Chapter 6| Spank

420 187 6
                                    

|TEMPORARY MADNESS|

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐈𝐗


Matapos ang paguusap namin ni Tita Emillia ay magkasabay kaming pumunta sa Living room kong saan na'roon at matyagang naghihintay na samin ang mag ama.

Nang magtama naman ang mga mata namin ni Adron ay kita ko doon ay labis na pag-aalala. Siguro ay inaakala nitong may sinabing hindi maganda ang ina niya sa akin.

Nang tuluyang maka lapit sa kanya ay nagulat ako ng bigla na lamang niyang ipinulupot ang mga braso sa aking beywang at giniya ako upang mas mapalapit pa sa kanya. Dahilan upang tumama ang ulo ko sa kanyang matigas na dibdib. Sinubukan kong kumawala ngunit ayaw ako nitong pakawalan.

Samantalang ng tingnan ko ang reaksyon ng magasawang kaharap lamang namin ay agad akong napayuko. Naginit ang aking magkabilang pisngi, alam kong sa mga oras na'to para na akong kamatis sa subrang pula.

Rinig ko ang pagtikim ni Tita Emillia kaya nagangat ako ng tingin upang tignan sya.

"We should eat," ani nito bago tumayo sumunod naman ang Asawa nito saka sila magkasabay na naglakad papunta Dining hall ng mansiyon.

"So? What's with that private talk with my mother's all about?" Kaagad na tanong nito ng tuluyan kaming maiwang dalawa.

Hindi ako nakapagsalita hindi ko alam kong sasabihin ko ba sakanya ang napagusapan namin ng kanyang ina. Pero naisipan kong huwag nalang iyung babanggitin sa kanya. That should be keeped with me and he's mother.

Hanggang ngayon ay palaisipan parin sa'kin kong bakit humingi ng ganoong klasing pabor ang kanyang ina samantalang hindi maganda ang unang empresyon nito sa akin.

"Did she threatened you? or did something un-appropriate?"

Napasinghap ako ng marinig iyun mula sa kanya. Nanggigigil na kinurot ko sya sa tagiliran dahilan ng kanyang pagigik.

"Ano ba naman 'yang pinagsasabi mo Adron! hindi ako sinabihan ng kahit anong pagbabanta ng mommy mo, nagusap lang kami ng masinsinan!"

Ganon ba ang inaakala niyang gagawin ng sarili niyang ina sa akin? Alam kong mataray talaga si Tita Emillia, pero hindi naman siguro nito magagawang magbanta O gumawa ng ikakasakit ko.

Sa paguusap namin kanina ay hindi naman ko naman ito nakikitaan ng galit, kalmado lamang itong nakikipag usap sa'kin. Siguro ay tinatantya nito kong karapat-dapat ba talaga ako sa anak niya. Kahit panga'y nalaman nitong pagpapanggap lamang ang tanging namamagitan sa amin.

"Oh, right. I'm sorry then." Ani pa nito kaya tumingala ako sakanya at sinamaan ko ng tingin. "Wag ka sa'kin humingi ng tawad, kay Tita Emillia ka humingi."

Ngumiti lamang ang Impakto pagkatapos ay tumayo. Dahil nga nakasubsub ako sakanya at nasa kandungan nya ako. Sa pagtayo niya ay nadala 'rin ako kasama niya.

Namalayan ko na lang na nakapulupot na ang aking mga kamay sa kanyang leeg habang ang aking dalawang binti naman ay nakapaikot sa kanyang bewang. Naramdaman ko ang kamay nito sa aking pangupo, sinusuportahan ang bigat ko upang hindi tuluyang mahulog.

Nang magtama muli ang paningin namin ay agad akong nanghina. Amoy na amoy ko ang natural na panlalaki nitong amoy na' nanunuot sa aking ilong.

Samantalang ang Kulay abo naman nitong paris na mga mata ay mapungay na nakapako sa aking Itim na itim na mga mata.

Ilang oras din kaming ganon hanggang sa ako na ang kusang nagiwas ng tingin. Akala ko ay kaya kong makipagtitigan sa kanya ng mahabang oras. Akala ko lang pala iyun.

"Ibaba mo na ako, Adron." mahinang aniya ko dito sapat lang upang marinig niya.

Ngunit sa halip na pakingan ako ay iling lamang ang nakuha kong responde mula sa kanya. Sa halip ay mas lalo pa niyang inilapit ang katawan ko sa kanya dahilan upang maramdaman ko ang mabilis na pag-tibok ng kanyang puso.

"Adron, Baka may makakita saatin. Ibaba mo 'na sabi ako!"

Kung kanina ay mahina ang pagkakasabi ko no'n ngayon ay mariin na.

"No,"

"Adron naman-"

Hindi ko na natapos ang pagmamaktol ko ng makaramdam ako ng malakas na pagpalo mula sa aking pangupo. Subrang lakas niyon na kahit may tila ay ramdam na ramdam ko ang kirot.

Gulat kong tiningnan si Adron, na syang may gawa. Malaki ang ngisi nito habang nakakalukong nakatingin sa akin.

Ako naman ay biglang napipilan at hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. Nanalalaki ang mga mata sa subrang gulat.

P*tangina! Did he just spank my butt!

♘𝐽𝑒𝑠𝑚𝑎𝑛𝑖𝑐𝑣𝑒𝑟𝑜

Temporary MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon