Chapter 7 : Nightmare begins

999 34 8
                                    

Chapter 7 : Nightmare begins

 

 

Steffi’s POV

 

 

Kakatapos lang namin kanina mag dinner pero bumalik din kami agad sa classroom at nagresume ang class para maaga kaming matapos. Napag usapan na kasi namin ni Sir Carlos, ang Social Studies at Flipino teacher namin na hanggang 9 na lang muna kami ngayon dahil hindi pa kami handa magpa umaga sa pag-aaral.

Buti na lang pumayag si sir kalbo, hahaha.

Habang nagtutruro siya ay ginagamit niya ang Television upang mas maipakita kung ano ang mga nangyari dati. History ang pinag uusapan namin ngayon at kani-kanina lang ay nagdebate pa kung ano ba ang mas masahol. Hapon o mga amerikano. Sa huli ay pinatigil na kami ni sir dahil siguro naiingayan na.


“So class, ngayon napatunayan na natin na mas grabeng pagpapahirap ang ginawa ng mga hapon sa mga Pinoy dati.” Nagsisang ayon na lang kaming lahat para hindi na mauwi sa debate at dahil na rin siguro ay ang iba sa amin ay inaantok na. Ako kasi lalo na si Xy at Mikki ay parang mga baboy. Pagkatapos kumain, inaantok kaya matutulog na kami.


Ngunit isang tili ang nakapag pagising sa diwa ko kaya napatingin agad ako sa harapan. Natahimik ang lahat at kahit si Sir Carlos ay natigil sa pagtuturo at nanonood sa palabas sa television. Hindi ko alam kung nananaginip na ba ako o totoong pinapahirapan ang principal namin.


Napalingon kami ng biglang pumasok si Ms. Erin at balak na sanang magtanong kung bakit ng may tumili ng mapukaw rin ang atensyon niya ng palabas. Walang ni isa ang umiimik at lahat ay tutok na tutok ng biglang may ipinasok ang salarin sa bibig ng principal namin.

 

”Stop the video!” napasigaw na ako dahil nakakadiri. Isang basong puno ng blade ang pilit isinusuksok ng salarin sa bibig ng principal namin tsaka hindi ko alam kung totoo ba ito o isang fake na palabas lang pero natatakot na ako.


Aaminin ko, horror maniac ako pero hindi ko inaasahang sobrang katatakutan na tong nasa harapan ko. Kakaiba ito eh, napaka realistic na mararamdaman mo talaga ang sakit na nararamdaman nang pinapahirapan at hindi ko alam kung principal ba namin talaga ito o kamukha lang.


“Who play that fucking video?! Stop it!” sigaw rin ni Yenna pero parang mga bato kaming lahat na walang ni isang tumatayo upang patayin ang television. Connected ang lahat ng television sa classroom at nasa isang monitor lang ito sa loob ng faculty room pero dipende kung sasaksakan mo ito ng usb. At ngayon hindi ko alam kung saan nga ba ito nanggagaling, sa main computer or sa usb ni Sir Carlos?


“S-sir, part ba yan n-ng lesson natin? Yung h-hapon din ba ang s-salarin dyan?” napaka inosente ni Solomon to the point na hindi niya alam na totoo na ang nasa harapan namin. Gusto kong mapa facepalm na lang at matawa pero nasa ganitong sitwasyon kami kaya hindi ko magawa.


“Sir l-legit ba ang video n-na yan?”

 

“Sir asan po ba ang principal?” dun na kaming lahat natauhan dahil sa itinanong ni Anicka. Napatayo na kaming lahat at unti unting nagsisipuntahan sa harap siguro dahil na rin sa takot at kabang nararamdaman namin. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ako kung kabahan, na para bang may hindi magandang mangyayari.


“Ako na maghahanap ng principal.” Kabadong sabi ni Ms.Erin at balak na sanang lumabas ng hawakan ni Sir Carlos ng braso niya at hinila pabalik. “Ako na. Ako ang lalaki at ako ang mas matanda kaya ako na ang lalabas upang hanapin ang principal.” Bigla na lang lumabas si Sir Carlos kaya naiwan kaming labing apat dito kasama si Ms. Erin. Naisipan ko nang itext sana si mama upang humingi ng tulong ng biglang ma lowbat ang cellphone ko.


Saktong may nag ring na cellphone kaya napatingin kaming lahat. Kay Melissang cellphone nanggagaling ang tunog kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Tinignan niya ang cellphone niya at napabuntong hininga siya.


“Hello Jc, babe?” nagulantang kaming lahat dahil sa sinabi ni Melissa. Napatingin ako agad kay Yenna at nagpupuyos nanaman siya sag alit. Nakayukom na ang mga kamay niya at bakas sa mata niya ang galit na nararamdaman niya.



“nasa ganitong sitwasyon na nga tayo, naisipan mo pang lumandi?” bakas ang sarcasm sa boses niya kaya natigil si Melissa sa pagkausap siguro sa boyfriend niya sa kabilang linya. Hinarap niya ito at bahagya akong nagulat nang makita kong bakas ang inis sa mga mata niya.


“Hindi ako lumalandi. Kasalanan ko ba kung tumawag ang boyfriend ko?” base sa tono ng pananalita niya, para na siyang napupunong bulkan na malapit nang mapuno. Nilapitan na siya ni Zeus at hinawakan sa magkabilaang balikat para pakalmahin pero tinanggal niya lang ito.


“Kung sa bagay, nagmana ka sa nanay mong malandi.” Ngunit mas ikinagulat ng lahat ang sunod na ginawa ni Melissa. Bigla niyang sinampal si Yenna kaya napasinghap kaming lahat. Kahit si Zeus nagulat rin siguro dahil sa inasta ng half sister niya.


“Insultuhin mo ako okay lang! Awayin, tarayin o murahin mo ako  okay lang! Pero oras na idamay mo ang pangalan ng nanay ko hindi ako magdadalawang oras na patayin ka!” sinugod niya ng walang pag  aalinlangan si Yenna kaya napasigaw kaming lahat. Kami, umaawat habang si Xy at Mikki naman ay pinupush pa na iuntog raw ni Melissa si Yenna sa sahig. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang kaming umabot sa ganitong sitwasyon. Ang gulo na. Idagdag mo pa ang videong napanood namin kani-kanina lang.


”Students! S-stop fighting! Wala kayong makukuha sa pag-aaway! Ano ba!” sigaw na rin ng sigaw si Ms. Erin upang mapigilan ang nagu-umusbong na away ng biglang bumukas ang pinto at humampas ito ng pagkalakas lakas sa dingding kaya napatigil ang lahat at napatingin sa dumating.


“C-class, nawawala ang principal.” Shit

****

Chapter 7 posted.

VOTE & COMMENT. thank you! <3333

High School TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon