Chapter 10| Sorry

439 183 7
                                    

|TEMPORARY MADNESS|

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐄𝐍


Nang mahimas-masan ay agad akong kumilos upang iligpit ang adobo at sinigang na niluto. Hindi ko iyon itinapon dahil nasasayangan ako, naisipan kong ilagay na lang iyon sa isang plastik container at ipaloob sa fridge, pu-pwede ko pang initin na lang iyon bukas, para makain ko.

Bago lumisan ay hinugasan ko muna iyong mga plato at kutsarang ginamit, at nang matapos ay kaagad akong nagtungo sa inuukupang kwarto.

Pagod na ibinagsak ko ang aking sarili sa malambot na kama, at doon ay ipinahinga ko ang kanina ko pa nanghihina katawan. Ni hindi ko na nga naisipan pang magbanlaw dahil sa pagod.

Masyadong nakakapanghina ang mga naganap sa araw na 'to. Hindi ko alam na mahirap palang suyuin ang isang 'yon!

Isang mabigat na bungtong hininga ang aking pinakawalan, habang ipinapalibot ang paningin sa tahimik na kwarto. Malamang hindi siya dito matutulog ngayon dahil masama ang loob niya sa'kin.

Sa naisip ay kaagad akong nalungkot. Nitong mga nakaraang araw kasi nasasanay na akong katabi siya sa pagtulog. Kahit may sarili-sarili naman kaming kwarto ay dito talaga niya gustong i-siksik ang sarili niya sa tabi ko. Hanggang sa namalayan ko nalang ang sarili kong nasasanay nang katabi siya.

Kinagat ko ang pangibabang labi ng maramdaman kuna naman ang pagiinit ng aking mga mata. Ito ang kauna-unahang pagkakataon, simula ng tumira ako dito, na isang araw niya akong binabaliwala. Na kahit tapunan ng matagal na tingin ay hindi niya magawa.

Hindi parin naman nawawala sa isip ko na pagpapanggap lang ang lahat nang namamagitan sa'ming dalawa, pero p*tangina! hindi ko maiwasang masaktan! Lunod na lunod na ako sa kanya, na kahit pag-ahon ay hindi kuna kayang gawin.

Pumikit ako, matapos maikalma ang sarili. Tumagilid ako nang higa, at sa ganong posisyon ay kaagad akong dinalaw ng antok. Nagising lamang ako sa kalagitnaan nang gabi, nang may maramdaman akong humahalik-halik sa aking pisnge pababa sa aking leeg. Nagdadala iyon ng kakaibang kiliti sa aking sistema, kaya naman kaagad na nagising ang aking diwa.

Nang lingunin ko kung sino iyon ay nagulat ako ng madatnan ang naka clean cut na buhok ni Adron. Naka sub-sub sa aking leeg ang kanyang mukha kaya buhok lang niya ang nakikita ko. Ang akala ko pa naman ay hindi niya ako tatabihan.

Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang suot. At kagaya ko ay iyon parin ang suot niya kagabi. Mukhang wala siya sa kalagayan para magbihis. Nakaka amoy din ako ng alak sa kanya.

"Adron...?" Mahinang aniya ko bago naisipang tumagilid nang higa, paharap sa kanya. Gusto kong makita ang perpekto niyang mukha.

Umalis naman ito sa pagkakasub-sub sa aking leeg, at mapungay ang mga matang sinalubong ang aking tingin.

"Sorry..."

Nagulat ako ng bago paman ako nakapagsalita ay iyon na agad ang namutawi sa lalaking kanina kupa sinusuyo. Malambing at nagsusumamo ang kanyang tuno. Naamoy ko ang naghahalong alak at sariwang amoy nang kayang hininga. Dahilan upang mapapikit ako.

"I'm sorry, Cha... I'm really sorry," Naramdaman ko ang sunod-sunod na pagalog ng kanyang balikat sinyalis ng kanyang pagtangis. Agaran kong inimulat ang aking mga mata, saka ito tarantang dinaluhan.

"Hey."

Marahan kong hinawakan ang kanyang pisngi at ipinaharap sa akin. At ng tuluyang nagawa iyon ay, nanlumo ako ng makita ang mga luha nitong parang gripo na nagsisipag-bagsakan mula sa kanyang mapula na ngayong mga mata. Kong titignan ito ngayon ay ibang-iba ito sa Adron na nakasalamuha ko kagabi. Para itong batang umiiyak habang humihingi ng tawad.

"I'm so, sorry for being rude to you, sweetie. Yesterday. I was so upset that I didn't even think that my actions and words, might hurt you. I'm sorry..."

"Shhhh... it's okay," aniya ko bago punasan ang buong mukha niya gamit ang aking pink na tawel na maayos na nakatupi sa beside table nang kama. Naka luhod ako sa may bandang gilid niya habang siya naman ay nanatili sa pagkakahiga.

At habang pinupunasan ang mukha niya ay nakatingala lamang siya sa akin at titig na titig. Sa palagay ko nga ay maari na akong matunaw sa klase ng kanyang tingin. Naisip kong kaya siguro ito nagkakaganito ngayon ay dahil sa lasing ito.

Nang matapos ay akma na sana akong aalis sa kasalukuyang posisyon, nang bigla na lamang ako nitong kinabig pabalik, dahilan ng pagkakasub-sub ko sa kanyang patigas na dibdib. Nakadagan ako sa kanya habang mahigpit niya akong yakap.

"A-adron..." nanghihinang tawag ko, ng maramdaman ko na naman ang hininga nya sa bandang leeg ko.

"Hmmmm...?" Iyon lang ang nakuha kong responde mula sa kanya, sa halip ay dinampian niya ng mararahan ngunit mainit na halik ang bandang iyon ng aking leeg. Nagdadala iyon ng pinaghalong kiliti at init sa aking katawan.

Kanina lang ay tudo iyak ito at hingi ng tawad, ngayon naman ay nilalandi niya ako gamit ang padampi-dampi niyang halik sa aking leeg.

Napatingala ako habang nakapikit nang bigla na lamang itong tumigil. Naiirita ko naman siyang tiningala. Ngunit sa halip na masindak ay nginisihan niya lamang ako. Ang kanyang gwapong mukha ay wala ng bahid nang luha.

"Remember what I said about the right time, sweetie?"

Mapungay itong ngumiti saakin saka maingat na kinuha ang aking kamay na napaso, dinala nito iyon sa kanyang mga labi at marahan na dinampian nang halik. Habang ang kanyang nagbabaga at nanunuksong tingin ay nanatili sa akin.

"This is it. The right time, and the right place 'to do it, with you, sweetie... I will own you, now. Exactly dawnlight."

♘𝐽𝑒𝑠𝑚𝑎𝑛𝑖𝑐𝑣𝑒𝑟𝑜

Temporary MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon