solomon, ang class secretary at class clown na rin. Bukod kasi sa mukha siyang clown, ay siya lang ang nakakapag patawa sa amin ng bonggang-bongga without exerting such effort. Konting galaw niya lang o kaya salita, matatawa ka na talaga.

“Duh! Siyempre para advance study!” nagsitawanan kaming lahat ng sagutin siya ng pabalang ng isa naming kaklase. Clumsy at medyo katangahan si Solomon kaya naging class clown siya. Kumunot naman ang noo niya saka umiling na lang at ngumiti rin.

“Sino-sino po ang mga magpapaiwan?” tanong ni Anika, ang class president. Natahimik agad ang lahat at napatingin sa guro namin na para bang nagpapa suspense pa.

“Ang top twelve ng klase.” Napanga-nga na lang ako. WHAT?!

****


Chapter 2 reposted. (04/08/2015)

VOTE & COMMENT. thank you! <3333

High School TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon