Chapter 5| He's Mother

408 190 5
                                    

|TEMPORARY MADNESS|

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐈𝐕𝐄


Labis na lamang ang pangangatog ng aking mga tuhod habang nahihiyang kaharap ang ina ni Adron. Ang sabi niya saakin ay tiyak na magugustuhan ako nito ngunit parang mali ata sya doon, dahil habang kaharap ko ito ngayon ay iba ang tingin na iginagawad nito sa akin.

Nakataas ang perpekto nitong mga kilay habang pinagmamasdan ako halata sa magandang mukha nito ang labis na pagtataka. Nakakunot pa ang kanyang noo na parang naguguluhan sa akin at sa anak niya. Ang asawa naman nito na ama ni Adron ay malaki ang ngiti ng pinakiala ako ni Adron na girlfriend niya.

Pagkatapos ng kaganapan sa penthouse ni Adron ay nagulat ako ng bigla na lamang siyang tumayo at sinabing maligo at magbihis ako ng pormal dahil dadalo kami sa wedding anniversary ng mga magulang niya at ngayon nga ay kaharap ko ang mga ito.

"Nice to finally meet you hija," nakangiting aniya ng Ama ni Adron na nagpakunot sa aking noo.

Finally? kung ganon ay nabanggit na pala ako ni Adron sa mga ito?

Ngunit sa halip na isipin pa iyun ng mas malalim ay iwinaglit ko na lamang iyun sa aking isipan at magalang na nginitian ang Ama ni Adron. Ngumiti na rin ako sa Ina nya ngunit wala akong nakuhang tugon mula dito. Sa halip ay binalingan niya ng tingin ang kanyang Magama.

"The two of you, leave, and give us a moment. I want to talk to her, alone."

Kinabahan ako ng marinig ko iyun ngunit nanatili akong nakatayo at hindi pinahalata ang labis na kaba sa mga oras na iyun.

Nagaalalang tingin ang ipinukol sa aking ni Adron halatang hindi sang-ayon sa sinabi ng ina. Napansin niya rin siguro na hindi maganda ang templa nito sa akin.

"But Mom-"

"I said leave!" Kalmado ngunit mariin ang pagkakasabi niyun ng kanyang ina kaya naman kahit halatang napipilitan ay sumunod na lamang ito.

"Let's go, son." aniya ng kanyang Ama na tinapik pa ang braso niya bago nagpatiuna ng umalis. Tumingin muna sya sa akin kaya nginitian ko sya ipinapahiwatig sa kanyang okay lang ako. Kahit ang tutuoy kanina pa ako naduduwal sa nerbyus.

Katahimikan ang namayani saaming dalawa ng tuluyan ng mawala sa paningin amin ang mag Ama. Hanggang sa basagin nito iyun.

"Ano ka nga ba talaga sa buhay ng anak ko?" umpisa nito habang ang mga mata ay nakatanaw sa kabuoan ng malawak na harden.

"Hindi pa ako ulyanin upang hindi mapansin ang pagkakaroon niya kaagad ng kasintahan. Kung kaya't kailan lang noong pinagsabihan ko syang magseryuso na sa pakikipag relasyon, at itigil na ang pangkakama ng kong sino-sinong babae."

Hindi ko alam ngunit parang tinutusok ng napakaraming karayom ang aking dibdib sa panghuling sinabi nito. Hindi naman lingid sa aking kaalaman na marami talagang babae si Adron, ngunit ang marinig iyun mismo sa kanyang ina ay nakakapanghina sa hindi malamang dahilan.

"Ngayon, Gusto kong sabihin mo sa'kin kong isa karin sa mga babaeng iyun o' totoo talagang magkasintahan kayo ng anak ko at minamahal ninyo ang isat-isa."

Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang salitang 'Mahal' hindi naman namin mahal ang isat-isa at mas lalong hindi ako isa sa mga babae niya.

Humarap ito at seryuso akong tinitigan. Hindi ko alam kong ano ang itutugon sa kanya, kaya naman nanatili akong tahimik habang ramdam ko ang matiim nyang titig.

Natahimik muli kami sa nagdaang minuto hanggang sa naisipan ko ng magsalita at wag ng manahimik.

"Wala po ako sa dalawang 'yon." Kahit labis na ang tahip ng aking dibdib ay nagawa ko paring maisaboses iyun ng hindi pumipiyok. Na pabor naman sa akin dahil sa mga oras na ito, ayaw kong makitaan ng kahit anong kaba. Lalo na dahil kaharap ko ang Ina ni Adron.

Mas mabuti narin sigurong sabihin ko ang totoo, para kapag tapos na ang lahat ng ito wala na kaming makukuha pang negatibong reaksyon mula sa kanyang ina.

"And you're trying to say that?" patanong na aniya nito halata sa magandang mukha ang kaguluhan.

"Hindi po ako totoong girlfriend ng anak ninyo at mas lalo namang hindi ako isa sa mga babae niya. Isa lang po akong ordinaryong babae na sinagip ng anak ninyo sa kamatayan. Kaya naman bilang kabayaran sa pagsagip niya saakin ay pumayag akong magpanggap na girlfriend niya."

"At bakit niya naman iyun naisipang gawin? Ang pagpanggapin kang kasintahan niya?" kaagad na tanong nito mas kumunot pa ang noo. Halatang mas naguluhan pa sa pagkakataong ito.

"Nagbabaka sakali po syang kapag nagpangap sya na may girlfriend ng maipapakilala sa inyo, lalo na po sayo. Umaasa po syang ititigil mo na ang pang pre-pressure sa kanya kay Forsha na hindi niya naman daw po, type." Napangiwi ako sa huling sinabi dahil maski ako ay sinabihan niya din no'n.

Samantala ng tingnan ko ang kaharap ay malalim na ang iniisip nito ngayon.

Yumuko ako at pinaglaruan ang aking mga daliri, hinihintay ang sunod nitong sasabihin. Hindi naman ako nabigo dahil mayat-maya pa'y narinig ko itong nagsalita na ikinagulat ko naman ng husto.

"Pasinsya na Hija, humuhingi ako ng dispensa sa naging hakbang ng aking anak. Patawarin mo rin ako sa naging asal ko kani-kanina lamang." aniya nito na ngayon ay maaliwalas na ang mukha. May ngiti naring nakaukit sa mga labi nito habang nakatingin saakin.

"Pwede bang humingi ng pabor Hija?" nagbabakasakaling tanong nito na agad ko namang tinugon. "Ano po 'yon?" Ngunit natahimik din ng marinig ang pabor na sinasabi nito.

"Maaari bang paibigin mo ang anak ko sayo, Hija?"

♘𝐽𝑒𝑠𝑚𝑎𝑛𝑖𝑐𝑣𝑒𝑟𝑜

Temporary MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon