Chapter 12 : sisterhood

886 25 3
                                    

Chapter 12 : sisterhood

 

 

 

Third person’s POV

 

 

 

Parehong nakatali ang magkapatid na sina Yenna at Melissa sa loob ng lumang bodega kasama ang naagnas na bangkay ng principal nila. Naunang magising si Yenna at agad na rumehistro sa katawan niya ang takot nang makita hindi lamang ang bangkay na kasama nila kundi pati ang half sister niya sa iisang kwarto at nakatali sa harapan niya.

Balak niya na sanang tumayo nang maramdaman ang mahigpit na kadena na nakapulupot sa mga kamay niya. Pilit siyang nagpupumiglas upang makalas sana ang kadena pero hindi man lang ito natatanggal. At dahil wala naman siyang busal sa bibig ay nagawa niyang sumigaw.

“Hoy Melissa gumising ka!”

 

 

 

Singhal nito sa kapatid pero sa kaloob-looban niya ay natatakot na rin siya hindi lang para sa sarili niya kundi para sa kalagayan nilang dalawa nang half-sister niya. Gaya nga ng sinabi niya, may puso pa rin siya at kahit anong galit ang itanim niya, mawawala at mawawala din ito.

Hindi nagtagal ay nagising na din ang kapatid niya at agad itong napaiyak dahil sa takot. Napairap na lang si Yenna dahil pinangungunahan nanaman ito ng takot. Sakto ring lumabas ang salarin na nakasuot nan g payasong maskara at nagpakita sa dalawa.

“Who the fuck are you?! Pakawalan mo kami dito!” inis at matapang na singhal ni Yenna kahit sa kaloob looban niya ay halos maiyak na siya dahil sa takot. Mas pinili niyang magpaka tatag para sa kanya at para sa kapatid niya.

“Hahahaha!Akala mo sa akin tanga na papakawalan kayo? Pinaghirapan ko kayong kunin tapos papakawalan ko lang kayo? Fuck you.” Matigas na sabi ng salarin saka nilapitan si Yenna at malakas na sinampal ito. Napasinghap ang dalaga kaya mas naiyak si Melissa habang nagpupumiglas.

“Wag mo sasaktan ang ate ko!”

 

 

 

“Shut up Melissa! Let me fucking handle this!”

 

 

 

Gusto nang matawa ng salarin dahil mukhang dahil sa ginawa niyang pagsama sa dalawa, tila naging close ito bigla. Si Melissa naman ang sunod niyang nilapitan at marahas sa sinabunutan ito kaya napatili sa sakit ang dalaga. Mas nagalit lang si Yenna dahil sa ginawa ng salarin.

High School TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon