Chapter 10 : game of death

1.1K 30 7
                                    

Chapter 10 : game of death

 

 

 

Anicka’s POV

 

 

 

Napabuntong hininga na lang ako ng biglang mamatay ang mga ilaw. Wala na akong nagawa kundi bumaba na lang din bitbit ang isa kong flashlight na itinago sa cabinet ko saka lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan para pumunta sa cafeteria.

Pero nasa corridors pa lang ako nang may biglang magsalita sa speakers. “Good evening, classmates.” Bahagya akong napatigil at agad na napahawak sa dibdib ko nang maramdaman ko ang mabilis na kalbog nito. Parang may nagkakarera sa ribcage ko.

“Ganda ng gabi no? Napakadilim….saktong ang sarap pumatay.” Napatakbo na ako papasok ng cafeteria dahil sa takot na nararamdaman ko. Agad kong pinadaan ng ilaw ang buong cafeteria at kumpleto naman kam---asan si Topher?

“Xyrill, ang p-pinsan mo asan?” utal kong tanong habang nakatingin sa kanya. Ipinadaan niya ang tingin niya sa palibot saka nakapinta ang pagtataka sa mukha niya kaya mas nadagdagan ang kabang nararamdaman ko. Ako ang class president kaya dapat lahat, organisado.

“hahanapin ko lang siya at baka nasa taas siya natutulog.” Lalabas pa lang ako sana nang muling magsalita ang kung sino mang nasa likod ng mala demonyong boses na nanggagaling sa speakers na nakapalibot sa buong cafeteria.

“Hahanapin mo si Topher, sigurado ka bang makikita mo siya?” at saka tumawa ang estrangherong may mala demonyong boses. Ramdam ko na ang kabang unti-unting bumabalot sa akin pero nilalakasan ko lang ang loob ko upang hindi magpatinag sa kung sino pang pilit na nananakot sa amin.

“Paano kung sabihin ko na nasa bingit ng kamatayan ang kaklase niyo?” muli nitong sabi bago tumawa.

“NO! Asan ang pinsan ko?! Anong ginawa mo sa kanya?!” singhal ni Xyrill saka napatayo na. Hinawakan siya ni Zeus sa magkabilaang braso upang pakalmahin pero hindi siya nagpatinag. Inalis niya ang pagkakahawak sa kanya saka lumapit sa speakers.

Ngunit biglang tumunog ang isang nakakabinging static ng microphone kaya napatakip kaming lahat ng tenga dahil ang sakit nito sa tenga. Saktong bumukas ang isang television kaya bahagya akong nagtaka. Nasa control room sigurado ang salarin. Sabi ko na lang sa isipan ko.

High School TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon