Epilogue

622 23 5
                                    

Nakangiting nagmamaneho si Steffi dahil ngayon ang araw ng kanyang kaarawan. Hindi niya mapigilan ang sariling maging masaya lalo pa't ramdam na ramdam niya na may sorpresa ang kanyang mga kaibigan.

Tanaw na niya ang kanilang bahay at natawa siya nang makitang ito ay madilim. Sa loob loob niya ay halos pumutok na siya sa tuwa at ligaya dahil mag-iisang taon na rin magmula nang mangyari ang massacre at lahat sila ay nakapag move on na.

pero lahat nga ba?

Ipinark niya na ang kanyang sasakyan sa garahe ng bahay nila at agad na nilock ang kanyang sasakyan. Bumuntong hininga muna siya saka muling ngumiti bago naglalakad papunta sa direksyon ng pinto ng kanilang bahay.

Pagkahawak niya sa door knob ay bahagya siyang nagtaka nang nakabukas ito. Hindi niya na lang ito pinansin dahil baka nakalimutan lang ng mga kaibigan niya kaya dere-deretso lang siya sa pagbukas ng kanilang bahay hanggang sa pagbukas niya ng ilaw ay nasorpresa nga siya.

Nakahandusay sa sahig si Solomon at Mikki habang naliligo sa kani-kanilang sariling dugo habang nakasabit naman patiwarik ang kanyang mga magulang. Ang HAPPY BIRTHDAY na nakadikit sa dingding ay natalsikan ng napakaraming dugo kaya napasigaw na lang si Steffi at napaluha.

Nilamon na siya ng takot ng biglang lumitaw mula sa labas si Xyrill na punong puno ng dugo ang damit at ang hawak na may kalakihang kutsilyo. Iyak na lang siya ng iyak habang naglalakad ang dalaga papalapit sa kanya. 

"Happy birthday Steffi" nakangising bati ni Xyrill bago sinaksak ng tatlong beses si Steffi sa ulo. Agad na nagsitalsikan ang dugo sa buong katawan niya kaya natawa na lang siya at muli itong pinaulanan ng napakaraming saksak.

Bumulagta ang walang buhay na katawan ni Steffi sa sahig kasabay nang pagbitaw ni Xyrill sa kutsilyo. Dinig na dinig sa apat na sulok ng bahay ang mala demonyong tawa ng dalaga nang saktong dumating ang mga pulis at pinagbabaril siya. 

Bumulagta rin siya sa sahig ngunit hindi mawawala ang mala demonyong ngisi sa kanyang labi.

----

"Oh steffi! Anong nangyari sayo? bakit ka naliligo sa sarili mong pawis?" Napahawak sa kanyang dibdib ang dalaga habang hinahabol ang kanyang hininga nang mapaupo mula sa pgkakahiga.

isa nanamang masamang panaginip tungkol sa nakaraan. Sabi niya sa kanyang isipan. Napatingin siya sa kanyang paligid at nakita niya si Mikki at si Athena na nakatitig sa kanya at bakas ang pag aalala sa mukha.

Hindi man magawang totohanin ay ngumiti na lang ang dalaga kahit peke sa mga kasama niya sa kwarto. Isang taon na makalipas ang nakakagimbal na pangyayari pero hanggang ngayon sariwa pa rin sa isipan niya ang naganap na trayduran at patayan.

Ilang buwan na lang, ga-graduate na sila at tutungtong na sa kolehiyo kaya naisip ni Steffi na kailangan niya nang talikuran ang nakaraan at mamuhay sa kasalukuyan.

Pero, makakayanan nya nga kayang mamuhay sa kasalukuyan kung patuloy siyang hahabulin ng  nakaraan?

-----------------------------------------------------X.

END OF BOOK ONE.
thank you and God bless! :)

High School TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon